I'm awake pero hindi ko maimulat ang mga mata ko sa sobrang hilo at sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko para kapain ang nasa paligid ko. Infairness, ang lambot ng unan na hinihigaan ko pati ang kama. At napakasmooth ng kumot. Kung hindi ako nagkakamali ay gawa ito sa silk. Wait, what? Silk na kumot?! Bigla akong napabangon. Pilit kong binuksan ang mga mata ko kahit na sobrang umiikot ang paningin ko. Bumungad sa akin ang napakalaking glass door na nagliliwanag dahil sa sikat ng araw. Where am I? What happened last night? Kaagad kong tinignan kung may suot pa ba ako. Thank God, meron akong suot na oversized shirt. Wait, what? Oversized shirt? Paano? Nagpalit ba ako ng damit kagabi? Like how? As of this moment, nagpapanic na ako. Nasaan ba talaga ako? Am I kidnapped? Oh my gooood, I remembered the huge black van from last night. Sh*t!
Kaagad kong hinanap ang bag ko. Nasa table ito sa gilid ng kama. Thank goodness dahil kumpleto ang mga laman nito from my phone, cash and cards, lahat. Kumpleto lahat except sa damit ko. At kaninong damit ito? Hinalungkat ko na lahat ng sulok ng kwarto pero wala talaga. Maya-maya ay biglang may nag-doorbell.
"Laundry service po." Boses ng babae. That's when I confirmed na nasa hotel nga ako sa mga oras na ito. Binuksan ko ang pinto at iniabot niya sa akin ang bagong laba at tila bagong plantsa kong damit.
Kaagad akong nagpalit at isinuot ang aking sapatos. Palabas na ako nang kwarto nang biglang mag-ring ang phone ko. It's Trinity.
"Girl! Where are you? Nakalimutan mo bang today ang meeting natin with the potential investors?"
"Oh my God! Sorry! I'll be there in a minute or two!"
Sh*t! I totally forgot! Wrong timing yung pagpapaka-wasted ko last night! Isa kang malaking Gaga, Chloe! I immediately check out from that hotel na mukhang five-star. Actually, hindi mukha eh. Five-star hotel talaga dahil entitled daw ako to use their VIP services like the buffet restaurant, Spa and even the indoor pool. That's why confused sila kung bakit ako magchecheck out agad with experiencing it. Haaay! Hindi lang kayo ang disappointed. Ako din! Anyway, palaisipan pa rin sa akin kung paano ako napunta dito. After checking out, nag book ako ng carpool to Makati. Since nasa Taguig area lang naman ako, I think mabilis lang ako makakarating from here to Ayala. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naalalang suklayin ang buhok ko. Si Trinity nalang ang nakapansin nito at kaagad akong inabutan ng hairpin.
"Mr. and Mrs. Gomez, I'm so sorry na late po ako. I'm Chloe Mariano, the marketing head of Trinity Arts School."
Mabuti nalang dahil mababait ang potential investors namin today. Simple lang silang mag-asawa. Kung titignan mo nga sila based on their looks, they look like an average couple but Gomez Group of Companies is one of the most prominents sa Philippine business industry. I wondered kung bakit nila gustong mag invest sa amin na maliit na school lang. Marami namang prestigious universities and colleges dito sa bansa. Pero bakit sa amin?
"No worries dear. Magkakasunod lang naman tayong dumating. Anyway, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. We want to invest in Trinity Arts School."
Nanlaki ang mga mata namin ni Trinity. Hindi namin alam kung anong mararamdaman namin as of the moment. All we know is our dreams are turning into a reality.
"Thank you very much for this opportunity, Mr. and Mrs. Gomez. We have prepared a presentation para po mas makilala nyo ang Trinity Arts School." Sabi ni Trinity.
"It's okay, dear. You can save it sa mga susunod nyong meetings. Besides, magpresent man kayo or hindi, we will still push through with the investment."
Trinity slowly closes her laptop. I decided to ask them some questions. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala na we closed a huge deal ng walang ka-effort effort. There must be something that we did or may nakita sila sa amin na wala sa ibang prestigious colleges and universities.
BINABASA MO ANG
I'm STILL In Love With Mr. Famous (IILWMF Book 2)
RomanceChloe and Zeke are in a relationship for 4 years already. Umaasa si Chloe na bago umalis si Zeke patungong South Korea ay aayain na siya nitong magpakasal but unfortunately, he didn't because of his busy schedule which made her very sad and disappoi...