Chloe's POV
I just can't believe na sinusuwerte pa rin ako sa lagay na 'to. I accepted Andre's offer. I know him well naman kahit matagal kaming hindi nagkita. I know that he will not do anything stupid kaya pumayag akong tumira sa unit niya. Hindi ko in-expect ang mga susunod na nangyari. Bukod sa magarbo niyang sasakyan, sa isang mamahaling hotel kami huminto. Hindi ko nga alam kung hotel ba ito o palasyo na sa sobrang ganda ng lobby. Alam mo ung parang napapanood mo sa mga disney movies. Hay naku, umiral nanaman ang pagiging imaginative ko. Pagkababa namin ng kotse ay may sumalubong sa kanya. Ibinigay niya rito ang susi ng kanyang sasakyan. Saka siya dire-diretsong naglakad sa entrance. Anong gagawin namin dito? Teka? Ang usapan namin, uuwi kami sa unit niya pero bakit sa hotel niya ako dinala? Napaatras ako.
"Oh? Let's go?" Sabi niya.
"Akala ko ba doon ako tutuloy sa unit mo? Bakit tayo nasa hotel?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan ko rin siya ng kilay para alam niyang hindi ako basta basta sasama sa kanya sa ganitong lugar no. hmp!
Natawa siya na siyang nagpakunot sa noo ko.
"Kalma ka lang, Chloe. Yes, this is a five-star hotel in Seoul and...dito ang unit ko." Nakangiting tugon niya. Pinakita niya pa ang kanyang keycard. Napakamot nalang ako sa ulo. Pinuntahan niya ako't kinuha ang maleta ko. Sinalubong siya ng isang staff. Nag usap sila in korean which I didn't understand kung anong sinabi niya sa hotel staff saka niya binigay doon ang keycard niya at maleta namin.
"Anong sabi mo sa kanya?" Tanong ko.
"Sinabi ko na iakyat na niya ang gamit natin kasi kakain muna tayo sa restaurant bago umakyat." He explained.
"Eh paano yung keycard mo?" Follow-up question ko. Sorry makulit talaga ako. Ngumisi siya bago sumagot.
"He'll give it to the hotel receptionist then doon ko nalang kukunin yun mamaya after ng breakfast natin." He said. Napatango-tango nalang ako.
Alam kong anak-mayaman itong si Andre pero hindi ko alam na ganito pala sya ka-bigtime dito sa Korea. Pang VVIP ang serbisyo. Inassist kami ng isang babae pagdating namin sa loob ng restaurant. Tinignan ko ang name plate niya, restaurant manager ang nakalagay. Nang makaupo na kami ay napansin kong nakatingin sa amin ang ibang mga customers. Napakunot ang noo ko.
"Ano ba talagang trabaho mo? Hindi ka naman siguro ex-convict or tumakas na preso ha." Tanong ko kay Andre. Tumawa siya. Seryoso naman ako sa tanong ko ah.
"Grabe ka naman. Ex-convict agad? I already told you. I'm a writer. Ano pa bang term? Author? Or you want in tagalog, manunulat?" Aniya. Masyado na yata akong nagiging madaldal. Nakakahiya na kay Andre.
Tinawag na niya ang waiter. Nag uusap sila in korean. Maya-maya ay bumaling sya sa akin.
"Ikaw, anong gusto mo?"
"Ha? Uhm, kahit ano. Kung ano yung pinakamura jan." Nahihiya kong sabi. He smiled. Bumaling ulit siya sa waiter.
--
Zeke's POV
I'm still trying to reach Chloe pero hindi pa rin siya sumasagot sa mga chat ko. Wala akong idea kung saan siya tutuloy ngayon. Tinanong ko na rin si Trinity kung may idea siya pero hindi rin niya ako mabigyan ng sagot. Tapos na ang schedule ko for today and we're on our way na sa hotel kung saan kami naka-check in. Binuksan ko ang blinds ng van namin para tumingin sa labas. Kaagad naman itong sinara ni Tony. Tinignan ko siya ng masama.
"Pasaway ka rin talaga eh." He said.
"Tinted naman yung salamin. Ang OA mo, bro." I replied. "Can we stop by the nearest coffee shop? My treat." I said.
"Ayos 'yun Sir!" Leo, our driver said.
