/1/

162 5 0
                                    

FIRST DAY of Grade 12 as well as our last year sa high school life.

Kaunti palang ang tao sa hallway since 7am palang. 9 am pa naman ang start ng klase pero iilan samin ang maaga talagang pumapasok like me. Sipag kasi ako hehe. Every morning ko kasi talaga ginagawa ang homeworks ko then hu-huntingin ko na si Gray. Ganun gawain ko last year and I think it will be just the same again.

Saka patay sindi o minsan naman walang ilaw sa bahay kaya hindi ko magawa mga assignment ko. Dagdag mo pa yung busy ako sa pag hanap ng pang palakas sakin or I must say bumubuhay sa pagka tao ko which is blood.

Wag advance mag isip okay? Hindi ako pumapatay ng inosenteng tao just to satisfy my thirst. Mahilig ako mag sneak in sa mga hospital kung saan merong stock ng blood bags.

Habang kinukuha ko yung mga kakailanganin ko for first subject narinig ko na naman ang chismisan first thing in the morning. Typical chismosa at chismoso. Psh.

"Oh my god, hindi ba nag sasawa yang si Selena kaka papansin kay Papa Gray?" I heard someone whispered. Tinignan ko kung saan galing yun then there they are. Di ko pa nga nakikita si Gray kung maka judge ha!

Nakita nilang tinignan ko sila ng masama kaya agad naman silang nag si lakad ng mabilis palayo. Takot much? Titig palang yan ha, pano pa kaya pag kinagat ko sila? Hmm? Syempre charot lang but I can't make promises.

Humans are so pathetic talaga. Hindi naman ako bitch sa school namin pero lumalabas tuloy akong ganun dahil lang hobby kong kulitin si Gray ever since 1st year high school. Bakit? Crush ko siya eh. At walang makaka pigil sakin no.

Pagkatapos kung makuha yung mga gamit na kailangan ko at iwan ang hindi naman importante parang ex mo joke sa locker agad akong pumunta sa rooftop.

Probihited ang pumunta dito pero dahil sa Vampire skills ko na tatalon ko yung 6 steps na may naka harang na sirang upuan pa punta sa pintuan. Walang cctv sa part na to kaya safe ko nagagawa gusto ko. Mataas din naman yung building ng school namin kaya walang makaka pansin kung may tao sa rooftop. Mababa na rin kasi ang napapalibutan naming mga building.

Actually kakaiba 'tong school namin. Itong first building may 14 floors at ang kagandahan dun may elevator. Sino bang tanga ang gagamit ng stairs kung ang classroom nyo ay nasa 14th floor diba?

Ng mahanap ko na yung favorite spot ko sa rooftop agad kong nilabas mga bagong bili kong notebook na binili pa ni Nanay Cora sa Divisoria.

Akala nilang lahat mayaman ako dahil bukod sa marunong ako mag ayos kala nila lagi akong naka make up. Di nila alam natural look lang yun at dahil din yun sa may dugo akong Bampira.

Simple lang ang uniform namin. Mini-skirt na mid thigh ang haba with matching block stockings para iwas boso. Basta yung parang korean uniform. Gets nyo ba ako?

Since first day ngayon na iintriga talaga ako sa balita na may bagong enroll sa batch namin or sa year namin. Babae at Lalaki pa nga daw.

Pumunta pa nga ako sa piso-net kahapon para lang malaman talaga eh. Pero walang lumalabas na picture nila-for now.

Siguro maganda at gwapo yun? Pero syempre walang mas gagwapo sa Crush ko na si Gray.

Agad naman akong napasilip sa may harang at tumingin pababa ng building kung saan ang gate at parking lot. Marami ng estudyante na dumadating. Wala naman kasi akong cellphone or relos para malaman anong oras na. Kaya ginamit ko nalang kakayahan ko sa pandinig.

"Ang aga ko ata pumasok ngayon?" Rinig na sabi ng isang Grade 10 student sa baba.

"7:45 palang naman, 8:30 ang Flag Cem no" sagot naman ng isa.

The Lost Vampire And The Secret WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon