Chapter 38: Sino Nga ba ako?

10 3 0
                                    

Liv's POV

Mahaba ang naging umaga ko ngayon. Ewan ko lang pero excited akong maglunch. Hayst! Idagdag mo pa ang boring ng Science at Math pati narin yung nakakabanas mukha ni sir Khallid. Feeling ko sirang-sira umaga ko,tss.

"Okay,thats all" Im snapped back to reality when Maam Aninion said that words. Hoo! Im free HAHAHAH. Paglabas namin ni Tazanna sumalubong na naman ulit sa amin sa labas sina Felix at Cyrill. Pero this time hindi na ako nagtaka.

"Hi" bati sa akin ni Felix at ngumiti. Hehe , ang guwapo ng boyfriend ko. Makita ko lang yung ngiti niya yung kaninang sira kong araw ngayon ay buong buo na hihi ^_^

"Liv, cafeteria din ba kayo?" tanong sa akin ni Tazanna

Tumango ako. "Gusto niyong sumabay?"

"Okay lang ba?"

Tumingin ako kay Felix ng makahulugan at tumango siya bilang pagpayag. "Sayo Cyrill, okay lang ba?" tumango naman siya at ngumiti.

"No problem"

Naglakad na kami at tinungo ang cafeteria. Sa daan, makikita mo yung mga naglalampungan. Makikita mo rin yung mga nagbubulungan. Nagtataka siguro sila kung bakit kami may kasamang dalawang magagandang nilalang. BWUAHAHAHAHAH mainggit kayo please? Hala bad yan, hihi^_^V

"Sarap dukutin mga mata nila" rinig kong bulong ni Tazanna.

"Kaya nga" tumawa naman siya sa sinabi ko. Hanggang sa marting namin ang cafeteria.

"Uyy, bossing nadiyan na kayo" sumalubong sa amin si Niel na ngumingisi, pero nagtaka ako kung bakit nawala yun nang makit niya sina Tazanna na kasunod namin

"They're joining us, I mean he's joining us" walang ganang tumango si Niel.

"Nasaan yung iba?" nagtatakang tanong ko. Siya lang kasi yung naabutan namin dito. Umupo ako sa tabi ni Felix. Sina Tazanna naman ay sa tapat namin umupo, si Niel ay nasa bandang kaliwa ko dahil nasa kanan ko si Felix.

"Absent yung pito, si arabo naman sa labas kumain kasama si Pau" hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil napagkuwentuhan na namin yun kagabi.

"Are they dating?" tanong ni Felix na ipinagkibit balikat lang ni Niel.

"I need to go" biglang tumayo si Cyrill kaya naagaw niya ang atensiyon namin.

"Ha? saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Tazanna.

"I almost forgot, may practice pala kami para sa papalapit na laro namin ng kabilang school" paliwanag ni Cyrill.

"Ganun ba? sama na ako?" tumango naman sa kanya si Cyrill bago siya bumaling ng tingin sa amin "Okay lang ba? mauuna na kami?" pareho kaming tumango ni Felix exept Niel. Saka sila umalis.

"Anong meron dun sa dalawa?" biglang tanong sa akin ni Niel.

"Nililigawan ni Cyrill si Tazanna" agarang sagot ko.

"Ha?"

"B-bakit?"

"Wala lang" naiilang na sagot nito. Bumaling naman ako kay Felix na may katext sa cellphone. Pero nang makita niyang nakatingin ako, agad niya itong ibinulsa.

"Sino yun?" pero nagkibit balikat lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid nila ako sa room, dahil magkatabi rin naman ang room namin.

"Free ka ba sa sabado?" tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?"

"Date tayo" bigla naman akong kinilig dun.

"S-sige"

"Wear our couple shirt,okay?" bago siya nag wink.

Luh? yu g captain america tshirt ba?

Niel's POV

'Nililigawan ni Cyrill si Tazanna'

"Haaaaayst!" sibunutan ko ang sarili kong buhok sa pagkainis.

