Kanabata 19
Luci
"Ang ganda!" Namamanghang sabi ni Lyn habang nililibot ang paningin sa paligid namin.
There is a waterfalls in front of us. Ang tubig ay napakalinaw, sa sobrang linaw nito ay makikita mo na kung ano ang nasa ilalim kahit na napakalalim pa nito. Pinalilibutan ng iba't ibang klase ng puno at halaman ang waterfalls. May mga paru paro ding lumilipad sa paligid.
"Ang magical ng dating." Sabi naman ni Grey habang kimikinang ang mga mata. Naglakad ako papalapit sa tubig saka tiningnna ang rekleksyon ko doon. Nangunot naman ang noo 'ko nang may naaninag na kumikinang sa ilalim. That's..
"Sino kayo?!" napaayos kaming lahat ng tayo nang bigla nalang may lumitaw na babae sa harapan namin. May hawak itong sibat na nakatutok sa amin at kapansin pansin din ang matutulis nitong tainga.
"Who are you?" Balik namang tanong ni Lior dito habang nakakunot ang noo.
"Ako ang naunang nagtanong sa inyo. Bakit kayo nandito? Bawal kayo dito, teritoryo namin ito." Madiing sabi nito at mas itinutok sa amin ang sibat. Nakatutok naman ang mga mata ko sa matutulis nitong tainga. This is the first time I've seen an elf face to face.
"Ang cool talaga ng tainga nila." bulong ni Grey.
"Oo nga eh, parang ang sarap iuwi." bulong naman pabalik ni Lyn. Kahit na bulong 'yon ay narinig pa rin ata ng elf dahil bahagya itong umatras papalayo sa amin.
"We mean no harm," sabi ko. Napatingin naman siya sa akin, "Kung maaari ay gusto namin kayong makausap ng maayos. Mga estudiyante kami ng VA." Mahinahon kong dagdag. Tinitigan naman ako nito na parang inoobserbahan.
"Mas lalong hindi kayo pede dito. Nandito kayo para sa Laphus gem hindi ba?" Napatingin naman kami sa nagsalita. Isa rin itong babaeng elf na may hawak hawak namang espada. Masama itong nakatingin sa amin.
"Hindi namin ibabalik ang gem."
"Bakit naman? Hindi naman kayo kaaway. Bakit niyo kailangan ang gem?" Nagtatakang tanong ni Lyn. Magsasalita na sana ang elf na may hawak na espada nang may lumitaw na portal at lumabas mula doon ang isa pang elf. Kumpara sa dalawa ay may suot suot itong korona at ang hawak nito ay isang staff.
"Pasensiya na, ngunit hindi namin maaaring ibalik ang gem." Sabi nito. Ang boses nito ay malambing pero may kasamang diin.
"Kamahalan! Hindi na dapat kayo nagpakita pa!" ang sabi naman ng isang elf dito. Bahagya namang nangunot ang noo ko. Wala akong nakikitang dahilan para kuhanin nila ang gem. Wala silang paggagamitan nito. Why? Renz.

BINABASA MO ANG
Guardian
FantasiAng storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo ng mahika o ano pa man. This story is about Luci Crest. Isang babaeng punong puno ng sikreto at misteryo ang buong pagkatao.