Epilogue

47 8 0
                                    


"Liv gumising ka na" hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dahil narin siguro sa pagod ko mentally and physically. Hindi ko alam anong oras ako natulog kagabi. Wala akong ginawa kun'di umiyak at humagulgol.

"He's in coma"

Naalala ko na naman ang sinabi ng doktor na iyon. "Gumising ka na, alam kong pagod ka. Hindi ka pa nakakakain kaya bumili ako ng breakfast mo bago pumunta dito" ani Tazanna. Tumingin ako sa likod nito at nakita ko sina Jack at Pau.

"Ngayon lang kami nakapunta kasi ngayon lang din sinabi sa akin ng lalaking 'to" ani Pau. Tumingin ako kay Felix na payapang natutulog. May room na siya kagabi pa kaya mas komportable na ang posisyon na kasi hindi na masikip.

"Kuma-"

"Hindi ako nagugutom" singhal ko. Bumuntong hininga naman sa likod si Jack.

"Kumain ka na muna, kagabi ka pa bumabantay kay River. Baka malipasan ka at magkasakit, ayaw ni River na magkasakit ka." Ani Jack. Naalala ko na naman yung ekspresyon niya tuwing sinusuway ko siya.

Hindi ko mapigilang tumulo ang luho ka simpleng alaalang iyon.

Napatingin kami sa pinto nang biglang bumukas iyon at iniluwa si Caleb. "Darating daw maya-maya sina Tita Alastair,Liv. Mabuti pa umuwi ka na muna at magpahinga. Atsaka nandito rin ang nanay at kapatid mo, hinahanap ka" nanginginig na naman ang katawan ko nang marinig ang salitang kapatid.

Hindi na ako nagsalita at lumabas na ako. Nadatnan kong naghihintay si Ate sa labas pero nilagpasan ko lang siya na parang hangin. Lumapit ako kay mama.

"Ma" bigla niya akong niyakap. Yung yakap ng isang nag-aalalang ina.

"Ayos ka lang ba, anak?" she hold my face using both of her hands. Para bang nag-aalala siya sa akin, na para bang ako 'yung naaksidente. "Alam ko na ang lahat ng nangyari, anak Im very sorry"

"Wala po kayong kasalanan" iminuwestra niya sa akin ang upuan para umupo. Tumitig siya sa akin na may nangingiusap na mga mata. Batid kong may gusto siyang sabihin.

"Liv" lumingon ako sa tumapik ng likod ko at nakita ko si Nathan. Matagal ko siya hindi nakita, lulubog liitaw siya kung papasok sa school. Nangangayayat din siya at malaki ang eye bags. "Nabalitaan ko ang nangyari kay River" umupo siya sa tabi ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ko na para bang sinasabi niyang everything is gonna be fine.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Nagkatinginan sila ni Mama kaya naging curius ko.

"Ah,kasi your father needs you." Nagulat ako sa sinabi niya.

My father needs me? ano bang pinagsasabi niya?

tumingin ako kay mama ng nagtatanong na tingin.

"Your father has a stage for cancer, ang hiling lang niya ay makita ka" biglang tumulo na naman ang mga luha ko.


Kahit nagagalit ako sa kanya hindi ko parin maiwasang mag-alala. Stage four cancer? it means matagal na siyang may sakit? hindi man lang nila sinabi sa akin? at anong kinalaman dito ni Nathan?

"Nung naabutan mo kami ni Nathan sa bahay, yun yung time na inoperahan siya. Ayaw niyang iparating sa iyo dahil akala niya wala kang pakealam" pagpapatuloy ni mama sa sinabi niya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko para umiyak at humagulgol. Tumingin ako kay Nathan.

"Anong kinalaman mo dito?"

"This is not the right time para sabihin at ipaliwanag ang lahat sa iyo. We need to fly to korea as soon as possible. Malala na ang lagay niya. Hindi natin alam bukas makalawa......" Huminto siya at tumingin sa akin. "Baka hindi mo na siya maabutan" mas lalo pa akong napahagulgol.

