Chapter 8
Who's her?"Pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa..Dalawa..Tatlo!!"
Nandito ako sa park para magpahangin. Kahapon, nang makumpirma ni mom na boyfriend ko si cold hindi man lang siya nagalit. Natuwa pa nga eh. Pagkatapos nun pumunta kami sa bahay ni cold. Gusto daw kasi akong makita ni dhane bago siya umalis papunta sa US. Remember, dhane? Yung kapatid ni cold. Alam niyo bang mas boto pa saakin si Dhane kaysa kay Fiona daw.
Nanonood lang ako ng mga batang naglalaro nang mahagip ng mata ko ang mga batang inaaway ang kapwa batang umiiyak. Sa tingin ko, magkaibigan sila pero ayaw lang nila sa babae.
Lumapit ako sa kanila. "Itigil niyo na 'yan, mga bata. Masama ang mang-away, alam niyo ba 'yon?"
"At sino ka naman?" Taas kilay na tanong ng masungit na batang babae.
"Ako lang naman ang angel na bumaba sa langit para pasabugin ang iyong pagkapangit nang malaman mo na ang iyong mukha ay pangit." Yan sana ang sasabihin ko pero hindi naman ako ganun kasama para sabihan sila ng ganun noh.
"I'm her mother." Pinatahan ko ang batang umiiyak na yumakap sakin. "Kaya kayo, wag na wag na kayong mambubully ulit."
"Pwe!" "You are so perfect to be her mother! Duh?" "Oo nga! Salot yan!" Mga reaction nila bago sila umalis.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko tuloy sila.
"Shh. Tahan na, wag ka nang umiyak. Wala na sila." Pagpapatahan ko sa kanya at pinunasan ang kanyang luha. Bumili na rin ako ng tubig at pinainom sa kanya para kumalma na siya.
"Are you okay now?" Tumango siya kaya napangiti ako.
"What is your name, anyway?" Nagpunas muna siya ng pisnge bago lumingon at ngumiti saakin.
Oh, that little smile.
"Leena po."
"Leena? What a nice name in a cute girl like you." Hinimas ko ang kanyang mahabang buhok.
Such a beautiful hair.
"Bakit ka ba binubully nila?"
"Hindi ko po alam. Baka ayaw po nila sakin dahil po ang panget ko at wala po akong magulang." Umiiyak na namang sabi niya.
"No. Please don't cry." Binigay ko ang tubig na kaagad naman niya itong ininom. "You don't need a friend like that. Ang mabuti pa lumayo ka na sa kanila at baka mapahamak ka pa sa kanila."
"Pero sila nalang po ang kaibigan ko. Halos doon po kasi sa ampunan, puro mga lalake po ang mga bata."
"Ganun ba?" Tumango siya.
"Kung ganun-----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may dumating na madre at tinatawag ang pangalang "Leena"
"Diyos ko pong bata ka! Anjan ka lang pala. Pinag-alala mo ako ng sobra kang bata ka. Halika na, uuwi na tayo." Sabi ng madre ng makalapit siya saamin. "Pasensya ka na, hija ha. Makulit kasi itong batang ito."
"Naku, okay lang po iyon. Ang totoo nga po niyan, natutuwa po ako sa batang iyan." Nakangiti kong sabi.
Napangiti din siya. "Osiya, una na kami ha? Mag-iingat ka, hija." Tumango ako tsaka na sila tuluyang umalis.
Sa totoo lang, nakikita ko ang sarili ko sa batang iyon. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya. Pakiramdam na hindi ka belong at natatakot kang maging mag-isa at iwan ng lahat. Yes, that's me.
Bago pa tumulo ang luha ko, narinig ko ang boses ng taong ayoko ng makita sa buong buhay ko.
"Azaria.." Ayokong umiyak. Please, luha kahit ngayon lang sumunod ka naman sakin.
"Who are you? And why are you here?" Walang emosyong sabi ko. Hold on, tears. Please, don't fall. Not now, not right here in front of her.
"I'm sorry." Pagkapiyok niyang sinabi na yun ding kinabiyak ng puso ko. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hahawakan ang kamay ko pero iniwasan ko ito at bahagyang lumayo sa kanya.
Ayokong bumigay. She throw me. She throw me like i am just a trash.
"I'm sorry for abandoned you. I was so stupid for doing that. I'm sorry, Azaria Tarako. Please come back to us." Pinikit ko ang aking mata habang pinipigilan ang hininga't luha ko.
Sobrang sakit. Sobrang sakit makitang nagmamakaawa siya sa harap na bumalik ako sa kanila.
Humugot ako ng malalim na hininga saka siya matapang na hinarap. "Mrs. Gonzales, hindi ho ako isang laruang kapag iniwan niyo ay pwede niyo pang balikan na parang walang nangyari. Sana ho, aware kayo na tao po ako't nasasaktan. Dahil wala ng sasakit pa sa inang iniwan at tinaboy ang kanyang anak dahil sa anak ito sa labas at sinisisi kung bakit namatay ang ama nito. Sana nga ho, laruan nalang ho ako eh. At least wala akong mararamdaman kung sakaling iwan o ipagtabuyan man ako. Pero salamat na rin ho sainyo. Because of abandoning me, i met Mom. My Mom na laging pinaparamdam kung gaano ako kamahal kahit hindi ako tunay na anak. Unlike my biological Mother." Ngumiti ako ng mapait. "Mauuna na ho ako, Mrs. Gonzales." Tumayo na ako pero pinigilan niya ako. Please, stop. Hindi ko na kayang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
"Please..anak."
Sa tawag niya saakin ay hindi ko na nakayanan. Tumulo na ang dapat tumulo pero bago iyon tumulo nasigurado kong tumalikod na ako sa kanya. Kinagat ko din ang labi ko upang pigilang humikbi.
Dati pangarap kong marinig yan mula sa kanya. Nung mga panahong nasa tabi pa nila ako at binabalewala but now.. Naglaho na rin iyon na parang bula ng dahil sa pagtataboy nila saakin.
"We can make it up again. I promise, magiging mabuting ina na ako sayo. Tatanggapin na kita ng buong buo. Bumalik kalang." Huwaw! Kapal naman talaga ng mukha.
Pinunasan ko ang luha ko kahit kusa parin itong lumuluha saka siya hinarap ng nakangisi. Nakita ko ang mga luha niyang ngayon ko lang nasaksihan.
"One mistake can destroy everything. Once trust broken it will never be the same again and sorry will means nothing." Yun lang at tumakbo ako paalis doon.
Kahit umiiyak ay nakuha ko pang tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dalhin ng mga paa ko basta ang alam ko lang ay,
Kailangan kong makalayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Siya [On going]
Novela JuvenilI have a CRUSH. Heartthrob. Masungit. Pero kahit ganun hindi mawala ang paghanga ko sa kanya. Ganun naman talaga, diba? Pag gusto mo ang isang tao kahit anong ugali niya kaya mong tanggapin. Kaso, iba lang saakin. May pagkamysterious siya na pati...