Hospice

942 11 0
                                    

"Ako yung tipo na naaaliw sa history that's why when my husband asked me where to spend our 3 days leave from work, I suggested this place. This actually looks like a hacienda. Pagkapasok mo, bubungad agad ang nakangising gwardiya na naka upo sa loob ng guard house. First time namin dun. We only heard it through our friends na hilig din mag explore.

We never thought na malayo pa pala yung silid na we chose to stay for few nights from the entrance. Nag commute lang din kami kaya wala kaming choice kundi maglakad. We walked from the gate but di naman nakakapagod kasi maaaliw ka sa makikita mo. Mga nagsisitaasang niyog at iba't-ibang uri ng puno, at sa gilid ng sementong daan ay ang mga sarit-saring bulaklak. Merong camp site sa mahilig magtent. After that, madadaanan mo din ang malawak na taniman ng pinya. Malalampasan mo din ang villa sa unahan ng taniman ng pinya. Saka yung ancestral house, kung saan may mga silid-na pwedeng upahan. Yung house ay may apat na palapag. Yung sa baba ay restaurant lang saka front and information desk. Sa itaas puro silid na. Dun kami sa pangalawang palapag.
Unang kita ko pa lamang ay agad akong namangha. May mga iba't-ibang kagamitan na nagmula pa sa ating ka nuno-nunoan. May mga tula pa talaga ni Rizal, mga pandigmaang kagamitan from Spanish Era to Japanese Regime. Nagmistula itong museum sa loob ng hotel.

Our room is Spanish-inspired. Lahat ng bagay ay yari sa kahoy maliban sa lock na naka modern na, door knob. Napaka kinis ng sahig na parang madudulas ka. Sa may kanan nakapwesto yung double-deck bed na meron pang mosquito-net na tulad din nung sinaunang panahon. Katabi nito ay may bedside table na yari din sa kahoy. Sa paanan naman ay matatagpuan mo yung upuan malapit sa maganda ding bintana na tulad nung nasa panahon pa ng Kastila, yung parang itutulak mo lang pagilid para bumukas. And it's all worth it kasi kita-kita mo ang pool sa labas na napapalibutan ng bulaklak at hut.
We arrived around 3 in the afternoon. We ate native delicacies while reading books written by our famous Filipino writers. It was 7 pm in the evening when we decided to dip in their pool. Sobrang romantic ng place. Kami lang yung naliligo that time so we invited two of their staffs to join us and promised them na kami na bahala magexplain sa boss nila. There we knew na kami lang pala dalawa naka check in sa ancestral house that evening. Yung iba kasi nasa modern hotel rooms, camp site and villa nagstay. And it's good kasi maso-solo namin yung place, even the pool kasi ilang metro din ang lalakarin mo kung di ka sa ancestral house naka check-in kapag gusto mong maligo sa pool or magtry ng different activities nila which is malapit lang sa amin.

It was almost 10, I told them na aahon na kami kasi giniginaw na talaga ako. Anyway, yung tubig is sobrang ginaw kasi fresh pa galing sa bundok na malapit lang din dito. Sabi pa nung dalawang staffs na hanggang 10 PM lang yung work nila kasi may papalit na namang ibang staffs. But we insisted na baka pwedeng sabayan nila kami cause honestly, nagenjoy kami sa company nila. We rented the room next to us for them and paid their over-time pay.
My husband and yung lalaking staff ay sa 66baba na nagbihis. Yung babaeng staff naman and ako, sa taas na nagbihis kasi our other necessities are upstairs, you know girls. So dun after doing my rituals as a woman, lumabas na ako ng kwarto para bumaba. Sakto din na lumabas yung babaeng staff sa room nila sa tabi namin. Sabay pa kami ngumiti at naglakad palapit sa hagdanan pababa. Papababa na sana kami ng hagdan ng magsipatayan ang ilaw. Together, we shouted. Hindi naman ako matakotin but I hate dark. I was frozen.
Minutes after, umakyat na yung asawa ko kasama yung dalawang security guards, yung lalakeng staff, dalawang taga front desk at isang pampalit sana sa dalawang staffs. (yung isa is nasa may villa pa daw) They were using their phones as flashlights. Habang naghihintay umilaw ulit, we decided to read books sa pangatlong palapag. We stayed there for like 2 hours then we decided to just sleep, baka kasi matatagalan pa.
Agad na kaming humiga ng asawa ko pagkapasok ng silid namin. Ako ang nasa may wall kasi nakadikit yung bed, and siya yung malapit sa pintuan. Tanging mga phone screens lang ang nagbibigay ilaw. He opened the windows and we saw the sky full of stars through it. And di namin namamalayang nakatulog na pala kami.
Mula sa pagkakaidlip, nagising ako sa ingay sa labas ng silid na parang may naglalakad. May ilaw na. Tiningnan ko lang ang asawa kong himbing na natutulog sa tabi ko habang nakikinig sa maiingay na yapak ng paa sa labas ng silid. So I just thought baka may nag check-in ng iba. Ilang minuto na, mas lumalakas ang yapak na parang papalapit sa aming silid. At I confirmed it kasi mula sa ilaw at maliit na espasyo mula sa sahig at pinto, maaalintana mo yung shadow ng paa. Huminto ito sa harap ng pintoan ng aming silid. Kunot-noo akong tumayo para sana tingnan kung sino yun. Sa halip may nakita akong babaeng nakaupo sa sahig at nakayuko. Di ko makita ang kanyang mukha kasi nakatalikod ito ay umiiyak. Sa sobrang kaba, tiningnan ko yung asawa ko na nakatingin sa akin. Gising na pala.

