Premonitions

455 4 0
                                    


Uhm hello, its weird tho but this is so true. Ako nga pala sa Gee (hindi ko tunay na pangalan), kamaikailan lang ay hindi ko inaasahang mangyayari ito sa buhay ko. Isang trahedya na di ko inaakala at hindi aakalain ng kahit sino na ito ay totoo. Hindi ko alam kung paano pero sige, ishashare ko lang yung kaya kong ishare kasi medyo mabigat parin sa akin ang mga nangyari. Heto na nga, July 2, 2018, siguro between 9:00pm-10:00pm yun, di ko maalala yung eksaktong oras pero matutulog na dapat ako nun kasi may klase pa ako kinabukasan. So, ayun nga nakahiga na ako habang hinihintay ko na dalawin ako ng antok hanggang sa pumikit na lang ako just pretending na antok na ako at matutulog na but something's happened strange na biglang nagpabangon sakin mula sa kinahihigaan ko kasi biglang nag on yung tv at may nagsalita mula sa isang palabas na nagsasabing "You cannot escape death" e wala namang ibang tao sa loob ng kwarto kundi ako lang kaya nagulat talaga ako pero hindi ko na lang pinansin ang nangyari at bumalik na ako sa pagtulog. This time, nagearphone na ako para marelax naman yung feeling ko kasabay ng paborito kong awitin sa playlist ko then right after, nakatulog na ako. Sure akong nakatulog ako pero kakaiba yung panaginip ko kasi mukha talaga syang totoo. Sumakay daw ako sa isang pulang bus papuntang school kaso pagpasok ko sa bus, puno na sya kaya tiniis ko na lang na tumayo kaysa naman malate ako sa first class ko e major subject pa naman so ayun, siguro mga 5 minutes pa lang akong nakatayo sa bus ay may pumarang isang ale na may dalang set of books na di ko alam kung pocket books ba yun o textbooks basta books sya na nakalagay sa isang open na bag. Nung bumaba sya, ako naman pumalit sa inupuan nya kaya medyo nakapagrelax ako ng maayos. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko, pagkakuha ko, dumulas sya sa kamay ko na naging dahilan ng pagbagsak nito. Kinapa ko sya sa ilalim ng upuan ko then nakuha ko naman sya kaso may nakita akong libro. Binuklat ko sya sa at nag open ito sa page 665-666 na animoy encyclopedia sa sobrang kapal ng libro. Galing yata ito dun sa ale na bumaba at ang nakakagulat pa, ang nakasulat sa pahinang iyon ay puro terms na almost 50 terms na ang ibig sabihin lang ay "Death". Sa sobrang gulat ko, naihulog ko yung makapal na libro sa sahig ng bus na tumama naman sa aking mga paa. Ang weird lang kasi papunta akong school pero nakatsinelas ako sa panaginip ko and then ayun nga, napasigaw ako ng " Araaaay!" kaya napalingon halos lahat ng sakay ng bus then medyo nashy naman ako kasi nakatingin sila sakin kaya bumalik nalang ako sa maayos kong upo then nilingon ko yung window ng bus. Pagharap ko, nakita kong wala ng laman ang bus pati si manong driver wala kaya sobrang taranta ko nun dahil umaandar na ngayon yung bus ng mag isa hanggang sa bumangga na ito sa isang malaking poste at mula doon ay nagising akong naghihikahos at pawis na pawis. Chineck ko kung anong oras na ba then pagtingin ko almost 6am na pala e ang 1st subject ko ay 7:30am tapos ang byahe pa ay almost 30 mins papuntang school kaya dali dali akong naligo at umalis ng bahay. Nag aabang ako ng sasakyan kaso halos mga puno na talaga pati yung mga jeep puno narin kaya nag abang nalang ako ng bus at luckily may dumaan na pulang bus after 10 mins. pero mukhang pamilyar yung bus na ito basta pamilyar sya pero dinedma ko na lang kasi naghihintay na yung bus sa pagpasok ko. Then pag pasok ko ng bus, sobrang kaunti lang ng laman as in siguro mga 3-5 lang. Hindi kasi sya pansin sa window kasi may mga kurtinang nakaharang. Then pag upo ko, may bumabang isang babae na kamukha ng nasa panaginip ko at tugmang tugma sila dahil may dala dala syang mga libro na something na ibebenta nya sa bangketa. Kinilabutan na ako nun kasi parang alam ko na ang susunod na mangyayari pero hindi ako nagpanic bagkus ay huminga ako ng malalim. Kinuha ko yung phone ko sa bag para icheck kung anong oras na ba pero dumulas ito sa mga kamay ko kaya nahulog ito at kinapa ko sya sa ilalim ng upuan ko then instead na yung phone ko ang makapa ko ay isang manipis na libro lang ang nahanap ko. Manipis na medyo luma na. Halos kulay brown na ang pahina nito pero muntik ko ng maitapon ang librong yun kasi may nakasulat doon na isang article about "Death Accidents" pucha halos malaglag yung puso ko sa sobrang kaba. Then sumigaw ako ng napakalakas na "Parrrraaaaa!! po" habang may nginig at takot na bakas sa mukha ko. Tumayo ako at nagtangka ng humakbang palabas ng bus pero sa sobrang takot ko kanina ay nakalimutan kong hanapin yung phone kong nahulog somewhere sa ilalim ng mga upuan kaya sabi ko kay manong, "wait lang po, nakalimutan ko yung cellphone ko." at ng bumalik ako para hanapin yun, may narinig na lang kaming malakas na preno ng bus na malapit sa tinigilan ni manong. Sobrang naparanoid ako kasi yung bus na yun ay sumalpok pala sa isang malaking poste na katulad na katulad ng nasa panaginip ko at ang masaklap pa, marami ang namatay at marami rin ang sugatan. Bigla kong naalala yung napanood ko sa Tv na nagsasabing "You cannot escape death!" Gee Quezon

August 31, 2018 at 4:21 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon