Kapit-Bahay

269 2 0
                                    


Hello mga readers. Share ko lang itong karanasan namin na hindi naman nakakatakot. Hahaha.

Nangyari ito mga April. May pinsan akong mag-isa sa bahay nila kasi mga magulang niya parehong guro at may seminar sila that time ng isang-linggo. Dahil mag-isa lang siya sa bahay nila at kapit-bahay namin, inaaya nalang namin siya na kumain sa bahay. Bago kami kumain tinawag ko na siya na kakain na at sumagot naman siya ng 'Sige' at narinig ko pang parang tumayo siya sa Tumba-Tumba na upuan. Kaya sabi ko ulit kunin pa niya yung Water Melon sa ref nila. Um-oo ulit siya. Nauna na kaming kumain sa pag-aakalang susunod na siya. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na siya. Bigla niyang sinabi,
"Kumakain na pala kayo. Bakit di niyo man lang ako tinawag."
Nabigla kami. Kasi lahat kami sa bahay narinig namin na may sumagot sa bahay nila. At ang mas creepy wala naman siya sa bahay nila. Nasa likod siya ng bahay sa bahay ng Tito namin. Kanina pa daw siya dun at nakikinood.
Ikunwento ko sa kanya yung narinig ko kaya that night di siya natulog sa bahay nila. Eh sanay naman ng mag-isa yun. Natakot sa mga kwento namin.

Next time ikukwento ko yung sa Lola ko noong mga panahon niya.

Allyloony

November 25, 2018 at 5:00 PM

SPOOKIFY 2018✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon