The girl with a blurred face

205 2 0
                                    


This happened kanina lang. A place somewhere in Sonados, San isidro. I'm Queen (not my real name)

Dapithapon non. Nasa bandang alas 2 ng hapon. I'm with my friends at nagpaplano kaming maligo sa salog. Ng napagdesisyunan namin na dun na lamang maligo sa bahay ng kaibigan namin kase kahit Hindi namin sya kasama legal naman sila ng girlfriend nya. By that time kase yung girlfriend nya ang kasama Namin si kimmy (not her real name). So ayun na nga ng nandun kmi nagbihis kami ng damit panligo. At pumunta na sa may salog. Sabi ko sakanila dito nalng kami maligo sa may mababaw pero they insisted na maghanap ng malalim na paliguan so wala akong nagawa kundi sumunod nalang. (Fast forward) dumating yung tatlo naming kaibigan na lalaki sumunod kasi sila. So ayun na nga. Nakarating na kami sa may pinaka dulo. At napagdesisyunan na don na lamang maligo. Ng naliligo ako may bigla akong nakitang babae sa may kanan ko. Medyo creepy sya kasi ang lalim ng mata nya yung para bang puyat na puyat and what's weird is nakatingin sya sa isa sa mga kaibigan Kong lalaki na kakadating lang. Pero binalewala ko nalang yun at di pinansin. Yung time na naligo yung kaibigan ko nagaasaran kasi sila that time nabigla ako ng makita ko yung babae na nakasakay sa may likuran nya. And what's worst is blurred na yung mukha niya yun parang bang tinanggalan sya ng mukha. Nahintatakutan ako non ng sobra. Mabuti na lamang at tinawag na kami ng mga kaibigan namin at mabilis na umahon. Dali Dali akong umalis sa lugar nayon. Pagdating namin dun ay medyo dipadin maabsorb ng utak ko ang mga nangyari pero di nalang ako kumibo at nagkwento. Ng pauwi Na kami dinadaan ko na lamang sa kanta ang nakita ko kanina. Hanggang ngayon di parin ako matulog dahil sa insidenteng yon. Pero kung ano man yon hinding Hindi na ako babalik sa lugar nayon at sana Hindi na maulit pa.

P's : pagnapost to imemention ko mga kaibigan ko na kasama ko kanina.

November 25, 2018 at 4:15 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon