I put my headphones on as soon as I entered the plane. Ilang years na ako sa industriya pero hindi pa rin ako sanay ng pinagtitinginan o binibigyan ng atensyon ng mga taong hindi ko kilala personally. Lalo na kung wala ako sa harap ng camera or nasa stage. Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang may signal pa. Pero wala pa ring text or tawag from Chloe. Okay, I give up. Bahala na siya. I decided to turn off my phone para hindi na ako nabo-bother pa. Nararamdaman kong pa-take off na ang eroplano so I decided to take a nap first. I'm sure, as soon as we arrive in South Korea, wala nanaman itong tulugan.
--
Chloe's POV
Gosh! I forgot to re-charge my phone. I was about to call Zeke pero too late. Andito na ako sa airport and I already checked in my luggage. Meron pa akong isang oras para magcharge ng phone. Good thing, may mga charging stations dito sa loob ng airport and it's definitely a life-saver. I've got 15 text messages and half of it was from Zeke. Malamang ay nakaalis na sya and probably nasa korea na siya by this time. I decided to leave a message sa kanyang facebook account.
My phone rings and it's Trinity. Kaagad kong tinanggal ang phone ko sa pagkakacharge and answer her call.
[OMG Friend! Are you serious? Totoo ba itong tinext mo? Are you going to follow him sa Korea?]
[I don't have a choice. I guess I'm crazy in love with him. Oh siya, I have to charge my phone. Ikaw muna ang bahala sa business ha. May pasalubong ka later. Thanks friend. Bye!]
Narinig kong nagsasalita pa si Trinity but I have to end the call para makapagcharge ulit ng phone before my flight. Naisipan kong i-check ang facebook account ko habang naghihintay. Natatawa nalang ako sa mga messages na nasa inbox ko. Una kong binuksan ang message ni Kuya Carson.
Anong katangahan nanaman 'to Chloe? Susunod ka sa kumag na 'yun sa Korea? Bakit nakinig ka kay Shari? Dapat ako muna ang kinausap mo para naliwanagan ka. Tsk. Bahala ka na.
Sunod kong binasa ang message ni Shari.
Chloe, pasensya na ha. Nabanggit ko kasi sa kuya mo na nagpunta ka rito at kung ano ang napag usapan natin. Ayun, nagalit. Pati nga ako napagalitan eh. Pero hayaan mo na. Ingat ka sa biyahe ha. Balitaan mo ako.
Babasahin ko na sana ang susunod na message pero boarding time na kaya nagmadali na ako't pumunta na sa designated gate. This is it. Katangahan na kung katangahan pero I'll do anything to make our relationship work for the next 4 years.
--
Third Person
Naunang lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Zeke sa Incheon International Airport. Paglabas nila ng airport ay umalingawngaw ang sigawan ng mga fans at nagkalat din ang mga local reporters at photographers. Kaagad na sinuot ni Zeke ang kanyang shades. Kumaway siya sa mga ito at nagbow din as a sign of his gratitude and appreciation sa mainit na pagtanggap ng mga korean fans and press people. VIP bus ang sumundo sa kanilang team para ihatid sa hotel na tutuluyan nila ng isang buwan o higit pa, depende sa kanyang schedule.
"Anong schedule today?" Tanong ni Zeke kay Tony. Kaagad na kinuha ng manager ang kanyang phone.
"May press conference ka para sa concert bukas and aattend ka ng movie premiere later after the press-con." Tugon nito. Napatango-tango lang si Zeke bago bumaling sa phone niya para magcheck ng kanyang social media account. As usual laging active ang kanyang notifications at messages. Nang buksan niya ang kanyang private account ay nakita niya ang status ni Chloe. Nanlaki ang mga mata niya.
On my way <3 - travelling to Incheon International Airport, 2 hours ago.
"What???!!" Sambit ni Zeke na ikinagulat ni Tony.
"Why? What's wrong?" Tugon ng manager.
"She's gonna be here. Pupunta si Chloe dito, bro!" Tuwang-tuwa na sabi ni Zeke. Napailing nalang si Tony. Habang si Zeke ay sinusubukan nang tawagan ang nobya pero hindi pa ito active online.