Nagkatinginan lang kami at nanatiling walang imik. I asked him na palit kami ng posisyon. Dun sya sa may wall at ako sa may pintuan. I closed my eyes, trying to divert my attention but the moment I did it, may naririnig akong boses ng babaeng humahagolhol at nagpapatulong. May mga sinabi siyang di ko maintindihan pero alam kong Spanish language ang gamit niya. I opened my eyes and found out na galing pala sa babaeng nakaupo sa sahig malapit sakin yung mga salita. I closed my eyes again. Alam mo yung feeling na someone whispered? Sabi niya 'Tulong! Helpme please! May lalake sa pintuan!' Tinuro niya yung pintuan.
That's our door pero parang nagiba. Yung kaninay door knob pa 'to, ngayoy naging ibang lock. Yung ikakabit mo lang? Dahan-dahan itong nabukas ngunit dahil naka.lock, kalahati lang ang nakaawang nito. Pero it may be too small but it's enough for me to see na meron ngang lalake sa labas. Naka uniporme ng sundalo during Japanese era at naka combat shoes. Ipinasok niya ang kalahati ng kanyang katawan. Naglabas siya ng baril at itinutok sa babae. Before I could stop him, he already pulled the trigger at ang tanging narinig ko lamang ay ang baring nyang pumutok.
Kasabay nung malakas na putok ay ang pagkagising ko. Umuungol yung asawa ko na nakapikit pa din yung mata. Alam kong nananaginip lang ako. Nagtaka lang ako kasi tulad nung nasa panaginip, nagpalit talaga kami ng posisyon. Takot may, ginising ko siya. We never utter any. We just prayed and waited for the sun to rise. Yung phone namin is dead batt tapos sabi kong wag muna naming tawagan yung iba. I looked at my watch and knew that it's 3 AM so we waited for the sun to rise at di na natulog ulit.
Parang walang nangyari, bumaba kami at kumain ng agahan with the staffs. After that tumambay kami sa may pool na may maraming tao na. I asked my husband kung bakit binangungot siya. Tapos kinwento niya yung panaginip niya. Natutulog daw kami nung may naglalakad sa labas. Tumayo daw ako tumingin sa may gilid kung saan may nakita syang babaeng umiiyak, nanghihingi ng tulong. Di niya daw maintindihan yung sinasabi nung babae kasi iba-iba yung lengwahe. But he knew na nanghihingi ng tulong yung babae. Pinausog ko pa daw sya at humiga ako sa may malapit sa pinto. Tinuro daw nung babae yung pinto saka may nakita syang lalake na humahawak ng baril. Tiningnan niya lang yung eksena at nakita niya na kang yung babaeng walang kalaban-labang binaril nung lalakeng parang sundalo.
As planned, we're supposed to stay there for two night. Di ko pa sinabi sa kanyan about sa panaginip ko din pero buo na ang pasya naming uuwi na. Nagempake kami ng mga gamit ng walang sabi-sabi. Hinatid pa kami nung pinakamatandang staff nila.
Bago kami umalis, di ko napigilan na tanongin siya.
Me: Ate, may horror experience ba kayo dito?

Ngumiti muna siya bago sumagot
Siya: Kung ano man ang nakita at narinig nyo kagabi, itago na lang natin yan. Mula sa mga lumang gamit yan dun kaya't imbes na matakot, ipagdasal na lang natin yung babae na sana'y makamit na niya ang hustisyang kanyang hinihingi.

Nagtinginan na lang kami ng asawa ko at sumakay na sa taxi.

Honestly, after that we included her on our prayers kasi may mga gabing kahit di namin siya iniisip, napapanaginipan pa rin namin siya at sabay pa


September 27, 2018 at 12:48 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon