Disguise 37

1.4K 27 3
                                    

Two days later...

Jamal's POV

Hindi namin sinabi sa lahat ang nangyari kagabi. Dinahilan nalang namin na tinatamad pumasok si adam.

Pumasok kami ngayon dahil may long test daw.

Nang dumating na si Mr. Mabait ay nagsimula na ang test namin para sa chemistry.

"Answer that in 30 minutes." Napasimangot na ako. Bakit kaya mabait surname niya? Hindi naman siya mabait eh. Dapat terror ang surname niya tss.

"Psh! Kala mo naman talaga ang dali ng test." Mahinang bulong ko.

"What's the matter mr. Velarde?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Akala ko ba test? Bakit may kasamang recitation? Ano 'yun para may thrill?

Tumayo ako. "Matter sir? Matter is anything that occupies space and has mass." Bagot na sagot ko nagtawanan naman ang lahat.

"'Wag mo ang pinipilosopo mr. Velarde."

"Sabi niyo kasi what is matter sir eh, sinagot ko lang naman."

"Aba't nagdadahilan ka pang bata ka?! Get out to my class."

Sumeryoso ang aking mukha at maya maya pa'y ngumisi. "No sir. You must get out in this room because your fired." Malamig akong tugon. Aba, baka nakakalimutan niyang kaya ko siya tanggalin.

Mukha naman namutla si sir at at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng 'what-look' magdusa siya dyan tss. Minsan na nga lang kaming pumasok eh, dapat nga matuwa pa siya dahil pumasok kami sa klase niya.

*kkrriinnggg*

Naubos ang oras at ni isa ay wala akong pinalampas na tanong ano ba 'tong tanong na 'to? Pang-grade naman 'tong lesson eh.

"Pass it forward. Magche-check tayo bukas." Ang kapal talaga ng taong 'to magturo bukas.

"Your already fired sir. Wala ka nang karapatan tumapak dito bukas o kahit pa mamaya." Napangisi ako sa sinabini xander.

"W-what?" Halos hindi makapaniwala na sabi ni sir.

"Sa tingin niyo po ba nagbibiro ako?"

"N-no. B-but please---,"

"Hindi ko na mababawi ang nangyari kanina. Nangyari na eh." Kinuha ko ang bag ko at lumabas sinanggi ko pa si sir. Sumunod namanang iba.

Isang subject nalang at lunch break na sa kasamaang palad ay history 'yun ang pinaka-ayaw kong subject.

"Hindi pa rin ba papasok si adam?" Tanong ni joanna.

"Hindi pa eh, naglasing siya kagabi kaya may hang over pa 'yun." Pagsisinungaling ko.

"Okay."

Pumasok na kami ng room at umupo. Tumahimik lang ako.

"Psst! Joanna ano nang balak mo?" Rinig kong sabi ni kate. Masaya ako para kay kate dahil naka-move on na siya sa nangyari kay jhonnel sa totoo lang ay may bago na ulit siya, theo yung pangalan ng bago niya.

"Huh? Balak saan?" Si joanna.

"Sa birthday mo. Malapit na 'yun 'di ba? Kailan nga ulit yun?" Sabat naman ni layedie.

"Sa october 3." Sagot naman ni joanna. Malapit na rin naman kasi magtapos ang september.

"Tara gala tayo niyan. Treat na namin." Si leighanna.

"Eh? Ayaw kong umabsent." Si joanna ulit.

"Ano naman? Mataas naman grades mo eh. Okay lang 'yan para makapagrelax ka naman." Pangungumbinsi ni janefa.

Gangster In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon