Chapter 1 -- The Early Times
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ian's POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
The story starts in August 28 2007, the day Ian and Elle celebrated their 2nd anniversary as a couple.
"Happy anniversary loves!" nabigla ako dahil sa pagkabukas ko ng regalo nya para sakin, nakakita ako ng isang mamahaling watch.
"Elle.. Binili mo to para sakin?" tanong ko sakanya.
"Oo loves, sorry kung medyo cheap lang ha? Alam ko kasing mahilig ka sa watch kaya ayan na binili ko."
Napangiti naman ako. Napakathoughtful talaga nitong si loves... Diba ang karaniwang gift ng mga mag boyfriend at girlfriend kapag anniversary, ay roses or scrapbook or kahit anong kakornihan? Iba kami ni Elle.. Thoughtful kami kung magbigay ng gifts at hindi kami go with the flow sa modernong mga relasyon.
"Salamat talaga loves ah. Nag-abala ka pa." tumayo ako at umupo sa tabi nya bali sobrang dikit na dikit na ang katawan namin ngayon. Pang-one person lang kasi yung inuupuan nya.
"Teka loves." sabi ko at may kinuha sa paperbag na dala ko... Binigay ko sakanya yung maliit na box at pagkabukas nya neto...
"Sapphire necklace? Oh my gosh, Ian." halos lumuwa na yung mata nya sa gulat. "My favorite color is blue!!! Thank you thank you thank youuu!" niyakap nya ako at niyakap ko din sya pabalik.
"Tara isuot ko na sayo." kinuha ko yung necklace at tumayo sa likod nya. Unti unti ko tong kinabit at pagkatapos nun bumalik na ako sa tabi nya.
"Happy 2nd anniversary Ian." she said with tears in her eyes.
I cupped her face and put my lips close to hers. "Happy 2nd anniversary din, mahal ko." And I kissed her.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagkabalik ko sa bahay tinetext ko pa rin sya.. Ilang minuto pa lang kaming nagkakahiwalay namimiss ko na sya...
Iba na talaga pag mahal na mahal mo na eh... Oo masarap ang first love pero mas masarap yung love na pangmatagalan..
Nga pala, sembreak na namin bukas so bali medyo magiging busy na kami ni Elle. During sembreak kasi madalas binibigyan kami ng sandamakmak na project na kailangang gawin during the vacation kaya siguro, magkakahiwalay muna kami ng unting panahon.
Pero okay lang sakin yun!! Unting oras nalang, magkakasama na ulit kami.. Oo classmate ko sya sa school. Pero iniiwasan namin ang mag PDA kasi ayaw namin ni Elle na pagchichismisan kami.
Goodnight loves, matutulog na ako. Gagawa pa kasi kami ng project bukas ng umaga. Hayyyyyz. I'll miss you. See you when I see you!! <3 I love you!! :) ---- text nya sakin.
I love you too loves. Sige ingat ka ah and good luck sa projects nyo. :"") --- reply ko at pagkatapos natulog na rin ako.