Wala nang nagawa si Tony nang ihinto ni Leo ang sasakyan sa unang coffee shop na nadaanan namin. Iiling-iling na bumaba si Tony ng sasakyan para bumili ng kape. I immediately put my bonnet, mask and shades on bago bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa coffee shop. Kaagad kong pinuntahan si Tony.
"What are you doing here? Bumalik ka na sa kotse!" He said.
"Relax, bro! Look, nobody recognized me. I'm just here to help you. You're buying 6 coffees, paano mo bibitbitin yun? Sige nga?" Sabi ko. Napasapo nalang siya sa kanyang noo. Sorry bro, what Zeke wants, Zeke gets. *smirks*
We are about to leave when I accidentally glance at the corner side of the shop. Ewan ko kung ako lang 'to but the girl looks like Chloe pero may kasama siya, I can't recognize the guy's face since nakaupo itong patalikod sa akin. Siya nga ba yun? Is that the reason why she doesn't reply to my messages?
Ayokong mag-isip ng kahit ano. Malamang hindi siya yun. Wala naman siyang kakilala dito sa Korea and I'm sure na ako ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. I'll just wait for her call.
--
Chloe's POV
After we ate our breakfast, I decided na mamasyal malapit sa Hotel. Andre offered na samahan ako. Kaagad nyang sinuot ang kanyang baseball cap at mask. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa kanya. Bigla ko tuloy naalala si Zeke. Ganitong ganito ang hitsura nya kapag lumalabas kami. Yung tipong hindi mo na makita ang mukha nya sa sobrang tago. Makalipas ang ilang oras na pag iikot, naisipan naming maupo muna dito sa Coffee shop malapit sa hotel para magpahinga. Nirecommend ni Andre ang coffee shop na ito dahil sa masarap na timpla nila ng hot chocolate at coffee products.
"Pwede ba makahingi ng favor?" Sabi ni Andre. "Pwede bang ikaw nalang ang umorder?" He added. Inabot niya sa akin ang credit card niya. Napangiti ako. Naalala ko nanaman si Zeke. Everytime na kakain kami sa labas or may date kami sa public place, ako lagi ang pinapabili niya to avoid some issues. Very cautious ang mga galaw namin. I find it adventurous nung una pero habang tumatagal, nakakadisappoint na rin pala na parang laging may matang nakatingin sa amin.
"Don't worry, treat ko na ito." I said. Binalik ko ang card niya bago tumayo sa kinauupuan ko.
-
Nauna na akong bumalik sa hotel. May kailangang puntahan pa raw si Andre. Work-related daw.
Kinuha ko ang laptop ko sa bag para magcheck ng mga emails at messages since hindi makaconnect ang phone ko sa wifi. Mabuti nalang at maganda ang signal dito sa hotel. Tambak na pala ang emails at messages ko. Wala pa nga akong isang araw dito sa Korea. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga messages ni Zeke.
[I saw your post. Where are you Babe?]
[I asked Trinity kung saan ka nag-stay pero hindi rin daw niya alam. Where are you?]
[Babe, I'm worried sick about you. Where are you? Saan ang hotel mo? Pupuntahan kita right now!]
[Bakit hindi ka sumasagot sa mga messages ko? Are you okay? Where Are You?]
Napangiti ako. I guess I do have the perfect boyfriend after all. I thought na wala na siyang pakialam sa akin since he's busy sa career niya. Pero nagtatampo pa rin ako. He made me thought na he was going to propose na. Bakit kasi hindi nalang niya sinabi over the phone? Nag-expect tuloy ako. Hmp. Pero alam ko naman na it's my fault for expecting. Hindi rin naman niya alam na nageexpect ako. Pero hindi ba niya nararamdaman yun? Damn, 4 years of being in a relationship? Hays. Pero ano pa nga bang magagawa ko kundi ang intindihin siya. Kaya nga andito ako ngayon eh.
[Sorry for the late reply. I was going to surprise you kaso I forgot na mababasa mo pala yung facebook post ko. Silly me.]
Kaka-click ko palang ng 'send' button ay nag seen kaagad siya sa message ko and he's typing his reply na.
[Where are you? I miss you, Babe. Sobra.]
---
END OF CHAPTER 5
BINABASA MO ANG
I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)
RomanceChloe and Zeke are in a relationship for 4 years already. Umaasa si Chloe na bago umalis si Zeke patungong South Korea ay aayain na siya nitong magpakasal but unfortunately, he didn't because of his busy schedule which made her very sad and disappoi...