Dreaming

423 7 0
                                    


Hello po admin sana maipost medyo mahaba pero worth to read naman po

Dreaming
Nangyari to around 2014 high school student ako ng time na yun naiisipan ko lang ikwento baka sakaling may iba din nakaranas nito. 
Ito na nga, nag simula yung kakaibang pangyayari sa buhay ko nung may inuwi si mama na bilog na salamin. luma na oval shape gawa sa ewan ko kung anong kahoy. maganda at malinaw pa di kagaya ng ibang salamin e sa katagalan lumalabo diba. galing daw yun sa tita nya na kamamatay lang weeks before that time. binigay daw sa kanya since wala naman na gagamit and ayaw rin ng caretaker sa bahay ng tita nya kaya ayun inuwi nya nalang kaysa matapon daw. sa totoo lang e ayaw na ayaw daw pinapakialaman mga gamit ng tita nya lalo na't masyado itong strikto pagdating sa mga bagay bagay, pero anong magagawa nya since shes not capable to do that anymore.

Back to my house tayo. Ayun sinabit sya sa sala namin. Sa likod ng sofa so kapag nakaupo ka e maiilang ka talaga dahil may salamin sa likod mo. Isang hapon habang naglalaro ko ng ps3, syempre god of war kaya
busy ako masyado
At kakauwi ko lang galing school. wala pang tao dahil ang uwi ng parents ko ay 6 pm pa. yung kapatid ko na 8 years old laging nasa labas naglalaro. so ayun sa katagalan ng paglalaro ko may napapansin ako sa likod ko. May moment na parang magbblur yung side sight ng paningin ko. Di ko pinapansin. after 2 minutes ayan nanaman. naiilang nako at lingon na ko nang lingon sa likod ko. napapansin ko yung salamin e parang lumalabo. Parang may moist kung titignan. Nagtaka ko pero di ko nalang pinansin. after minute may parang dumaan sa likod ko. Sht, nanlamig ako bigla at tumaas mga balahibo ko. Kasi sa likod ko mismo huminto yung dumaan. 
ewan ko ayoko talaga pero yung katawan ko unti unting lumilingon. wala kong nakikita blur sa bandang harapan ko pero nakikita ko yung salamin, di ako nakakilos sa nakita ko. may likod ng lalaki sa salamin. di ko na alam sumunod na nangyari, basta nagising nalang ako na kakain na. Nasa sofa parin ako. nandyan na sila mama. habang kumakain kami. Naiisingit kong ikwento. tinawanan lang ako haha, kinagabihan nilagnat ako and tumagal yun ng ilang araw. Medyo na concern na sila. kaya ayun tinago nalang yung salamin sa cr.

