Joanna's POV
Napaangat ako ng tingin dahil parang may naririnig akong tunog ng helicopter o baka guniguni ko lang 'yun?
Napatingin din ako sa iisang bintana nitong bahay. Nakatutok sa akin yung ilaw ng buwan. Napabuntong hininga ako. Tanggap ko naman na mamatay ako pero bakit sa ganito pang situation?
Geez! Ang drama ko na lately.
-__-
Napapikit at napangiwi nalang ako nang maramdaman kong kumikirot ang mga sugat ko lalo na yung tatlong tama ng bala.
Unang beses kong naranasan na humungi ng tulong simula ng naging gangster ako pero nasaan na na sila?
Kita nang once in a blue moon na nga lang akong humingi ng ruling ang tagal pa. Tss.
-__-
Conway's POV
"Nasaan na tayo? Sigurado ka ba na nandito si noona, carlo? E puro puno yung nakikita ko eh."
"Nasa isang bahay ang sinasabi mong 'queen'. Nasa gitna ng gubat." Napabuntong hininga na lang ako. Bakit parang nasa movie kami tapos ako ang leading man then si noona ang leading lady? Mwehehe. Okay tama na ang imagination, Conway.
"Nandito na tayo." Sabi ni jake.
"Saan?" Tanong ko. Wala pa rin naman akong nakikita kung hindi puno lang eh.
Binatukan ako ni Karl. "Engot! Kapag bumaba tayo sa mismong harap ng bahay maririnig nila tayo." Oo nga naman?
"Here." Sabay abot sa akin ni jayden ng baril.
"Eh? Brad hindi ako marunong gumamit ng baril." Umiling na lang si jayden at nilagay pa din niya yung baril sa kamay ko.
"Kailangan mo 'yan. Kahit pa napakahirap mong paniwalaan na nandito talaga ang queen sa Pilipinas. Ang sabi kasi nasa Korea, China, o Japan lang siya nagi-istay. Hindi ko akalain na pupunta siya dito." Hindi na lang ako sumagot.
"Tama na ang drama dyan. May mission tayo." Si Carlo.
Dahil nga hindi na rin ako makapaghintay na makita at maligtas si noona, naglakad na kami papunta sa bahay.
Ilang lakad lang pala eh. Keri na 'to.
Nagsenyasan kami. Nasa harap na kami ng bahay.
Unti unti kaming naglakad at pumasok sa bahay. Walang nagbabantay pagpasok namin. Mukhang maraming nagbabantay kay noona.
Bumaba kami. Malay ba namin na nasa basement siya. Ang sabi lang kasi ni carlo nasa isang bahay lang, hindi na namin ma-tract kasi mahirap makakuha ng signal sa gubat.
"Bagay 'yan sa'yo! Mas mabuti rin na mamatay ka na!" Bakit parang pamilyar yung boses ng babae?
Huminto ako. Hindi ko sinundan yung apat. Nagtago lang ako. Hindi nan na duwag pero napakapamilyar talaga nung boses eh. Kinuha ko yung phone ko, ire-ready ko lang baka makakuha ako ng ibedensya.
"May tao!" Rinig kong sabi ng isang tao.
"Nahuli na kami." Sabi in Jake sa talkie.
Hindi ako sumagot. Hinahanap ng mga mata ko si noona.
Habang hinahanap ko siya, laking gulat ko na nandito silang apat. Isang babae at tatlong lalaki.
O_O
Naunahan na ba nila kami?
Kurt's POV
Wala pa rin akong balita sa girlfriend ko. Damn it!
BINABASA MO ANG
Gangster In Disguise (Completed)
Teen FictionJoanna got all the things she wanted. She have this magnificent beauty and brain that everyone adore, a combat skills that everyone wished for and also the overwhelming wealth from her family---full package, right? And now, she will go back to her h...