"Gusto ko siya puntahan"

"Thats good, uuwi  muna ako para asikasuhin ang mga papeles mo. Bukas na bukas din, lilipad tayong Korea" saka siya umalis. Naiwan akong nagiisip.

Miss ko ka si Papa, kung hindi ko siya pupuntahan hindi ko na siya makitang buhay pa. Pero nag-aalala ako sa parte ni Felix lalo na't na coma siya. Natatakot akong baka magising siyang may amnesia, natatakot akong hindi niya ako ma-alala. Pero kaylangan kong makita ang tatay ko, gusto ko siyang makita kahit sa maikling panahon.

***

Hinintay kong dumating ang Xtreme Smashers at ang dalawa kong kaibigan sa bahay bago ako aalis. Gusto kong maayos na makapagpaalam sa kanila.

"Teka, bakit may maleta?" tumingin ako sa labas sa kakarating lang na si Tazanna at Pau, nasa likod nila ang Xtreme Smashers. "Liv, may business trip ba si Tita?" umiling ako sa tanong ni Tazanna. Pinapasok ko sila at pinaupo sa sofa.

"Gusto ko lang sanang magpaalam" sabi ko.

"Saan ka pupunta?" sabay sabay nilang tanong. Mas lalo akong nalungkot sa naging ekspresyon nilang lahat.

"Punpunta akong Korea. Kailangan ako ng tatay ko, he's on a stage four cancer" paliwanag ko.

"Paano si River?" biglang tumulo ang luha ko sa tinanong ni Niel, naramdaman ko ang mainit na yakap sa akin ni Tazanna.

"Yun nga 'yung gusto kong ipakiusap sa inyo" huminto ako at pinunasan ang luha ko. "Gusto kong alagaan niyo muna siya habang wala ako. Magvi-video call tayo araw araw para makita ko ang kalagayan niya*sob. 'Wag ninyo akong kalimutang tawagan kaoag gumising na siya ah?"

"Yes naman, oo naman" ani Xander.

"yes po, opo" ani Alex

"Just promise to us na aalagaan mo ang sarili ko, magiingat ka sa korea" paalala sa akin no Jack kaya tinanguan ko siya at ngumiti.

"Wag kang magpapaakit sa mga oppa na nandun, tandaan mo coma lang si bossing" tumawa ako sa sinabi ni Seb.

Mamimiss ko silang lahat. I will miss all of my moments with them.

"Kailan ka uuwi?" tanong sa akin ng umiiyak na si Tazanna.

"Next week?" - Thom

"Next month?" - Caleb

"Next year?"- Oscar

I let a very loud sigh at tumingin sa kanila.

"I dont know, hindi ko alam kung makakauwi pa ako" walang umimik.

Naramdaman ko ang mga yakap nilang bumalot sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha ko.

Mahirap mang iwan ka, pero may importanteng tao na nangangailangan sa akin. Pagbalik ko dito, sisiguraduhin kong gising ka na. Siguro nga ito na 'yung karma.

Tama nga si Tazanna.

Bilib ako kay karma, 2-in-1 kung umatake.

Moo, mamimiss kita. Kahit ilang kasalanan pa at pagsisinungaling ang ginawa  mo papatawarin parin kita kasi mahal kita. Kaya dapat magpagaling ka.

Siguro kung babalik ako dito ulit, hindi na ako ang Trix na minahal mo. Babaguhin ko ang sarili ko. Kakalimutan ko lahat ng problema.

I will return with changes.

Hindi ko masisigurado kung pagbalik ko ikaw parin. Malay natin may mahal ka nang iba, at may mahal narin akong iba.

Hindi natin alam kung ano ang balak ni  tadhana ngayong kasabwat na niya si Karma.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mananatili ako sa tabi mo habang natutulog ka.

Hindi ko alam anong maaarin kong gawin para gumising ka.

Pero sa ngayon, kailangan ako ng tatay ko.

Isa lang ang tanong na dala dala ko sa pag-alis ko.

What should I do When You're Gone?





____________________________________________________________________

END OF BOOK 1........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now