Hindi ko MAINTINDIHAN sa sarili ko bakit ganito nalang ka sakit buong katawan ko lalo na ulo ko. Sumabak ba ako sa boxing ni Sen. Manny? Impossible naman yun bukod sa famous yun di rin ako kilala nun.
Dun ko lang napag tanto na I'm half awake and half asleep. Yun bang nakapikit kana pero gising parin diwa mo. So nag pasya akong imulat mata ko.
Sobrang lambot naman ng kama nato. Parang cotton candy, I can sleep here all day. Maala high class ang lambot at- wait.
Bigla akong napabalikwas sa gulat.
"Shit. Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nililibot ko ang mata ko sa silid na kinaroroonan ko.
The walls are painted gray pero ang ceiling niya ay pure white na may malaking chandelier na feeling ko may 1,000 bumbilya. Taas siguro kuryente nila?
Puti rin ang tiles sa sahig na may gray animal fur carpet. Ew.
Pero grabi tong kwarto na to maala 5 star hotel or even more than that. May malaking bintana na naka connect sa balcony pero natatakpan kaunti ng white curtains. Then napansin ko ung kama is king size. Obvious naman kasi ang lawak pwede ng tatluhang pamilya dito humiga. At akalain mo nga naman na color gray ang cover niya. Yung mga pillows naman may gray, white at black color.
"Hindi halatang mahilig sa gray may ari nito ha?" I muttered to myself sabay tayo. Pero ramdam ko kirot ng buong katawan ko.
Haluh. Hindi kaya ni rape ako kaya ganito ka sakit katawan ko?
Balik tayo sa theme ng kwarto na 'to. Meron naman kahit papaanong mga displays. Like yung black bookshelves. Mini salas na may gray sofa at sobrang laking flat screen tv. May cr din siya, kita naman kasi naka bukas yung pinto ng cr. Pero makikita mo na may bilog na bath tub sa loob at malawak na shower.
Merong 2 pinto sa kwarto siguro yung isa ay exit kaya nag decide ako pumunta at buksan ito. Pag bukas ko hindi ko napigilang mapamangha sa ganda at expensive looking na nga damit na pang lalaki. Well arrange lahat ng mga damit at mga sapatos.
Lumabas ako galing sa I'm guessing walk in closet. Obvious naman na lalaki may ari nito.
Napansin kong may mga pictures na naka patong sa glass table sa gitna ng kwarto. Nilapitan ko to at kinuha ang isa sa mga litrato.
Litrato ng isang malaking white wolf at isa namang mas malaki pang black wolf. Sa harap nila nakaupo ang 5 pups. Ang pinakamaliit ng wolf ay color gray, katabi naman nito ay dark gray, white na may black spot sa mata, white na may gray tips sa paws ma parang medyas at ang huli naman ay light black.
'May light black ba na kulay?" Tanong ko sa sarili ko.
Mukha itong family picture ng mga wolf. Sa tabi naman ng frame ay isa pang family picture. This time tao na sila but same position parin.
Shit. Si Cl-
"So you're awake" pang gugulat ni Claude sa likod na naging sanhi at nabitawan ko ang parehong family picture.
"Nakaka inis ka naman Claude! Ginulat moko, yan tuloy nalaglag ko ung picture frame" inis na sabi ko pero napa buntong hininga lang siya.
"Favorite picture pa naman ni Mama yan" sabi niya sabay napangiwi naman ako.
Now I have to pay for it.
"Great" I hissed.
"Anong ginagawa ko dito and what the fuck happened? Anong oras na? Anong araw na? Baka hina-."
"Chill ka lang Lena okay?" Kalmadong sabi niya.
"Pano ako magiging kalmado when I can't even remember what the hell happened to me! My whole body hurts and still fucking hurts. Wait, ni rape mo ba ako?" Sigaw ko sakanya at he look rather amuse by my sudden outburst.
BINABASA MO ANG
The Lost Vampire And The Secret World
VampireHindi ako alam kung ano mas nakaka baliw. Ang habulin ng Demon King or ang maghabol sa isang soon to be Lycan King? Kahit 'di ako kagandahan may lovelife naman ako. Ikaw? Hindi ka na nga maganda NBSB kapa 😉 Book contains: swearing and some too-clic...