DEMON OF LUST

494 5 0
                                    


Hi Spookiers! Hello din sa masisipag na Admins🙂 I just wanna share this to you guys. Hopefully matulungan nyo ako and ma enlighten din Yung ibang dumaranas ng gantong sitwasyon.
Multo, engkanto, Nuno sa punso este Basta mga entities kemerut. Pamilyar tayong lahat dyan diba? 
Pagsapit ng Gabi, napaparanoid ako. Literal. Ayaw magshut down ng utak ko Kaya sobrang daming thoughts Yung pumapasok Sa isip ko. Usually, yung paraan ko para maiwasan Yung overthinking? Masturbation. Yes. Malibog? Pakarat? Oo aaminin ko eto Yung naging way ko para mabaling sa iba Yung atensyon ko at makatulog agad. Pleasuring myself three times a day. Di ko na idedetalye Yung ginagawa ko lol hahaha lamnyunayun😉
But here comes the creepy part. Feeling ko naka attract ako ng demon or whatsoever. Actually di ko din Alam Kung ano sya since minsan Lang Naman sya magparamdam.
First time na "makita" ko sya ay nung natutulog ako mag Isa sa kwarto. Hindi ko pala masyadong naisara Yung pinto ko non. Nakaawang Lang. Edi natulog na ko when suddenly nanaginip ako. May lalaking tumatawag sa pangalan ko. Edi ako Naman si gaga di ko Alam hinahawi ko na pala Yung kulambo ko nakalabas na kalahati ng katawan ko ng magising ako. Tungunu pagtingin ko sa pinto sheet! Nandun sya. Isang maitim na nilalang na mabilis na sumilip sa pinto ko. Pagtingin ko sa oras 3:00 AM na pala. 
Second encounter is, recently Lang. Habang naliligo ako sa cr (Gabi na mga 6:00 PM) Ako Lang mag Isa sa bahay non. Paglabas ko ng pinto sumalubong sakin yung kakaibang kilabot. Minsan ko Lang maramdaman to. Pagtingin ko sa gilid andun sya. Yung maitim na nilalang. Lalong nanlaki Yung ulo ko ng may mapansin ako. Meron syang hawak. Oo di ako pwedeng magkamali. Larawan ko yon. Picture ko. Well Ang sexy ko sa pic na yon hahaha kidding aside. Shemay umay garutay! Bakit nya hawak yon?! Bakit nasa kanya yon eh nakatabi yon sa kwarto ko! Sa loob ng cabinet. Nagmadali na kong tumakbo palabas ng bahay kase sobra sobrang tensyon na Yung nararamdaman ko. Natatakot ako. Ano ba sya? Sino sya? Anong kailangan nya sakin? May kinalaman Kaya Yung mga sikretong malupit ko?!

Ginavirgin
2018

November 23, 2018 at 7:50 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon