Kabanata 26
Luci
"Hindi ka pa ba gigising?" Tanong ni Renz. Humigop muna ako ng tsaa, ipinatong 'ko ulit sa lamesa ang tea cup saka marahang umiling.
"Classes are cancelled today." Pagkabalik namin ni Dhione sa mansion sa Forbidden Forrest, nag announce ang Headmistress na walang pasok kaya naman napagdesisyonan kong magkulong nalang sa kwarto 'ko. Nagreklamo pa si Lyn dahil hindi natuloy ang combat class namin.
"Nakakapagtaka lang. Bakit nila ini-cancel ang klase nang hindi sinasabi ang dahilan?" Nagtatakang tanong ni Renz. Kumuha naman ako ng cookie sa plato. Kasalukuyan akong nasa dream world ngayon.
"Hindi naman nila pedeng sabihin lahat sa mga estudiyante." Sabi ko nalang saka kumagat sa cookie. Kunot noo naman akong tiningnan ni Renz na kalaunan ay napabuntong hininga nalang.
"Nagiging malapit ka na kayna Eris." Napatigil sa ere ang kanang kamay kong aabutin dapat ang tea cup, "That's actually a good thing." Pagpapatuloy niya.
"I'm not so sure about that." Sabi ko nalang saka ibinalik ang kamay sa gilid ko. Nangunot naman ang noo niya at tiningnan ako na para bang nagtataka.
"Bakit naman?"
"This feelings, this emotions.. All of this are new to me. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng tinatawag nilang mga kaibigan." Sabi ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Renz at pinigilan ko naman ang sariling mainis. Geez. Walang nakakatawa.
"The great Luci Crest is pftt--sorry, hindi lang talaga ako makapaniwalang naa-apektuhan ka ng mga ganitong bagay." Sabi niya habang magpipigil ng tawa pero maya maya lang ay sumeryoso ang ekspresyon niya.
"Noong una kitang nakilala, ni-wala akong katiting na emosyon na makikita sa mukha mo." Seryoso niyang sabi habang nakatingin na daretsyo sa mga mata ko.
"Walang buhay ang mga mata mo at parang robot ka lang. Ganon ka lang ng mga ilang taon hanggang sa tinuruan ka na nila ng mga iba't ibang bagay." Pagpapatuloy niya na para bang nagke-kwento. Ngumiti siya sa akin.
"Kaya para sa'kin, mas maganda talaga na may mga naging kaibigan ka pero please, wag ka masyadong magtiwala." Nang sabihin niya ang huling linya ang nawala ang ngiti niya at binigyan ko naman siya ng seryosong tingin.
"I know. And before everything else, my mission comes first." Sabi ko. Magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong parang umaalog sa akin--sa katawan ko.
"You should wake up." Sabi ni Renz na ikinatango ko nalang naman.
***
"Luci!"
Pagmulat na pagmulat ko ng mga mata ko ay mukha agad nina Grey at Lyn ang sumalubong sa akin. Kaagad din naman silang lumayo at doon 'ko na-realize na lahat pala sila ay nandito sa kwarto ko. Pati na sina Leo, Mae, Dhione at Tori. Except kay Lior na palaging nawawala.
"Ang hirap mo talaga gisingin minsan. Nanaginip ka ba? Pinaginipan mo ba si crush?" Magkasunod na tanong ni Lyn.

BINABASA MO ANG
Guardian
Viễn tưởngAng storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo ng mahika o ano pa man. This story is about Luci Crest. Isang babaeng punong puno ng sikreto at misteryo ang buong pagkatao.