Chapter 5:
Weekends! Yey. Relax –relax din :))
Texting with my classmates lang. sa kasamaang palad, di ko parin alam ang no. niya.
Ayos na rin kami ni Chelsea. Ewan. Bigla nalang kaming nagpansinan. Parang walang nangyrai. Di naman ako nagalit sakanya e. wala akong rason. Siya lang talaga hinihintay ko.
Linggo. Church with my family. Malling. Nag-rides pa kami. Napakasya. Wala rin akong balita kay pat. Nakakaexcite ang MONDAY! Parang feeling mo lagi, gustong gusto mong pumasok. Ang aga mo gigising para makapag-ayos ka. Dapat mabango.
Monday naaa! Hinatid ako ng daddy ko sa school. :) with matching kiss pa before pumasok ng gate! Oha!
"Psst." Rinig ko mula sa likod.
Wala akong nakita. Tumingin lang kasi ako sa gilid ko at hindi sa likod ko.
"pssst! Daddy mo yun?!" sabi mula sa kanang bahagi ko.
Gosh, si pat! Nakita niya ko. Buo agad araw ko! Biglang bumagal sa paglalakad.
"Ah, nandyan ka pala. Oo daddy ko yun." Nauutal utal kong sabi.
"Pogi ah. Tisoy. Mana ka skanya! Kamusta naman be?"
TAMA BA ANG NARINIG KO?! TINAWAG NIYA KONG BE!!!! PERO BAKIIT?!!!
Nakakagulat, pero kinikilig talaga ako, inisip ko baka expression niya lang yun. Bakla kaya siya?!!!
Flag ceremony na! ganito ba ang puppy love????! Gusto laging nasa tabi mo siya?! Pati sa pila gusto mo magkatapat kayo?! Sa paglipat ng room, dapat lagi kayong sabay?! Pag may klase lagi mo syang nadadale ng tingin?! Oh why do I feeling this!? Ang weird!
Pag gabi lagi mo siyang iniisip, di ka mapakali. Ikot much sa kama. Dahil sa sobrang kilig. Tapos excited kang mag umaga na dahil gusto mo lagi siyang kasama at nakikita?!
BINABASA MO ANG
The Comeback
Spiritualthis is a true to life story. this is not just a romantic love but a spiritual love as well. i bet highschoolers can relate themselves in the life of the characters. an assumed definition of love among teens.