Darn. Hindi man lang ako updated na nagliligawan na pala sila? last month lang siya nakilala ni Tazanna pero lumalandi na. Hayst! sarap balatan gamit ang kuko yung Cyrill na gurang na yun.

Eh, bakit ka ba nagagalit?

"Ewan ko"

Hayst! simula kahapon nakabusangot na ako dahil dun sa sinabi ni Liv.Darn

"Aray!" biglang may nagbatok sa akin.

"Ano yan? kinakausap mo sarili mo?" si Felix na hawak ang cellphone. Katext siguro girlfriend niya.

"Ang kinakausap sarili? ano ako, tanga?"

"Oo" hindi ko siya pinansin at tumayo. "Oh, where are you going?"

"Banyo"

Agad-agad akong bumaba at pumunta sa likod ng school, Para magpahangin. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko si Tazanna na nagbabasa ng isang novel book.

"HOY!"

"AY!CYRILL" kumunot ang noo ko at nagtiim ang bagang ko dahil sa sigaw niya sa sobrang pagkagulat. "Ano ka ba? bakit ka nanggugulat?" hindi ko siya sinagot at umupo sa tabi niya.

"Hindi ko alam na may nanliligaw na pala sayo" mahinang tanong ko.

"Hindi naman kasi kailangan malaman"

"Kailangan" tumingin siya sa akin pero agad niya ring iniwas.

"Bakit naman kailangan? aber"

"D-dahil"

"Oh, anong dahil?"

"D-dahil, because" namilipit naman siya ng tawa."Wala akong tiwala sa lalaking yun" bigla naman siya tumigil sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Mabait naman siya ah? gwapo, matalino,masipag,sporty, at higit sa lahat gentleman. Anong hindi katiwa-tiwala dun?"

"Basta"

Bigla akong nakaramdam ng insecurity sa mga sinabi niya. Gwapo at sporty lang ako. Hyst -,-*

"Anong basta?

"BASTA! WALA AKONG TIWALA SA LALAKING IYON"

"EH BAKIT KA SUMISIGAW?"

I sighed.

"Alam mo hindi kita maintindihan, last month pa lang kayo nagkakilala pero pumayag ka na ligawan ka niya"

"IKAW ANG HINDI KO MAINTINDIHAN, LAST TIME KINUKULIT AT INAASAR MO AKO TAPOS NGAYON NAGAGALIT KA DAHIL PINAYAGAN KO SI CYRILL NA MANLIGAW"

"E, bakit ka sumisigaw?"

"EWAN KO SAYO" saka niya niligpit ang gamit niya at umalis.

Ewan ko rin sa sarili ko. Bakit nga ba ako nagagalit? in the first place kaibigan ko lang naman siya, kaibigan ba? parang hindi e. Hindi ko naman sinadya lahat nung sinabi ko, naiinis lang ako.

E, bakit ka naiinis?

"Hyst! ewan ko"

Kaya tinext ko na lang siya sa SIM2 ko.

To:Dora
Wag ka nang malungkot, Im sure hindi niya sinasadya yung sinabi niya sayo.

Pgkatapos ay ibinulsa ko na ito. Pero bigla aitong nag beep, literal akong nagulat dahil nagreply siya.

From:Dora
paano mo nalamang malungkot ako? naiinis lang ako. Tsaka sino ka ba ha? kilala ba kita. And by the way, wala akong pake kung sinadya man niyang sabihin yun o hindi. Wala siyang pakialam sa buhay ko. Sino ba siya? ha?. Tska, Stop acting that you know my pai!

Natawa ako sa huling reply niya. Pero, sino nga ba ako? hindi ko nga alam kung kaibigan turing nun sa akin.

Tanga ka rin naman kasi gwaoong Niel, bakit mo siya sinasabihan ng ganun dahil lang sa pagpayag niya kay Cyrill? Bakit, may gusto ka ba sa kaniya?







When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now