Chapter 6
His Sweetness?

"1..2..3..4..5..6—6!! The answer is 6!" Sabi ng nagkukulitang si Kyle at Claire. Mga pamangkin nam—Ni Mina. Nagsasagot kasi sila ng kanilang Assignments. 

"Tara. Hindi mo ba napapansin si Raffy, parang lalake na kumilos whenever you're around?" Biglang tanong ni Mina dahilan para lingunin ko siya't bigyan ng What-do-you-mean-look.

"Kasi simula nung elementary kami friends na kami ni raffy. Unang kilala palang namin, alam ko ng bakla siya. Nakaboyfriend pa nga yan sa Canada eh."

"Really?" Natatawang sabi ko habang pinaglalaruan ang straw ng frappe ko na binili namin kanina. Nandito kasi kami sa bahay ni Tita Vivian na kapatid ni mom.

"Oo. Then, nung araw na nakilala mo siya biglang nag-iba ang pagtayo niya. Even his voice naging lalaki." I just rolled my eyes.

"Hahahaha! Hindi ko akalaing pwedeng maging ganun ang baklang iyon." Tumawa siya ng tumawa jan kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

"Batit ka tawa, Tita Chichi?" Nagtatakang sabi ni Claire.

"Wala. Bumalik na kayo sa ina-answer-an niyo. Wag niyo intindihin ang adik niyo tita." Sabi ko pero imbis na bumalik ay lalo silang nagtaka.

"Agik?" Kyle.

"Ah. Oo, Kyle. Yung adik ano.. Uhm.. Yun yung tawag sa tumatawa ng sobra." Pilit akong ngumiti sa kanila.

Tumango-tango naman sila bago bumalik sa kanilang ginagawa.

"Huy! Wag mong turuan ng mga kabalastugan ang mga bata!" Sermon ni Mina saakin. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko.

"Sino kaya yung tatawa-tawa jan? Tch." Inismidan ko siya.

"Sungit naman nito. Meron ka?" Hindi ko nalang siya pinansin at kumain ng Sandwich nang biglang---*Ringgg! Ringggg!*

Matagal ko itong tinitigan at nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba ito o hindi dahil unknown number ang nakasulat dito. Kusa itong namatay pero wala pang isang minuto ay tumunog ulit ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinihintay ko nalang ulit na mamatay ito. Bahala siya jan kung sino man siya.

"Sagutin mo na. Mukhang importante." Sagot niya pero umiling ako. Nagulat nalang ako ng hablutin niya ito sa kamay ko. "Kung ayaw mo edi ako nalang."

"Hello? Welcome to jolibee. May I take your order?" Sabi niya ng sagutin niya ang tawag. Napailing nalang ako sa kalokohan niya.

"Wait..Cold? Is that you, cold?" Napatindig ang tenga at puso ko ng marinig ang kanyang pangalan. Shit!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa kanya. "C-cold? Bakitkanapatawag?" Mabilis kong tanong. Kinakabahan kasi ako.

Nakarinig ako ng tawa mula sa kanya. [Easy, baby. I'm not going to eat you.] I can feel his smirk at this moment.

Bigla akong nakaramdam ng init sa magkabilang pisnge at ang ngiting hindi ko mapigilan nang marinig kong tinawag niya akong 'Baby'. Enebenemenkesheeh!

I cleared my throat. "Anong kailangan mo?" Pinilit kong 'wag kiligin. Pinilit kong 'wag ngumiti kahit hindi ko naman kayang pigilan dahil sa Mina na ito.

[Wala lang. I just missed you. Can we meet today?]

Wak kang ganyan, cold! Marupok lang ako.

"No. Kita mong magkasama kami tapos sisingit ka? Aba!" Sabat kaagad ni Mina. Nakaloud speaker kasi kaya naririnig niya.

[Shattap, Minchin. I'm not talking to you.]

"Whatever, Christopher Cruz." –Mina. Christopher?

[Who's that?]

"Ako. Pangalan ko. Malamang, ikaw. Christopher Owen Levi Dominic Cruz." So, that was his Full name? Ngayon, alam ko na.

[Is that so? O hula mo lang yan?]

"No. Hindi ko hula yun. Narinig ko lang."

[Oh! Okay? Tapos ka na? Pwede ko ng makausap, baby ko?] I saw Mina rolled her eyes but me? Eto, sobrang kiniliggg! As in 99%.

"U-uh..Sorry. Busy ako eh. Maybe, next time."

[Okay, if that what's you want.] Ibababa ko na sana pero nang magsalita ulit siya. [Oh, about sa napag-usapan natin. Nakapag-oo ka na. Wala ng bawian yon.] Sabi nalang niya at Busy tone na ang narinig ko.

"What about that 'pinag-usapan' niyo?" Curios na tanong ni Mina.

"Ah, yun ba. Gusto niyang magkunwaring 'kami' dahil sa sinabi niya kay Fiona na ako ang ipinagpalit sa kanya." Buntong hininga kong kwento.

"Owemji! Talaga? So ano, pumayag ka naman?" Dahan-dahan akong tumango.

"Shit ka, bakit ka pumayag?!" Iritang taas ng boses ni mina dahilan para pagtinginan kami ng maids at ng dalawang bata.

"Uhm..Ate Irene. Alis na muna kami ah. Pakisabi nalang kay Tita na umalis na kami. Salamat." Paalam ko sa yaya ni Claire. Si Kyle naman ay kaklase ni Claire.

Tumango naman si Ate Irene. Pero si Mina napa-What pero hindi ko nalang pinansin. Nagpaalam na rin ako sa dalawa bago hinila itong bruhilda na ito.

"Ang ingay mo. Alam mo namang chismosa yang yaya na yan." Sabi ko na binalewala niya lang.

"Bakit ka pumayag, labs? Ano yun panakip butas ka lang? Papayag ka ba ng ganon?" Alalang tanong niya.

"Parang hindi mo naman alam ang nangyare sa kanila. Na hindi naman niya minahal si Fiona dahil napilitan lang siya." Dipensa ko naman.

"Kung sa bagay. Kung hindi lang playboy yang si Cold. Iisipin kong may gusto siya sayo. Akalain mo yon. Tumawag kasi miss ka daw? Aba!" Natawa kami sa sinabi niya.

I agree with her. Kung hindi lang siya playboy at paasa. Maniniwala akong may gusto siya saakin.

Pero..

Syett! Heart wag kang mahuhulog! Utang na loob!

Crush Ko Siya [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon