/11/

23 3 2
                                    

A/N: Sorry medyo natagalan ang update hehe things happened kasi. Anyways here you go!

xoxo

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

"Nak gising na" rinig kong sabi ni Nanay Cora. Aga naman mang gising ni Nanay psh.

Wait... Nanay Cora?

Agad naman akong napa dilat ng mata na kasabay ng pag balikwas sa higaan ko.

"Grabi ka namang gumising anak" sabi ni Nanay Cora na may halong ngiti sa mukha niya.

What's happening? I feel weird.

"Ah eh, ewan ko ba Nanay" sabi ko habang nililibot ko buong tingin ko sa kwarto.

Bakit parang may mali? Parang may kulang?

Napahawak naman ako sa dibdib ko sabay kapa kung suot ko pa ang kwintas. To my surprise suot ko parin siya.

I thought I've lost it.

"Anak kain na tayo ng almusal, inaantay na tayo ni Tatay Guido mo sa hapag kainan" sabi ni Nanay kasabay ng pag tayo nya mula sa pag kakaupo sa lapag.

Tumango naman ako at ngumiti nalang ng pilit.

Inantay ko maka labas ng kwarto si Nanay sabay sapo sa noo ko.

Ano bang nangyayare sakin?, isip ko sa sarili ko. Imbis na mag isip ako ng mag isip napabuntong hininga nalamang ako.

"Gutom lang siguro to" pag kumbinsi ko sa sarili ko.

Little did I know na si Claude ay nasa labas nakamasid sa akin.

×✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴×

Makalipas ang ilang araw, Monday na ulit.

Ibig sabihin may pasok. May long quiz sa Math at makikita ko si Papa Gray ko.

Ayiee, kinikilig na naman si Ate mo Selena. Landi ko din talaga.

Napahinto ako bigla ng inisip ko yun. Parang I've said that before I just don't know when or how.

Alam niyo yung feeling na parang nangyare na yun? Feel me bruh?

Napailing ako sa sarili ko sabay sampal sampal sa mukha ko.

"Ano ba Selena ang nangyayare sayo!" Sabi ko habang sinasampal sarili ko.

"Baliw kana ba anak at sinasaktan mo sarili mo?" Rinig ko na sabi ni Tatay.

"Ay anak ka ng kalabaw!"

"Gusto mo hatid na kita anak?" Rinig ko sabi ni Tatay Guido. Naka suot na sya ng usual attire niya pantalon at t-shirt tsaka tsinelas mayroon ding bimpong naka sabit sa balikat niya. At sa kabila naman ang bag niya.

My byahe si Tatay, isip ko sa sarili ko.

"Di na 'ho Tay, kaya ko naman po mag isa" sabi ko at tumango nalamang siya.

The Lost Vampire And The Secret WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon