Kabanata 13
Luci
"Mga Rebels! Sinusugod tayo ng mga Rebels!"
Nagising ako dahil sa malakas na pagsabog na narinig idagdag mo pa ang mga malakas at sari't saring sigawang naririnig ko mula sa labas ng mansion na tinitirahan na namin nina Eris. Sobrang lakas ng pagsabog na yon at mga sigawan kaya naman rinig na rinig ko mula dito.
Nangunot ang noo ko saka napatingin ako sa orasan na nandito sa kwarto 'ko. 10:06 PM. Anong pinagkakagu-luhan nila?
Hindi na ako nag abalang tumingin sa salamin o magpalit mula sa pajama ko at mabilis na lumabas ng mansion. Hindi 'ko nakita sina Eris nang i-check ko ang mga kwarto nila kaya malamang ay nasa labas sila.
"Anong meron?" tanong ko doon sa isang babaeng nakasalubong ko. Napatigil naman ito sa pagtakbo saka ako natatakot na tiningnan.
"Rebels! Sinusugod tayo ng mga pesteng rebels!" sagot nito. Iwinaksi nito ang pagkakahawak ko sa braso niya saka mabilis na tumakbo na para bang mamatay siya kung hindi siya makakaalis dito. Mabilis naman na akong tumakbo papuntang gate ng Academy kung saan 'ko naririnig ang mga pagsabog.
Eris
"What the hell? Bakit parang hindi sila nauubos?" inis na tanong ni Grey habang tinitira ng wind spikes yung mga rebels. They manage to destroy the academy's barrier na nakapalibot pati na rin yung mga barrier sa gate ng Academy dahilan para makapasok sila. Were fighting them here in the Academy's gate pero mukhang wala silang balak na umatras.
"Nasaan na ba si Headmistress Lucelle? Marami nang sugatan dito at wala ring medic team." sabi naman ni Lance habang iniilagan yung mga tira at atake ng mga rebels. Nag cast naman ako ng isang shield spell nang may fire arrows na lumipad sa direksyon ko.
I clicked my tounge.
Rebels. Kumpara sa mga fantasy story na nababasa niyo, wala kaming tinatawag na dark king o queen dito. Mga rebels lang. Mga magic users na hindi ayon sa pamamalakad ng Vien Council. Gusto nulang mamuno kaya naman gumawa sila ng grupo na lumaki nang lumakit na ngayon ay tinatawag na Rebels.
Hindi magkaaway ang light magic users and dark magic user. Were all peaceful-We should be if those rebels didn't interfere.
"May tumawag na ba kay headmistress?" malamig 'kong tanong na sinagot naman ni Lyn.
"Oo pero hindi pa rin bumbalik! Pati na rin yung tumawag ng mga healers. Tinabunan ba sila ng kung ano don?" inis na sagot nito. Napabuntong hininga nalang naman ako saka tiningnan ang mga Rebels na walang tigil sa pagpasok ng gate. May mga ilang estudiyante din dito na lumalaban pero ang karamihan ay mas piniling tumakbo. Cowards.
"Eris, may healing spells ka di ba? Kami nang bahala dito. Gamutin mo nalang yung mga nasugatan." sabi sa'kin ni Lance na ikinatango ko lang naman.
BINABASA MO ANG
Guardian
FantasyAng storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo ng mahika o ano pa man. This story is about Luci Crest. Isang babaeng punong puno ng sikreto at misteryo ang buong pagkatao.