MALIKMATA

305 2 0
                                    


Bata pa lang ako ay madalas na akong makaramdam ng kung anu-anong kababalaghan. Please do hide my identity na lang dahil ang mga susunod na i-sha-share ko sa inyo ay hango sa aking tunay na karanasan.
2012 nang maospital ako dahil sa isang operasyon. Sa kwarto kung saan ako na-admit, naranasan ko ang pagpaparamdam ng isang bata. Hindi ako sigurado kung babae o lalaki siya. Basta ang alam ko, silhouette siya ng isang bata na parang anino lang. Bigla-bigla ko na lang siyang nakikita sa peripheral vision ko. Bigla-bigla siyang nagpaparamdam nang hindi ko inaasahan.
Isang gabi, bago ako makatulog, naramdaman kong may yumakap sa akin na maliliit ang mga biyas. Nangidilat ko ang aking mga mata, nakita ko na wala naman akong katabi. Nang mga oras na yun ay tulog ang mga tagabantay ko. Kaya ang malaking tanong, sino kaya ang yumakap sa akin?
Bago man ako makalabas ng ospital, may ilang kakaibang bagay pa akong naranasan. Nakakarinig ako ng mga halakhak at takbuhan ng mga bata. Nakakakilabot pero pinipilit ko na lang na hindi pansinin ang mga disturbances na yun.
Isang beses, habang nagpapahinga ay naramdaman kong lumundo ang isang side ng kama ko. Parang bang may biglang tumabi sa akin pero this time, hindi na siya maliit na bata. Dahan-dahan kong sinilip kung sino ang humiga sa kama ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang sa gilid ay makita ko ang silhouette naman ng isang matanda. Nang idilat ko ng husto ang aking mga mata, bigla na lang nawala ang anino na parang bula. Ang weird ng mga pangyayari pero parang nasanay na lang ako. Hindi na rin ako magtataka dahil it’s a hospital after all. Hind ko naman alam ang history ng buong ospital, let alone nang kwartong aking pinanggalingan.
Makalipas ang ilang buwan, napalitan pa ang experience na yun ng mga panibagong kababalaghan. Sa mismong bahay namin ay nangangamoy sampaguita, Minsan amoy bagong patay na kandila. Minsan naman ay amoy pabango kahit wala namang nagpapabango.
May isang gabi na bigla na lang akong nanaginip. Sa panaginip kong iyon, natutulog kami ng nanay ko, same set-up kung paano kami matulog talaga in reality. Nagulat na lang ako nang may isang babaeng sing itim ng anino ang nasa may ulo namin. At mas lalo pa akong nagulat nang may bigla namang sumitsit sa tabi ko. Paglingon ko, isang malaking mama ang nakita ko. Sumigaw na lang ako ng sumigaw hanggang sa magising na ako. Pagtingin ko sa orasan, saktong alas tres na ng madaling araw, na pinaniniwalaan ng marami bilang devil’s hour daw.
Takot man ako ng mga oras nay un pero pinilit ko pa ring bumangon para mag banyo. Katapat ng kwarto ko ang banyo namin. Para makabawas sa takot, hindi ko na lang sinara ang pinto ng banyo habang umiihi ako. Maya-maya, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Paglingon ko ay napansin kong may sumisilip sa akin. Nung umpisa, inisip ko na nanay ko lang yung sumilip. Pero pagbalik ko ng kwarto, nanlaki ang ulo ko dahil nakita kong tulog na tulog ang nanay ko.
Marami pang pagkakataon na nangingilabot ako sa mismong bahay namin. Minsan, pakiramdam ko ay parang hindi na kami welcome dito. Pero sabi nga nila, fear can also be a product of our imagination. And once natakot ka na, our minds can be very tricky. What we see may be altered by our own thoughts. Kaya ang the best weapon sa takot? Prayers at wala ng iba.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung ano ba ang mensahe ng mga nagpaparamdam sa akin? Dadamahin ko na lang ba ang takot o susubukan kong buksan ang isip ko sa nais nilang iparating?
Mahirap din pala yung nakabukas ang third-eye mo. Pakiramdam ko ay para pa ding akong may sakit. Pero para sa iba, naniniwala sila na isa itong regalo na kailangan lang matutunang gamitin at matutunang tanggapin.
Ako si “Thirdy”, isang Tambalanista at ito ang aking kwento.
credits: Tambalan

October 26, 2018 at 9:42 AM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon