CHAPTER 9:
Rehearsal time!
Since kami ang 1st year section 1. Kami ang una sa pila. Shocks, para kaming kinakasal.
Ayan na, naglalakad na sa gitna ng grounds.Nasa likod namin ang mga kaklase namin. Hiyawan ang lahat!
"WHOAAA! Si candyyy ohh!"
Nang may bumulong sa likuran ko.
Si celine, Chelsea at buong grupo ko.
"Cands, MAY STAIN KA! Ang lakeee!"
Oh myyyy! Di ko alam magiging reaction ko! Pagtingin ko sa palda ko, BOOM. May malaking bilog na pula. Tumakbo ako, sumunod ang mga friends ko! Dala dala ni Celine ang bag ko. Napahiya ako ng maraming marami. Hiyawan ang mga classmates ko at masaklap pa nito, may 4 sections pa na nanunuod sa practice.
"Ayoko na bumalik guys! Sorry back-out na ko! Wala na kong mukha na maihaharap sakanila, lalo na kay pat!" I said, paglabas ko ng cubicle.
"Cands! Lahat nga babae dumadaan jan. Yun nga lang di ka prepared." Sagot ni Chelsea.
"Guys, ilock niyo na lang ako dito sac r. O kaya tulungan niyo ko makatakas para makalabas ako sa gate!" Pagmamadali ko.
"NO! NO WAY! Harapin mo to. Kaya mo yan! Kami bahala sayo. Kasi naman e! Puro boypren pati pagpapalit ng napkin nakakalimutan!" sabi ni annie.
Natawa ako ah! Hahaha! :))
"Bumalik na tayo. Pag may narinig kami na kahit ano dun, andito kami back-up mo!" Sabi ni Celine.
Bumalik na kami, hila-hila nila ako. Yung stain sa palda ko, nahugasan na. Paglabas ng cr. Andun si pat! Nakatayo.
"Candsss! Ok ka lang ba?! May masakit ba sayo?! Pasensya ka na, wala akong nagawa kanina. Please, wag ka mag-baback-out ah!" Pag-aalalang sabi niya with holding my face.
"Ah, ttt, ss, uuhh." NAUUTAL AKO! Whew! Kada dikit ng balat niya sa akin. I feel like floating!
"Oo. Hindi ko to aatras. Kaso next rehearsal na lang. Di ko kaya magpakita ngayon sa kanila." Pinagpapawisan ako.
"Ok kung yan ang gusto mo, ipapaalam na lang muna kita kay mam. Hintayin mo ko dito ah! Ihahatid kita." Sagot niya.
Tumakbo na siya.
Pag-uwi ko, doon ako umiyak ng umiyak. Ewan ko, pero umiiyak ako! Sobrang hiya, na tipong wala ka ng mukhang maiharap sakanila.
SO REHEARSAL NA ULIT. Solicit after kahit hanggang gabi. Sa San Juan kami madalas. At dahil magaganda naman ang mga kasama ko, madali itong napuno.
LAST DAY OF REMMITING NA! Until 5pm na lang. eh 4:40 na kami nakaalis sa San juan! Traffic pa! Oh myy! Pagdating sa school. Kanya-kanyang takbo! KABAYO MODE! ;)
Pagdating sa AP Faculty, andun yung mga classmates ko, nag reremmit din!
"Tumakbo pa kayo, kahit hindi niyo nahabol yan. Ikaw na ang panalo." Sabi ng isang teacher doon.
Nakita ko ang board. I-1 with 77 sheets remmited. Ang malapit lang is yung I-2. With 64 sheets.
"Congratulations sa inyo candy. Talagang nagsikap kayo dyan. Your section deserves it." Sabi ng teacher ko.
Tekaaa. Kailan nga ba yung coronation?! Oh gosh. Kinabukasan na. At wala pa kong damit. As in wala talaga. Pagkauwi, baba lang ng gamit. Nagulantang ang lahat sa bahay. Kanya kanyang hagilap! At dahil gabi na. Wala na kaming napuntahan kundi SM na lang. Nakakita ako ng pink filipiniana don. At yun na lang pati slippers.
BINABASA MO ANG
The Comeback
Spiritualthis is a true to life story. this is not just a romantic love but a spiritual love as well. i bet highschoolers can relate themselves in the life of the characters. an assumed definition of love among teens.