Chapter 7 -- Gone
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ian's POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pinanood kong bumababa yung kabaong hanggang sa nareach na nito yung ground.. Unti unti akong nanghihina na parang anytime.. Makikibaon na rin ako sa lupa..
"Di ko na kaya." sabi ko habang pinipigilan ang sarili ko na umiyak. "Di ko kayang makita si Elle na patay na.. Na isa nalang syang puntod na pupuntahan ko.."
Cinomfort ako ng mga kaibigan ko at pagkatapos nun kumaripas na ako ng takbo..
Wala na si Elle..
Wala na.. Tapos na ang mga pangarap ko..
"ELLLE!!!" sigaw ko habang tumatakbo.. Pero obviously walang sasagot sakin..
Mag isa nalang ako sa buhay ko..
Wala na yung taong mahal ko ..
Nadapa ako and I let my face stick to the ground at dun na ako nagbuhos ng damdamin.
SHIT! SHIT SHIT SHIT SHIT!
"Ian calm down." sabi ni Kaye habang pinipilit akong tumayo.. "Mananatili pa rin sya sa mga puso natin.."
"Oo nga pre. Wag kang OA." sabi ni matt.
Napatayo ako bigla at sinapak si Matt. "GAGO KA BA. GIRLFRIEND KO ANG NAMATAY! GIRLFRIEND KO! 4TH YEAR COLLEGE PA LANG KAMI PERO TAPOS NA ANG BUHAY NYA! TANGINA TANGINA!"
gagantihan na sana ako ni Matt pero napigilan sya ni Kaye.
"IKAW SIGURO ANG MAY KAGAGAWAN NITO NO?PInataY MO SYA?!" tinulak ko sya.
"Pre.. Sorry.. Di ko sinasadya na galitin ka. Di ako ang may gawa sakanya nun at alam mo yan!!" tinuro ako ni matt na parang gigil na gigil. "Baliw ka na ba? Malay mo sinagasaan lang sya at dinala sya sa kwarto nya ng di alam ng daddy nya?"
AS IF NAMAN MANGYAYARI YUN. ANG LABO.
Tinulak ko sya ulit bago ako napaupo sa damuhan. Iniwan na nila ako ditong magisa.
"DANYELLE BUMALIK KA NA SAKIN PLEASE..." sigaw ko pero alam kong wala nang papansin sakin.
Hindi ko na maibabalik ang dati.