Mga ilang oras pa ang lumipas ay lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan ni Chloe. Nang makuha na niya ang kanyang mga bagahe ay excited siyang naglakad palabas ng airport. Pero bigla siyang may naalala. Sa sobrang taranta at pagmamadali nya kanina ay hindi niya naalalang magpabook ng hotel or kahit maliit na kwarto man lang na pwede nyang tuluyan. Napasapo nalang si Chloe sa kanyang noo. Umupo muna siya sa isang sulok para tawagan ang kaibigan niyang may-ari ng travel agency pero kaagad din niyang pinatay ang linya nang maalala niyang madaling araw pa't baka maistorbo nya pa ang tulog ng kaibigan. She decides to wait until morning. Naghanap nalang muna siya ng makakainan sa loob ng airport. She found an affordable fastfood chain pero maraming tao at halos occupied na lahat ng seats. Nilibot niya ang kanyang mga mata para humanap ng mauupuan. Napangiti siya nang makita niya ang isang table na may isang lalaking nakaupo at busy sa kanyang laptop. Bakante ang upuan sa harap nito kaya naman dali-daling pinuntahan ni Chloe ang lalaki. Naka-baseball cap ito at eyeglass. Sa tingin niya ay halos ka-edaran lang niya ito.
"Uhm...excuse me?" Ani Chloe. Hindi umiimik ang lalaki at patuloy lang sa ginagawa niya. "Hello, Sir? Is this vacant? Can I sit here?" She added. Pero hindi pa rin ito kumikibo. Lumingon sa paligid si Chloe para tignan kung may kasama nga ito. Tinignan niya rin kung ilan ang bag ng lalaki pero isang maleta lang ang nasa tabi nito. Nang masigurado niyang bakante nga ang upuan ay kaagad niyang nilagay ang backpack sa tabi at umupo sa harap nito. Napahinto ang lalaki sa ginagawa niya. Kaagad na isinara nito ang kanyang laptop at tinignan si Chloe, nanlaki ang mga mata nito.
"C-Chloe? Chloe Mariano, right?" Sabi nito. Napakunot ang noo ni Chloe. Kaagad namang tinanggal ng lalaki ang kanyang salamin at inangat nang bahagya ang kanyang cap. "It's me, Andre. Remember?" He added.
"Oh my.... Andre? Andre Han? Hala! Gosh.... Kamusta ka na??" Tumayo si Chloe at nagpunta kay Andre para yakapin ito na ikinagulat ng binata. Muling umupo si Chloe sa kanyang pwesto.
"Heto, okay lang. Gwapo pa din. Hahaha. Just kidding. How are you? Bakit ka nga pala nandito? Vacation? Work?" Tugon ni Andre.
"Okay lang ako. Grabe, ang galing mo pa rin magtagalog ha. Wala lang I'm just here because..."
"Ahh... I think I know why. I heard that Zeke arrived kanina. That's why you're here. I guess kayo parin pala. It's been 4 years na ha." He said and smiled. But behind that smile, iba ang sinasabi ng kanyang isip at puso. After all these years, meron pa rin siyang nararamdaman para sa dalaga. Nagkaroon siya ng mga relationships simula nung umuwi na siya sa Korea for good pero lahat yun ay hindi nagtagal.
Chloe smiled.
"What about you? Kinasal ka na ba? How's life? Kamusta ang Art Gallery mo?" She asked.
"Kasal? No, I'm still waiting for someone who's willing to take care of me and my craziness. Haha! About the gallery, matagal ko na siyang sinara. Binenta ko lang yung mga paintings ko then I closed it down. I just realized that painting is just my hobby. I'm a writer now. Mga 2 years na rin akong nagsusulat. I've published 15 books already since I started to write." Nakangiting tugon nito.
"Wow! That's amazing. Congratulations, Andre. Saan ka nga pala galing? Nag-abroad ka?"
"Ah hindi. I just went to Jeju Island. Wala lang. I need a relaxing place to write."
"Ay iba ka din ha. Magsusulat lang, sa Jeju island pa. hahaha" Pagbibiro ni Chloe.
"Even if I explain it to you, hindi mo rin maiintindihan. It's a writer's thing. By the way, where are you going to stay?" Andre asked.
Natahimik bigla si Chloe at bumuntong hininga.
"Yun na nga eh. Sa sobrang pagmamadali ko, I forgot to book a hotel or kahit dorm lang na pwede matuluyan." Ani Chloe.
"If okay lang sayo, you can stay with me. Don't worry, I have a guest room that you can use." Andre offered.
---
END OF CHAPTER 4
BINABASA MO ANG
I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)
RomanceChloe and Zeke are in a relationship for 4 years already. Umaasa si Chloe na bago umalis si Zeke patungong South Korea ay aayain na siya nitong magpakasal but unfortunately, he didn't because of his busy schedule which made her very sad and disappoi...