Alleli's POV
Bigla akong nagising ng may umalog sa aking balikat.
Si Sarah.
"Sis. Bakit ka umiiyak?! Ang panget ha" Sarah
Panaginip lang ba yun?
"Siszums. Hello?! Di ka pa lumalabas ng bahay simula nung nakita mo sina Ethan at Cecile sa Batangas. Di ka pa kumakain" Sarah
So? Isa nga lang palang panaginip ang lahat.
"Hoy! Bruhilda! Ano ka ba?!" Sarah
Bigla akong natauhan sa pagsigaw niya. Grabe ha. Dinaig ang mega phone. :3
"A--ano! Siszums. Bakit ka nandito?!" Ako
"Nag aalala lang ako sayo. Hello?! Di ka pa kumakain. Gaga!" Sarah
Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Hi bakekangs! Hay nako! Namiss kitang bruha ka" Migs with bading accent.
"Namiss ko yang mga ganyan mo Miguel. Hays!" Ako
"Naku! Di ko naman hahayaan na maging bakla ulit yan. Paano na ang kinabukasan ng aking pag ibig? Paano ang aking pinapangarap na pamilya kasama siya? Paan--"
Biglang hinalikan ni Migs ang labi ni Sarah.
"Mahal kita" Migs
"Wag nga kayong maglandian sa kwarto ko. Duh?!" Ako
"Bitter!!!!" Sarah
"Kainin mo na nga yang niluto ko. Special yan." Migs
Tinikman ko naman yung pagkain na binigay saken ni Migs.
"Infairness. Masarap." Ako
"Syempre. Gwapo ako e" Migs
"ANONG CONNECT?!" Napasigaw na lang kami ni Sarah.
Hay. Buti na lang talaga may mga kaibigan akong ganito. Kung hindi. Baka nagpakamatay na ako.
*Ako na lang by Zia Quizon*
"Wait. May tumatawag saken. Hm, Migs. Pakiabot naman ng phone ko" Ako
Inabot naman saken ni Migs.
Tumingin ako sa screen at nagulat ako nung nakita ko kung sino ang tumatawag.
*Babe ♥ Calling...*
Sasagutin ko ba o hindi?
Parang may nagtutulak sa akin na wag sagutin ang tawag na iyon.
Alleli. Ano bang problema mo? Sagutin mo na yan. Kung anong nararamdaman mo. Go lang
Wag. Alalahanin mong sinaktan ka niya Alleli. Paganahin mo ang utak mo.
Nagkakagulo na ang mga system ko. Hindi ko alam. Kung matutuwa ba ako o maiinis sa nakikita ko.
Bakit ba may mga taong mamahalin ka. Pero sa huli sasaktan ka lang din naman pala?
May mga Pangako pang nalalaman pero di naman pala kayang panindigan.
Pero isa lang ang iniisip ko sa ngayon.
Mahal ko siya. Pero sinaktan niya ako.
Hindi ko sinagot ang tawag. At pinatay ang phone ko.
Humagulhol ako ng iyak.
"Sis. Iiyak mo lang yan." Sarah
"Pede bang umibig ng di nasasaktan?" Ako
"Hindi. Dyan sa tanong mo. Para kang naligo sa ulan ng di nababasa. Natural sa buhay pag ibig ang makadanas ng sakit. Pero kung di mo siya ilelet go. Mas patuloy mo pa ring sasaktan ang sarili mo. Did you get my point Alleli?!" Sarah
"Pero? *sobs* I love him. And i really do." Ako
"Kahit mahal mo pa siya. Kung sinasaktan ka naman niya. Mahihirapan at mahihirapan ka lang. Maawa ka sa sarili mo Alleli" Migs
"At malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Kaya binigay ang puso para makaramdam. Kaya binigay ang utak para makapag isip. Kung nararamdaman mong mahal ka niya. Then sundin mo ang puso mo. Yan ang sinisigaw niyan e. Pero kapag ayaw mong magpakamartyr. Sundin mo ang takbo ng utak mo Alleli" Sarah
Lumabas ako ng kwarto ko. Kinuha ang papeles na dapat makita niya. Pumunta ako sa garahe. At pinaandar ang kotse ko.
"Alleli. San ka pupunta?! Di ka pa ganun ka bihasa sa pagdadrive"
Sigaw nina Migs.
Ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang pagmamahal ko sa kanya.
Kapag mahal mo ang isang tao. Gagawin mo ang lahat. Kahit magmuka ka pang tanga o sira sa harapan nila.
Wala na akong ibang iniisip kundi ang mga alaala naming dalawa.
Happy memories simula nung mga bata pa kami.
I am dying for almost 10 years. I'm dying for his love for almost 10 years. And i wait for his PROMISE for almost 10 years.
Pero sa isang iglap lang. Mawawala na lahat? Makukuha lamang siya sa akin ni Cecile sa isang kasinungalingan?
Di ako papayag.
BINABASA MO ANG
Pangako.
Teen FictionNaranasan mo na bang ma inlove? Mainlove sa dating stranger at isang boastful guy in the world na tinatawag mo? " The more you HATE the more you LOVE " yan yung quotation na noon ay kailanman di pumasok sa utak ko na totoo. Pero letseng lalake to...