Chapter 32.1: Birthday Party

7 4 0
                                    

Liv's POV

Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon ay sabado na. It's Sebastian's birthday. Sa bahay daw nila gaganapin ang party mamayang 3 o'clock kaso may round two pa daw sa Linus Bar occupied nila ang buong bar, libre na raw ng magkapatid.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay waiting for Felix, susunduin niya raw kasi ako.

Im wearing a pink dress, gusto daw kasi akong makita ni Felix na magdress ang boyish ko daw kasi manamit.

Sa hindi kalayuan, natatanaw ko na ang ferrari niya. Agad itong huminto sa harap ko. Lumabas siya mula sa drivers seat ng nakangiti. Binuksan niya ang passenger's seat sabay sabing.

"It suit's on you. Bagay na bagay, lalo kang gumanda" hindi ko na siya sinagot dahil kinikilig ako, hihi *¿*. Umikot siya papuntang drivers seat. Tumingin muna siya sa akin at kumindat bago inistart ang engine. Wuaaaah! shemay.




Tazanna's POV

Kanina pa ako pabalik balik sa walk in closet ko. Hindi kasi ako makapili ng susuotin ko. Birthday lang naman ng tukmol na yun, pants na lang gagamitin ko.

sigh*

Kinuha ko yung long sleeved blouse ko, itim siya na may disenyong mga bulaklak. Inalis ko ang hanger nito saka sinuot. Sunod ko namang kinuha yung rip jeans ko na white, medyo malalaki yung punit niya. Finold ko yung nasa baba niya, mga tatlong fold ang ginawa ko. Lumabas ako at tiningan ang kabuoan ko. Inalis ko yung tuwalya sa buhok ko saka ko binlower ang buhok. Bagay na bagay sa suot ko ang style ng buhok ko since maiksi ito.

Pumasok ako ulit sa walk-in-closet ko at kinuha yung fila ko na kukay itim pati narin yung sling bag ko na puti para bagay sa pants ko, hihi.

Tiningnan ko ang kabuoan ko sa salamin.

Simple yet gorgeous.

Simple lang siya, pero akma sa pupuntahan ko.Hihi *0*.

Sayang hindi kasama si Cyrill, hindi siya inbitado eh. Ang masama pa nun, si Niel ang susundo sa akin. Meron naman akong kotse eh, kaso ayaw ibigay sa akin address nila Seb. Sigh.

Lalabas na sana ako kwarto ko ng makalimutan kong magcologne, hhi. Bumalik ako saka nagwisik ng marami.

Hmmmmmm.

Ang bango-bango ko, hihi.

Tsaka ako bumaba. Pero panghuling hakbang ko na nang biglang nag beep ang phone ko ng apat na magkasunod, it means my dalawang message ako.

Nakita ko ang pangalan ni Cyrill sa inbox.

From: Cyrill
  Hi! :) Ingat sa biyahe.

Napangiti ako sa text ni Cyrill. Kahit kailan talaga di niya nakalimutang itext.

To: Cyrill
Thank you <3

Sunod ko namang tiningnan yung isang nagtext.

From: Unknown
hey! dipa kita nakikita, pero feeling angganda mo sa suot mo. See you on the party ;)

Whaaaaaat!? Pupunta rin siya sa party?. Baka naman ibang party? pero feeling ko dun din yun eh. Magkakilala ba sila ni Seb? well, le'me see.

Im snapped back to reality nang biglang may bumusina.

"Ayan na!" sigaw ko. Sigurado akong si Niel na yan.

Lumabas na ako at tama nga ako, nakasandal siya sa kotse niya habang pinaglalaruan ang susi niya. Pansin ko ring parang may hinhintay siyang tawag or text naka, naka focus sa cellphone eh.

When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now