Chapter 40: Dinner

9 3 0
                                    

Niel's POV

Monday 12:00 pm. Lunch Time

"Oh, nga dre. Walo na naman ulit tayo,lumalablayp na yung dalawa" Ani Seb. Nandito kami ngayon sa cafeteria, hinihintay si arabo at yung magcouples

"Inggit ka naman?" ani Caleb na umiinom ng dutchmill. Tanda-tanda na pero umiinom parin ng ganon. Sabi niya kasi, panpaakit daw ng chicks. Ano naman kinalaman ng dutchmill sa pambababae.

"Hoy! tapon mo na nga yan. Wala ng laman eh" inirapan lang ni Caleb si Thom.

"Ayan na naman yang dutchmill na yan" - Xander

"Yeah, did you know? ang bakla mong tinganan kapag umiinom ka niyan?" pagsang-ayon ni Alex sa kapatid.

"Hoy,Niel. Ano nahawa ka na kay Dylan?" - Oscar

"HAHAHAHAHA naiinis daw kasi kay Cyrill" tinapunan ko siya ng masamang tingin, pero hindi parin nagpatinag ang tukmol.

"Ha? bakit naman? ang bait kaya ni Cyrill. Ang galing pa sa court" - Thom

"Kaya nga. Minsan na rin akong nakasakay sa ducati niya" - Alex.

"Kaya nga. And its super cool" - Xander

"Wala namang kaso sa akin yun eh" sagot ko at kumuha ng burger. Mukhang hindi na darating sila bossing.

"E, anong pinuputok ng butchi mo?" - Caleb.

"HAHAHA kung alam niyo lang" - Seb

"Ano yun?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Buti na lang at hindi niya narinig yun. Dumating na sina Bossing kasama si arabo at amazonang si Pau. Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko ngayon. Si Tazanna.

"H-ha?"

"Ano bingi ka na rin?" umupo siya sa bandang kanan ko. Bakit hindi niya kasama ang gurang na iyon?

"Bakit hindi mo kasama si gurang-este-Cyrill?" tanong ko.

"May practice sila." Aniya at kumuha ng chichirya.

.Napansin ko na sa amin pala nakatutok ang spotlight este ang mga mata ng kasamahan namin.

"B-bakit?" kabadong tanong ko. Sabay-sabay naman silang umiling. So weird -,-

"Ehem ehem" tawag pansin ni Seb.

"Bakit na naman?" inis na tanong ni Caleb sa kanya na ngayon ay abal sa paghalo ng halo-halo niya.

"Gusto ko lang sanang magtanong kay arabo hehe" binigyan naman siya ng nagtatanong na tingin ni Jack.

"What is it?" aniya.

"Kayo na-"

"Hindi/No" nagulat ako sa naging sagot ng dalawa. Hindi dahil pareho sila ng sagot, dahil sabay pa sila na parang may tinatago. I smell something kalandian

"HAHAHAH talaga lang ha?" tawang tawa na sabi ni Seb.

"Alex, pustahan tayo?"  tanong naman ni Xander sa kapatid kaya napatingin kami sa dalawa.

"Sige,ano?" lahat ay makahulugang naghihintay sa sagot ni Xander. Ano na naman kayang binabalak ng magkapatid na ito?

"Pustahan tayo, magkakatuluyan yang si arabo at si Pauleen" Sagot ni Xander.

"Uy, sali ako" - Seb. Kita kong kinuha ni Arabo yung burger sa harap ko at kinuha yung palaman bago tinapon sa mukha ni Xander

"Aray! para saan iyon?" daing ni Xander.

"Subhana Allah. Pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo" tinawanan lang namin sila. At nagpatuloy sa pagkain.

Liv's POV

When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now