Chapter 3
Her Sick

"Yes but she's the wonderful thing I ever met."

Halos umulit na ng umulit ang sinabi niya sa utak ko. Totoo ba ito? O panaginip lang?

Napatingin ako sa kanya na nakatingin din saakin. Nakakakilig pero urghh! Wag kang umasa, Tara! Paasa yan! Paasa!

"Grrr! I hate the both of you! May araw din kayo sakin!" Sinamaan niya kami ng tingin bago siya padabog na umalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Naramdaman kong gumaan na ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Uwian. Parking lot. Don't be late." Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na. 

Matagal na nagprocess sa utak ko ang sinabi niya kaya hindi ko na siya naabutan para tanungin kung ano ang sinabi niya.


Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay may narinig akong sumisigaw ng pangalan. Lumingon ako hindi dahil sa tinawag niya sakin kundi ang pamilyar na boses. "Azaria? Azaria!"

"Lola?"

"Ano bayan! Mukha naman akong matanda nyan!" Nakapout na sabi niya.

Meet Lola—Este Louisa Laine Gonzales. Kapatid nami—Ni Fiona.

Fiona Kayle Gonzales is a campus sweetheart. Yes, magkakambal po sila. Pero kung ikukumpara mo sila ay mas gugustuhin mo si Ysa. (Ysa is Louisa) Dahil sa ugali ni Fiona ay lagi siyang inaayawan. Yun nga lang ay mas maganda lang siya kay Ysa.

And remember I said na taong kinaiinggitan ko? Si Fiona iyon.

Dahil nakakasama niya ang dati kong magulang. And she have Cold.

"Then, stop calling me in that name."

"Ito naman. Oo na po. Sige na, I need to go. See you around!" Sabi niya na nginitian ko lang.

"Uy! Nag-away daw sila Cold at Fiona kanina!"

"Talaga?"    "Oo. At mukhang break na!"

"Yes! May pag-asa na tayo!"    "Pero may isa tayong problema."

"Sino?"    "Si Tara. Nilalandi niya ang Cold natin!"

"Urghhh! That slut!"    "I hate her! Grrrr!"

Yan ang mga narinig kong mga usap-usapan nang makapunta ako sa cafeteria. Napabuntong hininga ako at pumila.

Kakain na sana ako ng may umupo sa harapan ko. "Hi. I'm Dhanielle Cruz, Cold's sister. Glad to meet you." Tinitigan ko siya. Ang ganda niya talaga. I heard her name so many times, kaya hindi ako magtatakang kapatid ito ni Cold.

Tatanggapin ko na sana ang pakikipagkamay niya ng may humila sa kamay niya papalayo. "Don't talk to a stranger, Dhane."

"But kuya.."

"No buts, Dhanielle." Kita kong napasimangot ang kapatid ng masungit na ito.

"Wala naman kaming ginagawang masama." Bulong ko na mukhang narinig ng dragon.

"You have no guts to talk back on me! You don't know who I am." Seryoso pero may diing sabi niya. "Yes, wala kayong ginagawang masama pero sa mukha mo, MERON!" Marahas niyang sigaw.

"And you have no rights to yell at me as if you are the boss here!" I feel a harsh hand wrapped at my wrist as I yelled back him.

Nakita ko kung pano magdilim ang aura niya at bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal mula sa kanya. Nagkandahilo-hilo ako ako dahil sa sampal niya. Nananakit ang pisnge ko at ang braso ko na mukhang magkakapasa pa.

"Kuya!" Pinilit ni Dhane alisin ang kamay ni cold sa braso ko pero lalo niya lang itong hinigpitan.

"Cold! Stop!" Nakarinig kami ng sigaw ng lalaki na paparating. At kasunod non ay ang pagpasok din ni Mina at Rap—Basta yun.

"Tara! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni mina saakin. Nanghihina at nahihilong tumango ako sa kanya.

"Let her hands go!" Pero imbis na bitawan ay mas lalo niya lang hinigpitan ang kapit niya.

Geez! Ang sakit.

"I said LET GO OF HER HANDS!"

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng hilo at sakit ng ulo. Ganun din ang aking balat at katawan. Umiikot din ang paningin ko.

And next thing I know, everything was blacked.

~Mina's POV~

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Kung hindi lang ako kailangan sa conference kanina. Tsk!

"Anong nangyare kay Tara? Bakit siya naging kulay violet kanina?"  Napalingon ako kay Raffy na nag-aalala din kay Tara. Nandito kami sa loob ng hospital habang hinihintay na gumising si Tara.

Lungkot na ngumiti ako at nagsimulang magkwento. "It was her sick. Bata palang siya may sakit na siya sa ugat. Itinaboy siya nang dahil sa sakit niyang kakaiba.  It's not normal, actually.  Umiiba ang kulay niya everytime na nasasaktan ang ugat niya. Maaring maging red and commonly, Violet. Sensitive ang kanyang ugat na pwede niyang ikamatay ng maaga."

Hindi ko maiwasang maiyak habang hawak ang kamay niya. Naawa ako sa bestfriend ko.

"Bakit hindi siya ipa-opera?" Agad akong umiling.

"Kakaiba ang sakit niyang ito kaya pati ang mga doctor ay hindi malaman kung anong sakit ito." Hinalikan ko siya sa noo habang natutulog ng mahimbing sa kama. "Kaya hindi ako nagsasawang umalis sa tabi niya. I don't want to feel her that she's alone. Itinakwil na nga siya ng magulang niya dadagdagan ko pa ba?"

Lumingon ako sa kanya. "Please don't tell anyone of her sick including her." Tumingin ako kay Tara na parang anghel kung matulog.

She's very beautiful but weak.

*^*^*^*^*

Ps. Hindi ko po alam kung may ganyang sakit sa mundo. Salamat!
-ButterThatCannotFly <3

Crush Ko Siya [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon