JEEP

495 7 0
                                    


Hi I'm Nicole, syempre not my real name. Avid reader din ako dito since when I was in college, madaming beses akong nagtry na mag send ng story ko pero nung one time na nag send ako eh hindi sya naipost siguro last August 2018 pa yun eh so ayun napagpasyahan ko na wag na muna, kaya ngayon may nais akong ibahagi sainyong karanasan ko nung Last October I don't know the exact date but alam kong last month lang yun, alam ko some of you eh hindi naniniwala sa mga ganto pero magsishare pa din ako hehe. When I was 13 years old nabuksan yung third eye ko, yes third eye. Di ko alam kung pano ko sya ipapasara kase kahit yung panganay naming kapatid is ganun din saken, sabi lahi daw kaya ayun, hindi ako masyadong magaling mag kwento but i will try my very best para mainrindihan nyo story ko, so ayun nga last month pumunta ako ng city, hindi ko na babaggitin kung anong city yun, so ayun pumunta ako kase may bibilhin lang naman tapos bisitahin na din yung friend ko na nag OJT dun mejo yung dorm nya is malapit sa may City Hall kaya dun na ko nag antay sa kaibigan ko, bandang 12nn nun, tanghaling tapat, mejo gutom na din sumilong ako dun sa may puno kase sobrang init nga tapos di ko matawagan kaibigan ko, ring lang ng ring yung phone nya halos mag isang oras akong nakatayo dun sa may tapat ng City Hall hanggang sa may dumating na dalawang babae magkaibigan ata parang nag aabang ng jeep ewan ko ba kung anong ginagawa nung dalawang yun habang nakatayo kaming tatlo may mga dumadaan na jeep pero yung dalawa di sila sumasakay parang may inaantay din tapos may isang jeep na paparating bumusina sya samen tapos napalingon ako and punong puno yung jeep tapos tumigil sya dun sa may tapat namen sabi ni Kuya Driver "Tara Centro" tanging sagot ko lang dun kay Kuyang Driver eh "Ay hindi po kuya punong puno na po sa loob ng jeep mo and may inaantay po ako" Napakunot noo si Kuya Driver sabay tingin sa loob ng Jeep nya and nagpaandar na din sya ng jeep tapos pagtingin ko dun sa dalawang babaeng katabi ko eh nakakunot din sila ng noo na parang takang taka sa sinabi ko kay Kuya Driver and pagtingin ko dun sa umalis na jeep nagulantang ako kase dalawang batang estudyanteng babae lang ang nakasakay sa jeep na tumigil sa tapat namen, di ko alam kung namalik mata lang ba ako or malabo lang talaga mata ko. Nagdasal ako ng nagdasal tapos napagpasyahan ko nalang na umuwi na dahil takot na din naman ako habang nasa tricycle ako papuntang terminal pauwi iniisip ko pa din yung nangyari kanina hanggang sa tumunog phone ko nagtext na pala kaibigan ko na nakatulog daw sya so nireplyan ko sabi ko uuwi na ko. Nung nakauwi nako kinwento ko kay mama yung nakita ko halatang takot din pero sabi nya nagdasal daw dapat ako kaya sabi ko nagdasal nga ako ma.
Kinaumagahan nabalitaan namin na may disgrasya daw nung araw na yun sa tapat ng City Hall at ng ipalabas sa Tv laking gulat ko dahil yung Jeep na naaksidente eh yung Jeep na tumigil sa may tapat namen kahapon kaya naman sobrabg natakot ako sa nakita ko, sabi ni mama sinave daw ako ng guardian angel ko kase baka daw kapag nakita kong maluwag yung jeep eh sumakay daw ako tapos baka daw nakasama ako sa aksidenteng yun.
Ayun maraming salamat sa pagbabasa sana maipost to at madami pa kong karanasan na ikekwento ko sainyo. Hanggang sa muli.

Bicolana.

November 10, 2018 at 2:50 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon