Part 33

35 0 0
                                    

Alleli's POV

"Hoy! Bruha. Anong meron sayo ha? Badmood? Gahd!" Sarah.

Nasa school kami ngayon. 3 days ng di nagpaparamdam sa akin si Ethan. I miss him. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi siya nagtetext o nagchachat. O kaya naman, dalawin man lang niya ako sa bahay. Simula nung nangyari sa amin ni Cecile sa beach di na siya nagparamdam saken.

"Pake mo ba?!" Ako

"Ikaw na babae ka, ikaw na nga to'ng tinutulungan ikaw pa ang galit. Damn!" Sarah.

Napatingin na lang ako sa kanya ng masama.

"Sigurado ka? Nakakatulong na yung pagtatanong kung badmood ako? Di ba halata na Oo, i am on a bad mood?" Ako

"E ano nga kasi yung problema mo?" Sarah.

"Di na kasi nagpaparamdam saken si Ethan e. 3 days! As in 3 days! Natiis niya yun?" Ako

"Bakit? Patay na ba si Ethan para magparamdam?" Sarah

And again, tiningnan ko na naman siya ng masama.

"Eto naman, di na mabiro. Gusto ko lang naman na ngumiti ka. Wow ha. 3 days ka ng panget kasi 3 days ka ng nakasimangot. Gahd! Di ka ba nadidiri? Mas maganda na ako sayo" Sarah

"E ikaw? Di ka ba nadidiri sa mga sinasabi mo? Nakakasuka ka!" Ako

"Tse. Okayfine, bakit kasi di mo sya puntahan sa bahay nila?" Sarah

"Bakit ako pa? Ako pa talaga ha! Ako yung babae. Ako yung dapat na puntahan" Ako

Tama naman di ba? Ako dapat.

"Psh! You know what? I can't understand. Bakit ba kasi yung ibang mga babae masyadong naa- under yung mga boyfriends nila?" Sarah.

"Kasi niligawan nila ang babaeng mahal nila para gawing prinsesa?" Ako

"So ano? Alipin ang mga boys? Ganon? Kasi ako? Di ko ina-under si Miguel e, why? Kasi alam kong siya yung lalaki, siya yung kailangan magpaikot ng relasyon namin. Oo, masarap sa pakiramdam ang gawing prinsesa ng mga boyfriends nila, pero di sa lahat ng pagkakataon, sumasaya sila sa mga efforts na ginagawa nila, kasi nahihirapan din sila. Kaya minsan, try to exert some effort. Para mas ramdam nila na mahal mo din ang relasyon niyo. Kasi hindi lang siya yung nag eeffort" Sarah.

Anong nakain nito?

Pero tama siya. Bakit nga ba kailangan kong siya ang gumawa ng first move, kung gustong gusto ko na siyang makita?

---

*DingDong*

Nandito na ako sa harap ng bahay nila. Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko.

Pinagbuksan ako ni Tita ng gate.

"Hija. Umaano ka dito? Pasok ka na." Tita.

Napaka hospitable talaga dito.

"Hm Tita, i'm just asking where's Ethan?" Ako

"Oh uh, di pa ba niya nasasabi sayo?"Tita Joanna.

Nasasabi ang alin?

"Po? May dapat po ba akong malaman?" Ako

Halos nanginginig na ang boses ko sa pagsasalita. Anong dapat kong malaman?

"Tita? Bakit po di kayo nagsasalita?" Ako

"Ethan is with Cecile." Tita

But? Why?

"Ba--bakit po?" Ako

"Kailangang panindigan ni Ethan ang ginawa niya kay Cecile" Tita.

Panindigan?! Ginawa?! Wala akong alam sa sinasabi ni Tita.

Pangako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon