Kabanata 7
Luci
"Boring!" sabi ni Grey.
Natapos na ang first subject namin. Tungkol sa iba't ibang uri ng armas ang itinuro sa amin kanina pero hindi na ako nag abalang makinig pa dahil naituro naman na sa'kin yon matagal na. Hindi na rin bumalik pa si Lior kaya tahimik lang din ang buong klase.
"Good morning people!" napatingin ako—kami sa babaeng pumasok. Nakasuot 'to mg white long sleeve at paldang hanggang tuhod, 'yong parang sinusuot ng mga nagtatrabaho sa opisina. Siya na panigurado yung teacher namin sa second subject.
"Um," tumingin muna ito sa paligid saka ipinagpatuloy ang sasabihin, "Ako ang history teacher niyo, tuturuan ko kayo tungkol sa kung ano bang nangyari sa Vien World dati, obviously." at mahina itong natawa dahil sa sinabi kaya naman nakitawa naman na ang lahat. Maliban sa akin.
"So, bago tayo magsimula. May gusto ba kayong itanong sa akin?" tanong niya at marami naman ang nagtaas ng kamay kabilang na sina Grey at Lyn habang sina Lance at Eris ay blangko lang na nakatingin sa harapan. Halatang mga hindi interesado.
"Ma'am ano pong pangalan niyo?" tanong nung lalakeng naka salamin na isa sa mga nagtanong sa amin kanina. Ngumiwi naman ang teacher na para bang naalala na hindi pa nga pala siya nakakapagpakilala.
"Muntik 'ko nang makalimutan ang magpakilala. Ako si Reign Rocas, double R 'no? Well, tawagin niyo nalang akong Ma'am or Ms. Reign." nakangiting pagpapakilala nito. May nagtaas naman ng kamay ulit kaya tinawag ito ni ma'am Reign.
"Single ka po ba?" nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito.
"Hindi na ako single. May Mr. Right na ako sa buhay ko at mahal na mahal namin ang isa't isa." nakangiti pa rin na sagot ni ma'am. Kinantyawan naman kaagad ng mga kaklase namin si ma'am. May ilan ring mga nagtanong kung ano daw ba ang love story nila at kung paano sila nagkakilala.
"Tama na. Simulan na natin ang klase."
Tumahimik naman na ang lahat. Napatingin ako sa mga katabi 'ko. Si Eris at Lance ay blangkong nakatingin lang kay ma'am Reign habang sina Grey at Lyn naman ay parang bagot na bagot na. Ibinalik ko ulit ang tingin kay ma'am Reign. Makikinig nalang ako kahit alam ko na'to.
"Simulan natin sa kung saan ba galing ang Vien at kung sino ang pinaka unang nagkaroon nito," nakangiting panimila ni ma'am Reign saka himinga ng malamim at nagsalita ulit, "Sa simula ay may tatlong Gods at Apat na Goddesses. Ang una ay si Atlas, ang god na siyang may kakayahan kumontrol ng tubig. Pangalawa naman ay si Piero, ang god na may abilidad na apoy."
"Sumunod naman ay si Theo, ang god na may kakayahan kontrolin ang panahon. Kaya niyang pakidlatin at paula—"
BINABASA MO ANG
Guardian
FantasyAng storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo ng mahika o ano pa man. This story is about Luci Crest. Isang babaeng punong puno ng sikreto at misteryo ang buong pagkatao.