Chapter 41: XS

10 3 0
                                    

Liv'z POV

Kanina pa nakauwi si Felix. Nagtaka si Mama kung bakit ang aga daw niyang umuwi, hindi man lang nagpaalam kay Mama


Magaalas onse na ng gabi at hindi parin ako makatulog. Naubos ko na lahat ng table of elements pero 'di parin ako inaantok. Parang may bumabagabag sa isip ko. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Gusto kong tawagan si Felix to check if he's okay. Pero baka tulog na iyon.

Muntik na akong mahulog sa kama ko ng maramdaman kong nagvibarate ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa ganitong oras?

"Hello?"

["Hello? is this Liv?"] Bigla akong kinabahan.Nanginginig kasi ang boses niya.

"Oo ako ito, at sino ka?"

["This is Evah, but it isn't important anymore. I have something important to tell"] biglang kumunot ang noo ko. Saan niya naman nakuha ang number ko

"What? saan mo nakuha number ko?,at sa ganitong oras ka talaga tatawag? pwede namang bukas na lang sa school"

["Can you please shut up? at makinig ka na lang?"] inilayo ko ng konti ang cellphone sa tenga ko. Ang sakit sa tenga ng sigaw niya. Pero bakit ba siya sumisigaw?

"Ano ba kasi iyon? bakit ka sumisigaw?"

["Darn,listen to me. Wag kang magsasalita at ako muna, pakinggam mo lang ako,okay?] she paused and let a loud and heavy sigh. ["The XS I - mean yung grupo ni River ay nasa hospital. Lahat sila nandoon, at walang nagbabantay sa kanila. Malala ang natamong sugat ni River,kaya please pumunta ka na ngayon. Nasa Regional Hospital sila ngayon"]

"Ha? PAANO NANGYARI IYO-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pintay niya na ito agad.

Nagbihis ako at agad tinawagan si Tazanna at Pau. Gaya ko ay nagulat din sila. Ang rami nilang tanong, pero wala akong sinagot maski isa. Ang sinabi ko lang ay magkita kami sa RH.

Kinuha ko sa lalagyan ng susi ang susi ng sasakyan ni Mama. Hindi ko magagamit ang kotse ko ngayon dahil wala siyang gas. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Mama. Itetext o tatawagan ko na lang sila doon.

Nanginginig ang kamay kong nagmamaneho papunta sa RH. Buti na lang ay malapit ang RH sa amin. Hindi ko na nagawang ipark ng maayos ang kotse ko at agad tumakbo papasok ng RH. Nanginginig ang tuhod kong pumasok sa RH at dumeretso sa Nurse station.

"Saan po yung room nung sampong lalaking sugatan?" agad hinanap nung lalaking nurse ang room nung sampo.

"Nasa room 143 si Mr. Torres,habang si Mr. Villanueva naman ay nasa room 144 and so on po. Magkakasunod po sila" Tumango ako sa lalaking nurse at tinakbo ang hagdan. Hindi ko na ginamit ang elevator dahil sa second floor lang iyon. Mabuti na lang at agad nahagip ng mga mata ko ang room ni Felix.


Nadaanan ko ang room ni Niel at may isang batang babae na nandoon at ang yaya niya base sa suot nitong uniporme. Pagpasok ko sa room ni Felix, nagulat ako sa nakita ko.


Natutulog siya. Ang rami niya sugat sa mukha at maraming galos sa katawan. Halatang nakipag suntukan.

Kinuha ko 'yung plastic na upuan at itinabi sa kama niya.

"Moo, ano ba yang ginawa mo? ang panget tingnan" natatawang sabi ko.  Nakakawa ang lagay niya. Napansin ko rin na medyo dumudugo pa ang labi niya.

"Parang kanina na lang, hinalikan mo ako sa ilong ah. Pero ngayon dumudugo na yang labi mo" nanginginig ang boses kong kausap siya.

Bigalang may pumasok na babaeng nurse. " Good evening po maam. Kayo ba ang kamag-anak ni Mr. Villanuva" tanong niya habang chinecheck ang BP ni Felix.Bakit niya chinecheck? eh hindi naman High Blood si Felix ah.

"Ah, hindi. Girlfriend niya ako" ngumiti siya at tumango.

"Kanina pa po sila nandito mga alas nuwebe ata. Sunod-sunod silang isinugod dito. Halatang nakipagbasag ulo." Inayos niya ang mga dala niyang gamit "Sige po mauuna na ako"

"Teka, kailan siya magigising?" pahabol na tanong ko.

"Mga 2-3 days po maam. Medyo malala yung sugat niya eh" saka siya lumabas

"Hindi ko maalala na sinabi mong basagulero ka" Bigla na namang bumukas ang pinto ang iniluwa si Tazanna. "Nasaan si Pau?"

"Pinuntahan si Jack. Kamusta na siya? mukhang malala ah"

I let a loud and heavy sigh "Aabutin daw tatlong araw bago siya magising"

"Not bad, at least gigising parin"

Ang tahimik ng room, tanging ang makina lang ang naririnig namin at mga buntong hininga ko.

"Teka, saan mo pala nalaman na nandito sila?"

"Tumawag sa akin kanina si Evah"

"Si Evah?" hindi makapaniwalang tanong niya. At tumango ako "Hindi kaya alam niya ang dahilan kung bakit sila nandito?"

Napaisip naman ako sa sinabi ni Tazanna. Imposible kayang alam ni Evah kung bakit sila nandito?

Kinuha ko ang bag ko at dali-daling tumayo. Pero hinawakan ni Tazanna ang kamay ko para pigilan ako.

"Saan ka pupunta?"

"Tatanungin ko lang si Evah kung may alam ba siya dito"

"Bukas na lang, hating gabi na oh"

"Ayoko. Gusto kong malaman. Parang may alam siya sa kanila na ayaw niyang sabihin" hindi ko na siya pinakinggan at agad akong lumabas.

Pumunta ako sa isang restaurant na malapit sa RH. Buti na lang at 24/7 silang bukas. Tinext ko si Evah na magkita kami dito at ngreply naman siya na ng OTW -,-

"Anong kailangan mo?" She asked.

"Upo ka muna" umupo siya sa tapat ko "Dederetsohin na kita, may alam ka ba sa nangyari sa kanila?" Bigla namang kumunot ang noo niya.

"Hindi ko alam, at kung meron man akong alam si Rver ang dapat na magsasabi nun" nagulat ako nang tumayo siya. "Wag mo akong tanungin sa ganyang bagay. Ang boyfriend mo ang tanungin mo" Saka siya umalis.

Ibig sabihin may alam siya? pero alam niya kung bakit sila nasa hospital. Ayaw niya lang sabihin,at ang gusto niya si Feli mismo ang magsabi nun. Hayst! ang gulo.


Agad agad akong bumalik sa hospital. Nadatnan ko si Pau at Tazanna na nakaupo sa labas ng hospital.

"Bakit kayo nandito?" I sked.

"Nandun ang pamilya nila sa taas except dun sa magkapatid dahil nasa Palawan daw for business trip" sagot ni Pau.

"Umuwi muna tayo,baka hinahanap na tayo. Hindi pa naman ako nakapagpaalam"

Kahit sa pag uwi ko ang iniisip ko parin yung sinabi ni Evah. Yung XM.

Posible kayang may gang sila? e bakit hindi niya sinabi?

Yung XS ba ang pangalan ng gang nila? kung oo, bakit hindi nila sinabi sa akin iyon?

















When You're Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now