'Til Death

25 2 1
                                    




"Love, ang daming sexy at mas magandang babae sa mundo. Bakit ako? Bakit sa hindi kasexyhan at kagandahan?" Tanong ko sa boyfriend ko na nagluluto ngayon. Pinapanuod ko lang siya na magluto habang ako ay ngumu nguya lang ng kung ano ano. Madalas ay ganito lang ang date namin dahil sabi niya ay gusto niya akong pinagluluto at less gastos na rin daw. Mas gusto ko din 'to dahil mas masarap kumain kapag pinagpaguran at gawang pagmamahal. Lalo na kapag ang nagluto ay ang taong mahal mo.

Hininaan niya muna ang apoy bago lumapit sa akin at umupo sa harapan ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nag saluk baba habang titig na titig sa'kin.

"Itong mukha lang 'to ang pinaka maganda sa paningin ko. Iyang mukha mo ang gusto kong makita sa pag gising ko sa umaga. 'Yang mata mo ang pinaka magandang tanawin. Kung paano siya kuminang. 'Yang labi mo ang gusto kong halikan, oras oras. 'Yang labi mo lang ang gusto kong halikan. 'Yang labi mo ang nakikita kong hahalikan ko sa harap ng Panginoon." Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko kasabay ng paglabas ng ngiti sa labi ko.

"Damn, I love your smile. I love you." Akala ko ay babalik na siya sa pagluluto pero naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran at siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil eto na naman ang clingy side niya. How I love this side of him.

"Tsaka kahit hindi ka man sexy gaya nila, wala akong pake. Ayoko ng sexy ka. Maramimg aagaw sayo. Tsaka sino nalang kakain ng mga lulutuin ko? Ang sarap mo kayang yakapin. Parang lagi kong kasama unan ko. Para akong yumayakap ng malaking marshmallow." Hinampas ko ang braso niya na tinawanan niya lang.

"Love?" