Kabanata 1
Luci
Vien Academy.
Basa ko sa nakaukit sa gintong gate na nasa harapan ko. Magkano kaya 'yong perang makukuha ko kapag binenta ko 'to sa pawnshop?
Napailing nalang ako sa naisip saka lumapit dito. Hindi na ako nagulat nang kusa nalang bumukas ang gate dahil alam 'ko namang hindi ordinaryo ang school na'to.
Lumapit ako sa gate ng Academy at walang alanganin na pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng mga estudiyanteng napatigil sa paglalakad. Napatingin silang lahat sa akin nang mapansin ang presensiya ko.
Napangiwi ako. Ayoko ng atensyon.
"Hey, sino 'yon?"
"Ewan. Baka new student."
"She's pretty!"
Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin at bulungan nila saka naglakad papuntang Headmaster—Headmistress office. Hindi ko nga lang alam kung matatawag pang bulong 'yon gayong rinig na rinig ko naman.
Habang naglalakad papuntang Headmistress Office ay di ko mapigilang mamangha. Halos lahat kasi ng makikita mo dito, mapa disenyo man o ano ay gawa sa ginto. Kapag ako naging holdaper, itong school na'to ang una kong ta-target-in.
Tiyak na yayaman kaagad ako.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na rin ako sa Headmistress Office. Ang nasa harapan 'ko ngayon ay isang malaking double door na may gold doorknob pa. Kumikinang kinang pa ito na parang sinasabi na halika, kunin mo ko. Yayaman ka sa akin.
"Hindi 'yan pedeng kuhanin, Miss."
Napatigil sa ere ang kamay ko nang hahawakan ko na dapat yung doorknob saka napatingin sa lalakeng bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Tiningnan ko 'to mula ulo hanggang paa.
"Grey Grimwood nga pala. Pinapa-sundo ka sa'kin ni Headmistress pero wala ka na doon sa gate kanina." sabi nito saka inilahad ang kamay niya at kahit na ayoko, tinanggap ko pa rin ang ang kamay nito. Hindi ako bastos, kung may magalang na nakikipag kamay sa'yo, kamayan mo. Except nalang kung may lason yung kamay niya.
"Ang tagal mo kanina." walang kagana ganag kong sabi at tinawanan naman ako nito. Halos isang oras na akong naghihintay doon sa gate ng Academy kanina pero wala pa rin siya kaya naman napagdesisyunan ko nang pumasok tutal alam ko naman na ang pasikot sikot dito.

BINABASA MO ANG
Guardian
FantasyAng storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo ng mahika o ano pa man. This story is about Luci Crest. Isang babaeng punong puno ng sikreto at misteryo ang buong pagkatao.