After 3 days tsaka lang nawala yung lagnat ko. Sunday ng umaga noon kakagising ko lang pababa ko papunta na sana ko ng cr kaso may nauna sakin. ewan ko kung sino galing sa labas e siguro si papa basta hintayin ko nalang. ang tagal lumabas ihing-ihi na ko mamennn.. dun ko napagpasyahan na sa labas na lang magbawas, pagbukas ko ng pinto nakita ko si papa. Nag lilinis ng motor, nagulat ako. tinanong ko si papa kung sino yung pumasok ngayon lang. Wala naman daw. kanina pa sya nasa labas at makikita nya lahat ng papasok at lalabas. Napaisip ako kung sino. Napatayo din si papa titignan namin kung meron nga pumasok sa cr. kinatok ko walang sumasagot pero parang may nagbubuhos. baka si mama lang yan sabi ni papa, nakita ko lalaki pumasok e, kinatok ko pa, oh bukas naman pala e. pagkabukas namin napa tili kami ng malakas. De joke lang haha. gulat na gulat kami e walang tao. bakit may nagbubuhos kanina!? so ayun na convince ko sila na meron nga talagang kung anong maligno dito. nagpa service si papa kinahapunan din ng parang albularyo. pinakita nya agad yung salamin na nasa cr. sabi nya kaagad walang kakaiba sa salamin. pero nag perform sya ng ritual o yung tinatawag na tawas. Naginsenso at nag cleansing daw kumabaga. nandun kami lahat. napatitig sakin yung albularyo. sabi sakin patingin ng mga kamay ko. kakaiba daw at may kulang daw sa afterimage ko. may nawawala daw na parte nito. pinaikot nya sakin yung insenso tapos lumayo sya ng konte para titigan. "Ayun" sabi nya. may nakalabas daw sakin sa bandang tagiliran ko. Di ko alam kung ano yun. Nacurious din ako. Sabi nya parte daw ng kaluluwa na medyo di naka arange. hahaha lokoloko medyo natawa ko na kinilabutan. di ako naniniwala sa mga ganyan kaya basta ganyan naging reaksyon ko. may iniwan sya na maliit na marmol at pinulot sa labas na dahon. yung marmol daw ilagay ko sa ilalim ng unan ko, tapos yung dahon e ibabad daw sa pagliliguan ko ngayong gabi lalagyan ko daw maraming asin at wag daw ako magsshapoo or sabon buhos lang. pinayuhan nya din ako magsuot ng singsing para daw sa physical magnetism na ewan. 
Ayun sinunod ko naman. Kinagabihan si mama na naghanda ng ipangpapaligo ko binabad muna yung dahon. tapos tubig na maraming asin. Binantayan pa nila ko sa labas ng cr e haha. So ayun nga pagpasok ko ng cr napansin ko parang ang bango ng tubig ah. Dahil siguro sa dahon. Pero hindi e isang pirasong dahon lang ng caimito to e. ayun tinitigan ko muna yung dahon pa sayaw sayaw sa timba bago ko kumuha ng tabo at nagbuhos.

Napansin ko parang huminto yung oras pagkabuhos ko bigla nalang nagiba yung paligid. nagblurred ang lahat 
nanghihina ko na nasusuka. Kinalabog ko yung pinto ng malakas para malaman nila na may nangyayari sakin. wala kong maikalabog. wala ko marinig. Wala kong reaksyon na maibigay di na ako makakilos tapos para kong uhaw na uhaw. 
huli kong naalala 
nakatayo lang ako sa harap ng salamin. nakikita ko sarili ko nawawala nagbblur nagmomoist yung buong salamin hanggang sa natakpan na lahat. wala na ko maalala pagtapos nyan. nagising nalang ako sa kwarto ko mga alas 3 na madaling araw. kakaiba yung paligid medyo malabo siguro gawa nang di pa masyado adjusted yung paningin ko. may naririnig ako na parang mga bulong at sigaw na sobrang hina. parang nag tu-tune ako ng radyo. 
sakit sa tenga. binuksan ko pinto. Bumaba ako nagtaka ko maliwanag na. dumiretso ko sa pinto sa labas para icheck. bandang hapon na pala.
may naglalaro ng ps3 sa sofa. di ko pinansin dumaan lang ako sa likod nya. huminto muna ko sa likod nya. Pinanuod ko saglit god of war nilalaro. parang na deja vu ako. Di naman ako nag react. dumiretso ko sa cr. naghilamos. pagkatingin ko sa salamin e blurred nanaman. Bigla akong parang nahulog sa panaginip. I'm sure alam nyo yung feeling nahulog sa panaginip diba. Ganun. nag black yung paningin ko tapos nagising nalang ako may sumasampal sakin. Si mama, umiiyak na habang nakasandal ako sa gilid ng cr tulala lang daw ako nung time na yun. Narinig daw nila ko na kumalabog kaya pinwersa nilang pumasok na. Ayun nandatnan nila ko nakabaluktot sa gilid. Tulala lang wala daw at walang reaksyon. Mga 10 mns daw akong nakaganun lang. Sa ngayon fresh na fresh parin yung mga alala, nag research ako about that and nadiscover ko na nakaranas pala ko ng lucid dream. kakaiba nga lang kasi nakapag create ako ng sarili kong dopelganger. nakita ko yung sarili ko sa alternate time. And thats very creepy.
Hanggang ngayon wala parin akong conclusion papano nangyari yun. yung salamin siguro na pinatapon na. 
After that wala na kong naranasan na kakaiba. I hope you enjoy my story kahit medyo mahaba. Sana ma post and so i can read whats your thoughts. Im a fan of this page. Salamat po.

September 2, 2018 at 12:32 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon