Chapter 43: SOLO

15 3 0
                                    

Tazanna's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari nung isang araw. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mahostopital sina River. Kahapon lang din nakababa si Felix at ngayon ay pumasok na sila.

Nandito kaming dalawa ni Cyrill sa malapit fastfood sa CIHS. Gusto niyang bumawi kasi ilang araw niya rin akong hindi nakakasama sa foodtrip o lunch man lang.

Habang hinihintay siya nilaro laro ko muna ang cellphone ko. Medyo mahaba kasi ang pila dahil lunch time ngayon.

"Pwedeng maki-upo?" nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Niel na may dalang tray. "Wala na kasing bakante kaya makikiupon na lang ako" hindi pa man ako pumapayag ay umupo na siya sa tapat ko. "I guess you're with your suitor?"

"Tama ka" tinusok niya ng straw ang float niya at sumipsip doon.

"What are you looking at?"

"Pwede ka naman kasing umupo sa iba, pero bakit dito pa?" inilapag niya yung spoon and fork bago nagsalita. Oo ubos na lahat ng table pero may mga bakante namang puan,a. Gusto niya ba talagang mangistorbo.

"Mas gusto ko dito,e" Kumindat pa siya habang tumataas baba ang kilay niyang makapal.

"Mas gusto mo dito dahil gusto mong samukin kami ni Cyrill"

"Exactly" mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Alam mo,Niel. Hindi kita maintindihan, ano bang sumagi diyan sa makitid mong kokote at trip mong guluhin kami?" he let a loud sigh. Sinilip ko si Cyrill at matagal pa siya, buti na lang dahil gusto ko pang kausapin ang unggoy na 'to.

"Idunno. Pati sarili ko hindi ko mai tindihan" umiwas siya ng tingin  "Naiinis ako sa tuwing nakikita kitang kasama ang lalaking yan" nagulat ako sa sinabi niya,pero nananatili sa ibang dereksiyon ang tingin niya "Nagagalit ako sa tuwing nakikita kitang tumatawa sa tuwing kausap mo siya. Ewan ko,naiinis ako"

Wala akong masabi sa sinabi niya. Naiinis siya kay Cyrill dahil kasama niya ako at napapasaya? kumag niya pala eh. Iniinis at inaasar niya ako pero ayaw niya akong makitang masayang timatawa kasama si Cyrill. Tss -,-



"Naiinis ka dahil kasama ko si Cyrill? at nagagalit ka sa tuwing nakikita mo akong tumatawa tuwing kausap ko siya? HA-HA-HA" sarkastiko kong tawa "Hindi kita maintindihan, ang gulo mo" naiinis ako sa kanya, naguguluhan ako sa kanya. Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad at demetso sa powder room,.Kailangan kong pakalmahin nng sarili ko dahil litong lito na ako sa mga ginagawa at pinagsasabi ni Niel.

Paglabas ko, nagulat ako nang biglang may humatak sa akin at isinandal sa pader. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa noo ko.

"Ano bang ginagawa mo ha?" ano bang pumasok sa isip ni Niel para gawin ito? ngumisi siya ng nakakalokong ngisi.

"E ikaw ,Tazanna? What are you doing to me? youre driving me fucking crazy,darn" malakas at malulutong na mura niya "Hindi ko alam pero gustong gusto kitang halikan sa mga oras na ito,darn" sunod sunod ang naging paglunok ko sinabi niyang iyon. Hindi ako makagalaw,sigurado akong hinahanap na ako ni Cyrii. Pero paano ako makakaalis sa lagay ko ngayon. Malalim ang titig niya sa nga labi ko.

.Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa labi ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko,para akong kinikiliti pero naiiyak ako at the same time. Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.

Its my first kiss

hindi parin gumagalaw ang ulo niya sa pagkakasampal ko. Nanghihina ang tuhod ko. Kinuha niya ang pinaka iingatan ko.

When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now