Joanna's POV
Nasa van kami ngayon papuntang el-nido magkatabi lang naman kami ni kurt. Tumingin ako sa bintana.
Naalala ko ang pinagusapan namin kagabi. Napatingin ako sa kanya nagtama ang mga mata namin pero maya maya pa ay nakita ko ang galit sa kanyang mata.
'Maiintindihan mo---- I mean niyo ako sa tamang panahon.' Tanging nasa isip ko.
Tumingin naman ako kay kurt na nakasandal sa balikat ko. Hindi ba nahihirapan ang isang 'to? Siguradong mamaya sasakit ang leeg niya.
"Aivan sa october 5 ang birthday ni kurt ah." Sabi ko.
"Yup, kaya double celebration ang gagawin natin tutal namin hanggang october 10 tayo doon." Si shane ang sumagot tumango nalang ako.
Nanahimik at nagiisip.
O_O
OMG! Kung october 5 ang birthday niya masyadong malapit sa birthday ko! P*tek wala din akong regalo. Anong gagawin ko?
Naputol lang ang pagiisip ko nang magising si kurt.
"Hindi ka ba matutulog? Masyado pang maaga oh." He's right. 3 o'clock pa lang ng madaling araw. 2 o'clock nila ako sinundo.
"Matulog ka na muna." Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Nakangiti ako habang nakapikit.
Sa tatlong buwan, ginawa niya talaga ang real relationship at seryoso siya. Kahit na totoong couple kami ay hindi siya nag-take ng advantage dahil ni minsan hindi ko siya pinayagan na humalik sa aking labi. Sa noo at pisngi lang gano'n. Alam naman ng lahat 'yun.
******
Naramdaman kong may mahinang tumatapik sa pisngi ko. "Wake up, we're here." Rinig kong bulong niya.
Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Kaming dalawa nalang pala. Ngumiti ako.
"Come on." Bumaba siya sa kotse tapos ay inalalayan niya akong bumaba.
"Dahil marami naman tayo nagrent nalang muna kami ng malaking bahay."
"Okay."
"Uuwi daw sila mom at dad dito sa pilipinas para asikasuhin yung business." Hindi ako umimik sa sinasabi niya at nakikinig lang.
Medyo nawala ako sa mood nang marinig ko ang salitang dad.
"Ipapakilala rin kita sa kanila." Literal na nanlaki ang aking mga mata. What the hell? No freaking way! Malalaman ni tita na ako yung joanna na best friend ni kurt damn it!
"Ah h-hehehe. G-gan'on b-ba?"
Tumango siya at naglakad nalang kami ng tahimik. Kahapon, noong nalaman ko na patay na si dad gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam kung saan siya nilibing.
Gusto kong magwala nang oras na 'yun pero pinipigilan ko ang sarili ko. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi man lang ako nakapunta maski sa libing niya. Gusto ko pang magpasalamat kay dad dahil sa mga ginawa niya sa akin. Sa mga oras na punagtatanggol niya ako kay mommy. Siya lang ang kakampi ko pero bakit pati siya namatay? Gano'n ba ako kasama? Kabayaran ba 'yun sa mga buhay na kinuha ko? Gusto ko pang iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal dahil hindi naman kami masyadong nagkikita.
Sobrang lungkot at sakit ang nararamdaman ko sa likod ng aking pekeng ngiti o blankong itsura. Kahit na gano'n ang nararamdaman ko, bakit ni isang luha ay hindi pumapatak sa mukha ko? Gano'n na ba ako kasama at kawalang puso para hindi na magpakita ang mga luha ko? Bakit gano'n?
Natauhan lang ako sa pagiisip nang huminto kami sa isang kwarto. "Kahit na marami tayo at malaki ang bahay dalawang kwarto lang ang nandito kaya naman hinati na namin sa boys at girls. Malaki naman ang kwarto kaya paniguradong kasya kayong lahat." Paliwanag ni kurt.
BINABASA MO ANG
Gangster In Disguise (Completed)
Novela JuvenilJoanna got all the things she wanted. She have this magnificent beauty and brain that everyone adore, a combat skills that everyone wished for and also the overwhelming wealth from her family---full package, right? And now, she will go back to her h...