Disguise 26

1.6K 30 8
                                    

Elyruth's Pov

Nakahiga ako sa kama ni vj. Nandito kasi ako ngayon sa condo niya. Ewan ko kung bakit basta gusto ng katawan ko na pumunta dito sa condo niya. Buti nga hindi niya pinalitan eh.

Naalala ko tuloy noong dinukot ako noon sa eskinita.

Geez! Kinikilabutan ako tuwing naalala ko 'yun.

Napatingin ako sa bintana. Para kasing may tao na nakatingin sa akin eh. Tumayo ako at sinilip yung bintana.

Teka... Wala namang tao eh. Imagination ko lang ba 'yun? O sadyang nagiging paranoid lang ako?

Weird. Feel ko talaga may tao sa labas na kanina pa ako pinagmamasdan.

Layedie's Pov

Nasa bahay na kami ni kate ngayon.

Tinatawagan ko si yesha pero hindi naman sumagot.

Aish! Nasaan ba yung babaeng 'yun? Tinawagan kasi ako ng jowa niya kanina, hinahanap niya si yesha kaso ang sabi ko lang naman ay hindi ko alam kung nasaan siya kaya nag-aalala na ako.

Isa pa it's already 11 o'clock.

"Baka tulog na siya. 'Wag na natin istorbohin." Sabi ni kate habang hawak ang cellphone niya.

Kanina pa din siya tawag ng tawag kay yesha pero hindi rin sinasagot. I sighed in defeat. "Okay, fine. Matulog ka na rin. 'Wag muna kayo maglandian ni jhonnel." Inirapan niya ako nang sabihin ko 'yun sa kanya.

"1st, were not flirting because we love each other." Mataray na sabi niya.

"Eh? Kung mahal niyo ang isa't isa bakit hindi pa rin kayo ngayon?"

"Basta. Isa pa sabi ko sa kanya gusto ko munang makapagtapos."

"Sus! Sabihin mo hanggang chat, text, tawag, at hatid sundo lang ang ginagawa niyo."

"Psh! Porket ba lumalabas kayo lagi ni xander." Namula ako sa sinabi niya. "Ayan ah." Dagdag pa niya.

Lumapit siya sa kama ko. Tinap niya yung balikat ko. "Okay lang 'yan. 'Di ka oa rin niya mahal." Tapos no'n ay tunawa siya. Hinampas at kinalmot ko nga. "Hangal!"

"Ano asar pa?" Natatawang sabi niya.

"Aish! Bahala ka nga jan. Matutulog na ako." Sabi ko at humiga na sa kama tinalikuran ko siya.

Rinig ko pa rin ang nakakairitang  tawa niya hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.

2 days later....

Maaga kamung pumasok ni kate. Review mode kami kasi mayroon kaming quiz mamaya.

Nasa kotse na kami ngayon.

"Kate, kinakabahan na ako kay yesha." Sabi ko na may tono ng kaba.

"Ako rin. Pati raa si dave hindi rin nakikita." Sabi niya. "Talaga? Oo nga pala, kasama si dave noong nawala na siya." Sabi ko.

"Aish!" Halata ang frustation niya.

Nakarating na kami sa school pinarada lang niya tapos ay lumabas na rin kami.

Naglakad na kami papunta sa room.

Konti palang naman kami. Pero yung row at yung sa likod namin kompleto na maliban sa isa. Wala pa si joanna.

May kanya kanya silang mundo. Ang iba ay nagbabasa ng libro at notes, ang iba naman ay nagkwe-kwentuhan at ang iba ay nakikinig ng music.

"Good morning." Masiglang bati ni kent.

Gangster In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon