Disguise 40

1.5K 25 3
                                    

Conway's POV

Halos dalawang araw na rin simula nang mabalitaan kong nawawal si noona. Umuwi na sila kurt at doon sila naghanap. Nagpa-iwan ako sa kanila dahil pakiramdam ko nandito lang si noona sa palawan.

Alam na ng dalawang 'yun ang gagawin nila pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatamggap na tawag muka sa kanilang dalawa kaya naman naisipan kong humingi na ng tulong sa pinsan ni noona. Si carlo.

Tinatawagan ko siya ngayon.

"Oh bakit?" Agad na bungad niya.

"I need your help." Panimula ko. "Are you free today?"

"I don't know. Tanongin ko lang si jake."

"Oo wala kaming gala o kung ano mang gagawin namin ngayong araw. Bakit ba? Ano ba 'yun?"

"Pwede bang pumunta kayo sa palawan? Sa el-nido. Kailangan ko talaga ang tulong niyo."

"Okay, papunta na kami." Akala ko ibaba na niya pero may narinig pa ako.

"Brad! Ihanda mo yung helicopter pupunta tayo ng palawan." Napangiti ako sa aking narinig. Ako nalang ang nagbaba ng tawag.

Kailangan kong mahanap si noona sa lalong madaling panahon. Baka maunahan pa ako nila kurt.

Joanna's POV

Dalawang araw. Dalawang araw na akong naghihirap sa kamay ng mga traydor na 'yun. Sa ngayon, umalis silang tatlo at umuwi kasama sila kate.

Damn it! Nasaan na ba si conway? Mamatay na ako dito kapag hindi pa ako nakawala.

"Ibigay mo nalang kasi sa akin ang trono mo. Hindi ka na mahihirapan at papalayain kita kapag binigay mo sa akin ang trono mo sa gangster world." Sabi ni philip-----isa sa mga traydor. Ang akala masaya siya sa pagiging gangster queen ko pero hindi dahil habang nakatalikod ako, nagpapalno na pala siya kung paano ako papabagsakin.

(A/N: Nabanggid ko ang pangalan ni philip sa disguise one.)

Ningisian ko siya. "Kahit kailan hindi ko ibibigay ang trono ko sa isang katulad mong may masamang balak." Kahit na nahihirapan ako, pinilit ko pa rin na magsalita.

"Argh!" Daing ko nang suntukin niya ako sa tyan.

"Alam mo kung bakit ko kinukuha sa'yo ang trono mo? Dahil hindi ito bagay sa'yo. Sa akin dapat ang trono na 'yan kung hindi ka umepal!" Sinampal naman niya ako ngayon.

"Ituloy niyo ang pagpapahirap sa kanya hanggang sa sumuko siya." May lumapit na mga lalaki sa akin.

Pinagbubog nila ako simula pa kahapon, halos hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko dahil sa sakit. Ibang klaseng pagpapahirap ang ginagawa nila sa akin. Bukod sa pangbubugbog nila, sinusugatan din nila ako gamit ang mamatalas na bagay na mahawakan nila. Naliligo na nga ako sa sarili kong dugo.

Araw araw din nila akong kinukuryente kapag nagsawa na sila sa pagkukuryente sa akin tsaka naman nila ako bubuhusan ng malamig na tubig. Sumisigaw na ako sa sakit dahil sariwa pa ang mga sugat ko. Bukod pa sa pisikal na pagto-torture nila sa akin, hindi rin nila ako pinapakain o pinapainom man lang ng tubig. Mamatay talaga ako dito kapag hindi pa ako nakatakas. Bukod sa malapit na maubos ang dugo ko, made-dehydrate na din ako.

"Akalain mong ang malakas na queen ay pinapahirapan lang natin?" Rinig kong sabi ng lalaking panay ang suntok sa akin.

"Nasaan na yung katapangan mo? Nasaan na kung kayabangan mo?" Nagaasar pa na sabi ng isa.

Kahit na nahihirapan na ako pinilit ko pa rin na ngumiti ng nakakaloko. "Wala kayong mapapala sa akin. Sige, kayo din naman ang mahihirapan at mapapagod sa pinagagagawa niyo sa akin."

Gangster In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon