Ethan POV
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. First day ko ngayon sa school. First day ng isang gwapong gwapong si Ethan Guttierez sa pagiging 4th year highschool. Humanda na kayo mga chix! I'll break your hearts. Mga manok ko kayo. Naligo at nagbihis na ako. Bumaba na ako ng kwarto ko. Wala si Tita. Ang aga naman niya. Pero nagulat ako ng nakakita ako ng pagkain sa mesa. Di ko na masyadong inisip kung sino ang naghanda. Hindi naman, kasi si tita yung naghanda non. Kasi sabi ng mama ko, sasamahan lang daw ako ni tita pero ako daw yung bahala sa sarili ko. Kaya imposible. Kinain ko na lamang yon. Nanigas ang tuhod ko ng biglang may humaplos sa mga balikat ko. Oo! Takot ako sa multo. Hinarap ko ang babaeng humawak sa balikat ko, at si Cheska yon. Ah si Cheska lang pala! Whut? Cheska? Siya yung naka MOMOL ko dati dito sa bahay. Yung babaeng Flat Chested?! Malaaaaaas!
"Babes! Masarap ba yung luto ko? Kasing sarap ko ba? " Seducive niyang sabi saken.
" Ah. Oo e. Aalis na ako ha. Late na ako e." Ako. Kahit hindi naman siya masarap.
Dali-dali akong lumabas ng bahay at tumakbo. Hinabol niya ako. Naghabulan lang kami. At ng makarating kami ng highway. May nabunggo akong babae. Isang MAGANDANG BABAE.
" Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Stupid. Please remove your shades please! Kaya di mo nakikita yang dinadaanan mo e. Anlawak lawak ng daan. Sa tabi ko pa sumisiksik. Asar! " Sabi niya saken. Hindi ko alam kung bakit kumabog ang dibdib ko sa kanya. Hindi naman ganito yung normal heartbeat ko e. Parang may iba. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Cheska na papalapit na. Ng nasa likod ko na si Cheska. Wala na akong ibang naisip pang paraan. Kundi ang palabasin na girlfriend ko tong babaeng nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Pangako.
Teen FictionNaranasan mo na bang ma inlove? Mainlove sa dating stranger at isang boastful guy in the world na tinatawag mo? " The more you HATE the more you LOVE " yan yung quotation na noon ay kailanman di pumasok sa utak ko na totoo. Pero letseng lalake to...