Chapter 1: Bouquet

1.2K 19 0
                                    

Chloe's POV

"Hoy Mr. Ezekiel Anderson! BILISAN MO! We're gonna be late for the wedding!!!"

Pa-sigaw ko na talagang sinabi yun. Baka naman maisipan na niyang tumayo na sa kinauupuan niya at i-start na ang sasakyan. Sino ba kasi nakaimbento ng League of Legends na yan? Napipikon na talaga ako sa game na yan ha.

"Wait lang babe, a-attack lang ako." He said.

"Ano? Hindi ka talaga titigil? Hinihintay mo talagang ako ang um-attack ha." Inilapag ko muna ang bag ko sa mesa. Naglakad ako palapit sa kanya pero mabilis niyang binitawan ang phone nya saka tumayo sa kinauupuan nya. Sa pagmamadali ko ay na-out of balance ako dahil sa taas ng suot kong heels. Mabuti nalang ay nasalo niya ako. Nakabawi ang loko. Hmmp!

"Easy lang kasi Babe. Ang highblood mo eh. Yan! Hahaha! So, shall we?" He smiled and kissed my forehead. Yan, jan siya magaling. Lagi nalang niyang nahahanap ang weakest points ko.

"Sino namang hindi iinit ang ulo. Kanina ka pa nakaupo jan at titig na titig sa phone mo. Ni-hindi mo nga napansin yung lipstick ko." Sabi ko. He gave me this lipstick last year. It was his birthday gift para sa akin.

"Nagtatampo nanaman ang baby ko oh. Syempre, kahit anong suot mong lipstick or kahit wala ka pang lipstick, you're still beautiful in my eyes. I love you, Miss Chloe Mariano, soon to be Mrs. Anderson." He said. Grabe yung kilig ko, shocks! Bakit ba ang sweet ng lalaking ito? Teka, pinagpapawisan ko, hindi pwede 'to! Masisira ang make-up ko.

Wait. He called me 'Soon-to-be' Mrs. Anderson? Is he giving me a clue? Is he going to propose na? Bigla akong kinabahan. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang kaba. All I have to do is I need na masalo ang bouquet na ihahagis ng bride mamaya to make sure na ako nga ang susunod na ikakasal.

Remember Candice Ortega? Yes! Yung babaeng muntik ng umagaw sa boyfriend ko, ang babaeng muntik ng sumira sa love story namin ni Zeke. Well, she's the bride today. Finally, she found someone na destined for her. Yung talagang mahal nya and mahal siya. Dito nila napiling magpakasal sa Manila since dito naka-based ang mapapangasawa niya. I really appreciate na naalala niya kaming imbitahin sa kasal nya. She even asked Zeke to perform on her wedding. Most of her friends are his fans kaya naman as a wedding gift, pinagbigyan na siya ni Zeke.

--

After the wedding ceremony, naglakad na sa isle ang bride and groom. Nagsunuran na ang mga single ladies at mga kagaya kong taken pero not yet married. I'm really excited. Tinanggal ko pa ang suot kong heels just to make sure na ako ang makakakuha ng bouquet ni Candice.

"Ladies! Are you ready na? I'm going to throw this na ha! Goodluck!" Candice said. Nung sinabi niyang 'Goodluck', naka-ready na ang mga paa ko in case that I need to run fast or tumalon ng mataas.

The moment she threw the bouquet, para bang nagslow-mo ang paligid.

"Go for it Babe! I Love you!" Zeke shouted. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya. He's cheering for me which made me believe na gusto niya talagang makuha ko ang bouquet. Gosh! He really wants to marry me na talaga.

Ayan na ang bouquet and sa akin papunta ito. OMG! It's indeed a sign. I am about to catch it na pero tumama sa mukha ko ang bouquet. Feeling ko may pollen na pumasok sa ilong ko which made me sneeze. May biglang pumulot ng bouquet sa lapag which made me disappointed.

"I got it!" sigaw ng babaeng pumulot ng bouquet. Sa akin dapat yun eh! Badtrip!

"Babe? Are you okay? Bakit mo naman kasi sinalubong yung bouquet? Di mo naman kamag-anak yun! Hahaha!" Zeke said. Nakapag joke pa siya sa lagay na 'to ah. Tsk.

I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon