Chapter 33: Avoidance

9 3 0
                                    

Liv's POV

Maaga akong gumising hindi dahil lunes ngayon, baka kasi sunduin ako ni Felix uunahan ko na siya. Agad akong bumaba, naabutan ko si mamang naka apron at nagtitimpla ng gatas. Si ate Elizabeth baka tulog pa yun.

"Oh, baby Liv. Ang aga mo naman yata? hindi pa tapos iready ang break fast" kinuha niya yung kutsara saka niya inistir ang gatas, para sa akin siguro yun.

Kumuha ako ng dalawang pirasong whole wheat bread saka ko nilagyan ng itlog bago ko pinasok sa baunan ko.

"Babaunin ko na lang ito ma, sige po punta na ako" I gave her a peck. Kinuha ko sa ibabaw ng lamesa sa living room ang susi ko saka nagmadaling lumabas. "Yaya! pakibuksan ang gate. Paki bilisan po!" sigaw ko kay yaya na nagdidilig ng halaman. Agad niya naman itong binuksan. Inistart ko ang engine saka pinaharurot palayo.

***

Pagpark ko sa kotse ko, iilan pa lamang ang dumating na mga estudyante. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Quarter to 6 pa lang, hooo! ang aga.

Naglakad ako papunta sa tinatambayan ko palagi sa likod ng school kapag gusto kong mapag-isa. Malamig dito kasi napalibutan ng mga puno at may nag-iisang bench.

Umupo ako at kinuha sa bag ko ang baon kong egg sandwich. Narininmg kong nagbeep ang cellphone ko.

1 New Message

Pinindot ko ito at binasa ang laman.

From: Tazanna

School ka na?

Sumubo ako ng sandwich ko saka uminom bago ako nag reply.

To:Tazanna

Opoooo! bilisan mo, nasa likod ako ng school.

Hindi ko na hinintay ang reply niya.Patuloy lang ako sa pagkain, gutom kasi ako ewan ko lang pero feeling ko pagod na pagod ako.

Saktong panghuling subo ko na nang may dumating.

"Ay!" gulat na sigaw niya.

"Ikaw lang pala yan" si Pauleen pala. Uminom muna ako sa tumbler ko bago ito pinasok sa bag ko kasama ang baunan ko.

"oh, bakit ka nandito?" umupo siya sa tabi ko.

"Wala, nagpapahangin. Ikaw?"

"Same, maaga pa kasi kaya napag-isipan kong tumabay muna dito. Malamig kasi, tapos refreshing pa"

"Hayst! oo nga" bigla naman akong nalungkot nang maalala ko naman yung nangyari nung isang gabi.

"Hoy! may problema ba?" umiling lang ako saka ngumiti. Ayokong makita nila akong nalulungkot, nalulungot din kasi sila.

"Tara, samaan mo ako. Naiihi ako" tumango lang siya sa akin.

Pero pinagsisihan kong umalis pa kami dun. Nakasalubong kasi namin ang grupo nila Felix.

Pareho kaming nagulat sa isa't isa.

Geez!

"Trix" agad akong umalis doon at kumaripas ng takbo. Nagtataka siguro si Pauleen sa ginawa ko. Mag-eexplain na lang ako mamaya.

Pero sa gitna ng pagtakbo ko, may nabangga ako.

"S-sorry"

"Liv?" si Nathan lang pala.

"U-uy, Nathan" pinunasan ko yung pawis na namumuo sa noo ko.

"Bakit hingal na hingal ka? bakit ka tumatakbo?" nagtatakang tanong niya.

When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now