Chapter 10: Meet Aly Gomez

293 7 5
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko kanina sa meeting. Tama ba ako sa naging desisyon ko? Am I going to involve myself kay Zeke after what happened last night sa bar? Gosh, Chloe. Gusto mo talaga yung nasasaktan ka ng harapan eh. Kinalimutan ka na niya. Aksidente man o hindi, nakalimutan ka niya. Is that even possible na lahat naaalala niya pero ikaw na girlfriend niya ay hindi? That's absurd!

"Uy, Friend. Okay ka lang? Ano nga pala ang nangyari sayo kagabi? Yung totoo, umuwi ka ba sa unit mo?"

"Tama ba ang naging desisyon ko, friend? By the way, I met Zeke last night."

"Wait, what? Oh ano nangyari? Nag-usap ba kayo? Naalala ka na niya?"

Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulgol sa harap ni Trinity. Kaagad naman niya akong niyakap at inabutan ng tissue. Dali-dali rin siyang kumuha ng isang basong tubig para pakalmahin ako.

"Paano yung request ni Mr. and Mrs. Gomez? Kung hindi mo kaya, ako nalang ang pupunta para makipag usap kay Zeke."

Napaisip ako. Ano nga ba kasi ang naisip ko nung mga panahong iyon kung bakit ako umoo sa kanila. I guess, I have to face the consequences of my actions.

"It's okay. I can do this. I will."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tawagan si Zeke. I am about to press call nang biglang sumagi sa isip ko na we weren't in a relationship anymore and the fact that he doesn't know me anymore. I can't just call him directly. I called Tony instead. He agreed na makipagkita sa akin mamaya after office hours.

--

Nauna akong dumating sa lugar na napag usapan namin. Moments passed, maya-maya ay dumating na rin si Tony. From the way he treats me right now, I can feel na parang I'm just one of their clients or a producer asking for Zeke's appearance, whatever.

"If this is about convincing Zeke to remember you as his girlfriend, I am-"

"No. Cleared naman na sa akin ang lahat. I'm here for a proposal. Let's say, a favor. From one of our very important clients, Mr. and Mrs. Gomez."

"Gomez Group of Companies?"

Looks like Tony knows them. He smirks as if he knows what I am talking about.

"So, sayo pa talaga sila lumapit? They thought na we will say yes to them just because you and Zeke were a thing. Did you tell them that Zeke doesn't even remember you?"

Sa mga oras na ito, gustong gusto ko nang itaob ang table sa harap namin or di kaya'y ibuhos ang itong orange juice na iniinom ko. Pero, pinigil ko ang sarili ko na hindi mangyari ang alin sa dalawang scenario na iyon. I heavily exhaled and smiled at him.

"I did. But, I just can't say no to our clients. At least I tried to talk to you like they want me to do. Sa totoo lang, I can call Zeke anytime. But instead, I called you out of respect. Alam ko naman na umpisa palang ay ayaw mo na sa akin since you think of me as sagabal sa career ni Zeke. I bet na ginusto mo lahat ng nangyayari ngayon."

Hindi siya nakasagot kaagad. I know na tama lahat ng sinabi ko. I can feel it naman noon pa.

"It's all in the past now, Chloe. Mr. and Mrs. Gomez already talked to us regarding that. Masyadong busy si Zeke sa schedules nya and we can't afford to add their favor sa schedule namin. Zeke is an in-demand artists not a clown na basta lang nila maarkila just to entertain their mentally disabled daughter."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Masyadong sarado ang utak ni Tony. Palbhasa, he thinks of Zeke as his puppet or whatever na kaya niyang pasunurin sa kahit anong ipagawa niya. Ako na ang nagpaalam bago pa maubos ang pasensya ko. I should think of an alternative way to let Zeke know about this. But before that, we need to meet Aly Jane Gomez, the daughter of Mr. and Mrs. Gomez.

Sinalubong namin ang mag asawa sa lobby kasama ang kanilang unica hija. Aly looks like a normal teenage girl to me. May bitbit siyang bag na sa tingin ko ay ang kanyang mga art materials.

"Where can I put my stuff?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Trinity. Mabuti nalang dahil nagkaintindihan kami ng kaibigan ko. Siya na ang bumati sa mag-asawang Gomez at dinala ang mga ito sa opisina. Naiwan kaming dalawa ni Aly sa lobby. She smiles at me. Ganun din ako.

"Hi Aly, I'm Chloe. You can call me, Ate Chloe or Ms. Chloe, it's up to you."

"I'm gonna call you Chloe. It's up to me right?"

Napataas ang kilay ko. Aba! Malditang 'to? Okay, Chloe, kalma ka lang. She's not just anyone. She's your biggest client's daughter. Dire-diretso siyang naglakad. Inirolyo ko lang ang mga mata ko bago ko siya sinundan.

"Follow me." I said.

Mabilis akong naglakad papunta sa isa sa mga classrooms namin. As of now, vacant pa ito dahil kakatapos lang ng painting class kaninang tanghali. Maiksi pa naman ang pasensya ko sa mga ganitong tao. You know what I mean. Ang dami kong naka-encounter during my college days. I can't believe na hanggang ngayon na may trabaho na ako't lahat, makaka-encounter pa rin ako ng isang malditang estudyante. From what I am seeing right now, she's not a special child or mentally-ill. She's just a spoiled brat. Haaay. Spoiled brat. By saying it, bumalik nanaman ang memories ko with Zeke.

Binaba ni Aly ang kanyang mga gamit sa isang sulok. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa then she smirks. Napakunot ang noo ko.

"Ano kayang nakita niya sayo? You look so ordinary."

Gets ko kung ano ang sinabi niya. I think iniisip niya na kami pa ni Zeke. I am about to tell her the truth pero I decided not to. Bahala siyang isipin kung ano ang gusto niyang isipin.

---

END OF CHAPTER 10

I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon