Part 34

43 1 0
                                    

Ethan's POV

Nasa Batangas kami ngayon, gusto ni Cecile dito.

Yes i'm with Cecile at ang dinadala niya ay anak ko. At kailangan kong panindigan ang anak namin.

Tatlong araw na kami dito at tatlong araw ko na din na hindi nakakausap si Alleli.

Flashback

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa aking mga mata.

"Hey sweetie. Wake up"

Dahan dahan kong minulat ang aking mata noong naramdaman kong may umaalog sa akin.

Si Cecile.

"Sweetie?! Tumigil ka nga." Malakas na sigaw ko.

"Pero? Anak mo to'ng dinadala ko." Cecile

Anak? Alam kong may nangyari sa amin. Pero? Anak ko?

"Na--nahihibang ka na ba?! Hindi ko anak yan" Ako

"Anak mo to'ng dinadala ko. May nangyari sa atin Ethan." Cecile

"Sapat na rason ba yun para masabi mong sa akin yan?" Ako

"Oo! Dahil ikaw ang unang lalaki na gumalaw saken" Cecile

Nangingilid na ang luha ni Cecile.

Paano na si Alleli kung talagang anak ko ang dinadala niya?

"Ethan. Ayokong mabuhay ang anak ko *sobs* na walang ama *sobs*" Cecile

Di ako makapagsalita. Si Alleli pa rin ang nasa isip ko

"Panindigan mo ito *sobs* panindigan mo. *sobs*" Cecile

"Pe--pero?" Ako

Biglang nagbukas ang pinto at nakita ko si Ate Ericka at Yesha.

"Ethan. You must! Panindigan mo ang Ate ko. Kasalanan mo lahat ng yan" Yesha

"Ethan. Panindigan mo si Cecile. Kung iniisip mo si Alleli. Mas isipin mo ang kapakanan ng magiging anak mo. Alam kong alam mo na masakit mawalan ng magulang. Hahayaan mo bang mangyari yun sa anak mo? Ha?" Ate Ericka

Niyakap ko si Cecile.

"Paninindigan ko. Paninindigan ko ang anak ko" Ako

End of Flashback

Kahit masakit ay pinili kong iwanan si Alleli. Yung mga Pangako na sinabi ko ay unti unti ng di ko natutupad.

Alam kong kinagagalitan niyo ako kasi mas pinili ko si Cecile. Pero sobrang hirap.

"Babe. Andyan ka lang pala. Ba't di ka pumasok sa loob? Baka mahamugan ka dyan. Gabi na oh" Cecile

Oo. Aaminin ko. Napakamaalaga ni Cecile. Mabait siya. Pero sobrang clingy

"Ah. Sige. Susunod ako." Ako

Hinila niya ako at hinalikan sa labi.

Nag response naman ako sa mga halik niya. We're kissing torridly.

At nung mapagod kami. Ay pumasok na.

Pumasok na kami sa loob.

Yumakap siya sa bewang ko. At inakbayan ko naman siya.

Alleli's POV

Sinundan ko sila sa Batangas. Nasa isang beach pala sila. Beach to nina Ethan. Wala masyadong tao.

Nagmasid masid ako.

Nagulat ako ng mahagip ko ang isang lalaking tatlong araw ko ng hinahanap.

Nagtago ako sa likod ng isang malaking bato.

Tinitigan ko siyang mabuti. He's so handsome. May biceps siya. Matangos ang ilong at matangkad. Pero iniwan niya ako.

Lalapitan ko pa sana siya at yayakapin ng makita kong lumapit sa kanya si Cecile. Nagusap sila at nagulat ako ng biglang hinila ni Cecile si Ethan at hinalikan sa labi. They're kissing torridly. At alam kong sumasagot si Ethan sa mga halik na yun.

Pero bakit mas pinili niya si Cecile? Iniwan niya ako ng walang dahilan. At iniwanan niya ako dahil sa isang kasinungalingan.

Pangako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon