Kabanata 24

1.7K 75 3
                                    

Kabanata 24


Luci



"My precious shake!" Muling sigaw niya. Mula sa shake na nasa sahig ay nalipat ang tingin niya sa'kin. Pinanlisikan niya ako ng mata.


"You!" Dinuro ako nito gamit ang kanyang index finger, "Kagagaling ko lang sa isang misyon at dumaretsyo kaagad ako ng cafeteria mabili lang ang favorite shake ko but you.. you just.." nanggigigil na sabi nito. Ibinbana nito amg daliri saka naglakakad papalapit sa amin at tiningnan akong maigi.


"You face is not familiar to me. Bago ka lang ba dito?" Masungit na tanong nito sa akin. Magsasalita na sana ulit siya nang magsalita si Grey.


"Yo, Tori! Welcome back. 4 weeks ka din atang nawala." Napatingin naman ang babaeng si 'Tori' kay Grey. Napataas ang kilay niya hanggang sa malipat ang tingin niya kayna Mae.


"Nagsama sama ang top ng Vien Academy. Kasama niyo ba 'tong babaeng ito?" Masungit nitong sabi saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.


"Yes." Malamig namang sagot ni Lance.


"Tss." Umirap ito saka ako muling tiningnan ng masama.


"Pagod ako dahil kagagaling ko lang ng misyon kaya pagbibigyan kita ngayon. Bye, loser." Naglakad na ito papalayo sa amin at nakatingin lang kami sa likuran niya hanggang sa nawala na siya sa paningin namin. Lumapit naman sa akin sina Leo.


"That's Tori. May pagka bitch--este bitch na talaga siya at masungit pero di naman ganon kasama ang budhi. Sumusobra lang minsan." Sabi ni Lyn.


"Isa siya sa mga top student ng Academy, exempted siya sa sectioning kasi nasa misyon siya." Dugtong naman ni Grey na ikinatango tango ko nalang naman.


Dahil walang magawa ay bumalik nalang kami sa mansion namin sa Forbidden Forrest, ngunit bago pa namin mabuksan ang pintuan ay bumukas na yon.


"Tori?" Kunot noong sabi ni Eris. Napakunot din naman ang noo ni Tori. Isasara na sana ulit niya ang pintuan nang mahawakan yon ni Leo.


"Teka lang girl, aba wag mo naman kaming saraduhan." Sabi nito na ikinairap nalang naman ni Tori. Pumasok kaming lahat sa loob saka naupo sa may sofa sa living room. Namayani ang katahimikan hanggang sa magsalita si Lance.


"If my guess is right, dito ka rin pinapatira ni Headmistress. Part ka na rin ng Section S but still in Section A." Malamig na sabi nito.


"That's right but.." Nag paused ito saka tumingin sa direksyon ko.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon