Chapter 7: Twist

209 8 2
                                    

I finished decorating my rented room. Kahit isang buwan ko lang naman siyang titirhan pero naisip kong bilhan ito ng wallpapers at ilang gamit. Pwede ko naman ito iuwi sa Pinas if ever at ilipat sa kwarto ko doon so why not. Atleast, lumipas ang oras ko habang naghihintay sa tawag ni Zeke. Sa tuwing naaalala ko ang chat niya sa akin kanina na susunduin niya ako ay kinikilig pa rin ako.

Stop it Chloe! Masyado kang nagpapahalatang in love ka sa kanya. Chill! Kalma lang!

Tapos na akong maligo, magbihis at mag ayos pero wala pa ring paramdam si Zeke. I'm sure busy lang yun or hindi pa tapos ang kung ano man ang schedule niya for today. Binuksan ko muna ang TV at nanood saglit. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang pagsulyap ko sa oras at pagcheck ng phone ko. It's already 7 pm in the evening pero no signs of him pa rin. I decided to call him na pero hindi siya sumasagot sa tawag. Nag riring lang ang phone. I even called Tony pero ganun din. Ano kayang nangyari? Ang pagkakaalam ko is sa umaga lang ang schedule ni Zeke since he doesn't want to stay up late rin. That's why hindi siya tumatanggap ng movies at series dahil sa conflict ng working sched. And he doesn't accept gigs na rin na late natatapos. Kaagad kong kinuha ang bag ko saka lumabas ng room. Naisip kong puntahan na siya sa hotel nya. As usual, hindi ako pinapapasok sa pag aakalang isa ako sa mga fans nya na nakatambay sa labas. I keep on calling his phone pero wala pa ring sumasagot. 8 pm na kaya lalo akong nag aalala.

Maya-maya ay may mga sasakyang dumating. I thought na andyan na sya pero mga reporters lang pala. Nagseset up sila sa labas ng hotel para sa live reporting. Parang may kakaiba sa nangyayari. Something's off. I decided to ask a random fan na nasa labas rin ng hotel. Some are avoiding me pero meron din namang nakipag interact sa akin kahit paano.

"Don't you know what happened? Haven't you seen the news? Zeke got into accident. They said it's car accident. A few hours ago. That's why we're here." Sabi ng isang fan.

Halos mamanhid ang buong katawan ko sa sinabi niya. Parang namingi rin ang tenga ko at halos wala ng marinig sa sobrang shock. Ni-hindi ko na nga narinig na nagriring na pala ang phone ko kung hindi pa sinabi ng fan na kausap ko.

[Hello?]

[Chloe, it's Tony. I don't know kung nabalitaan mo na....]

[Nasaan siya? Nasaan si Zeke?!]

[I'll text you the hospital address. I'm sorry, Chloe]

Kaagad kong binaba ang linya. Kaagad akong nagpara ng taxi. Ipinakita ko sa taxi driver ang address ng hospital kung nasaan si Zeke. Tumango ito saka pinaandar ang sasakyan.

Pagdating ko sa Hospital ay dumiretso ako kung nasaan si Tony. Nasa emergency room siya't ginagamot ang mga sugat sa kanyang mukha. May neck brace na rin siya. Lumingon ako sa paligid. Hinanap ko si Zeke pero wala siya roon.

"Where is he? Nasaan si Zeke?" I asked.

"He's.... He's in the Operating Room. I'm sorry Chloe. I sho—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Tony. Kaagad kong hinanap ang operating room. Nasa loob pa sya at on going ang operation. May babaeng nakaupo roon na tila nagbabantay. May galos at sugat rin ito sa noo. I believe na isa ito sa mga staff ni Zeke. Pamilyar kasi ako sakanya and kilala nya rin ako.

"Ms. Chloe. Mabuti naman po't nakarating kaagad kayo. I'm Steph. I'm working as the team's Translator. I'm so sorry po for what happened. It was an accident po."

"How's Zeke?"

I don't mean to be rude pero sa mga oras na ito, iyon lang ang gusto kong malaman, kung kamusta na si Zeke at kung ano ang lagay niya ngayon.

I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon