Chapter 31

10 5 0
                                    

Tazanna's POV

Pagkatapos nung camporal ay wala akong ginawa kundi matulog. Nakakapagod pero enjoy. Hindi ako nag-aral kahapon,excuse naman lahat ng sumali dahil alam nilang pagod kami.

Its Wednsday,kaya maaga akong gumising dahil maaga rin ang PE class namin. Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya ko, pagkatapos ay pumasok ako sa banyo. I did my morning rituals sa loob ng banyo, nagpalit din ako ng sandwich RD ko ngayon eh. Ilang minuto bago ako natapos maligo, 30 minutes bago ako natapos nagbihis. Pagkatapos kong magbreakfast ay nagpaalam na ako kay Manang Jona.

Halos 15 minutes lang yata yung binyahe ko papuntang school, maaga pa kasi kaya hindi masyadong mabagal ang usad ng mga sasakyan.

Padating ko sa Parking lot, walang pink na porsche. Wala pa sila?. Pagpark ko sa kotse ko saka ako dumeretso sa locker para iwan ang mga notebook ko saka ako pumunta sa sideout.

Pagdating ko sa sideout hindi pa sila nagsisimula, nakita ko sina Liv sa bench na nasa gilid. Kasama niya si Felix. Agad-agad akong lumaPit.

"Hoy!Liv. Bakit wala porsche mo sa labas? akala ko hindi ka pa dumating?" sumupsip muna siya sa duchmill niya bago sumagot.

"Eh, kasi naman po itong si Felix ayaw niyang dalhin ko ang kotse ko." Otomatikong kumunot yung noo ko. Eh sa pagkakaalala ko ayaw nitong humiwalay sa bebe porsche niya?.

"Bakit naman?" sumipsip siya ulit sa duchmill niya saka niya inunguso si Felix para siya ang sumagot sa tanong ko "Hoy! Felix. Bakit nga?"

"Gusto ko kasi siyang hatid sundo" tumango lang ako sa kanya. Wala na! Wala na! tinamaan na ang mga loko. "And by the way, stop calling me Felix" dagdag niya na siyang ikinagulat ko, pinulot ko yung nakita kong shuttle cock sa paanan ko saka itinapon pabalik sa mga naglalaro.

"Eh, bakit naman?" umupo ako sa tabi ni Liv.

"Wala lang, only Trix is allowed to call me in that way" aba! aba! sa bagay. Siya lang naman tumatawag kay Liv ng Trix.

"Tsk, okay" masungit ako ngayon, RD ko eh. Kumuha ako ng banana chips sa table na nasa harapan namin. Pinanood ko ang mga batang naglalaro ng badminton. Napagawi ang tingin ko sa pintuan ng sideout na siya ring pagdaan ni Cyrill. Humintl siya at kinawayan ako kaya lumapit ako sa kanya. "Teka lang ha" paalam ko sa dalawa na busy sa paglalandian este pagtatawan, tango lang ang sinagot niya sa akin.

"Uy! long time no see" ngayon ko lang napansin na naka jersey pala siya, number 30 wuaaaah! Curry hihi.

"Kaya nga eh, medyo busy kasi ako nitong nakaraan malapit na kasi ang sports fest"

"Luh, oo nga 'no? Teka, may laro kayo ngayon?"

"Ah,oo. Gusto sana kitang imbitahan na manood kaso may laro din kayo" napalingon ako sa likod, nakita ko sina Liv na pumwesto na sa pang apat na court.Sila ang magkalaban ni Felix,tsk.

"Okay lang naman na sumama ako sayo, may kapartner din naman si Liv. " Biglang sumibol ang napakagandang ngiti sa mga labi niya.

"Talaga? eh paano yung coach niyo?" nginuso niya si coach na abala sa pagi-score.

"Si coach Fred? ay hala,oo nga 'no? hayaan mo na minsan lang ito tara?" ngumiti siya sa akin saka kami nagumpisang maglakad.

Mabilis naming narating ang gymnasium dahil ilang dipa lang ang layo nun sa sideout.

"Tara pasok" pagpasok namin marami ng basketball players ang nandito pero hindi pa sila nag-uumpisa. "Tara ipapakilala kita" pero pinigilan ko siya

"Hindi ba nakakahiya?"

"Tsk, bakit ka naman mahihiya?"

"Eh kas-"

"Hayaan mo. Tara" at ayun na nga lumapit dun sa mga basketball players na nagtatawanan. Napansin nila kami kaya napatigil sila sa tawanan. "Hey"

"Uy si Jimenez" sigaw nung isa. Yung pinakamatangkad.

"Dude, siya ba si Tazanna?" tumalon yung moreno mula sa ikatlong bench.

at tuluyan na kaming nakalapit sa kanila.

"Ah,oo" napakamot si Cyrill sa batok niya, saka niya ito sinuklay gamit ang mga daliri niya. Lumapit sa amin yung kulay pula ang buhok.

"Dude, pakilala mo ako" saka niya ako inakbayan, mabango naman siya eh  tska keri kang hihi gwapo naman. Pero agad din yun inalis ni Cyrill. Aww.

"Anyway. Tazanna, this is Jerald, Joshua and Cristian. And th-"

"Okay na. Kilala na namin, hehe" lumapit sa amin si Jerald yung pinakamatangkad. "Finally. Nice meeting you" nag shake hands kami. Sumunod naman yung Joshua siya yung moreno.

"Im glad to meet you, hehe" saka naman lumapit sa amin ulit yung Christian the red hair -,-

"Nice meeting you, beautiful" nagulat ako nung kunin niya ang kanang kamay ko, iniangat niya yun na akmang hahalikan kaso agad yun inagaw ni Cyrill.


"Okay na" napakamot naman ng ulo si Christian at napapout pa.




When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now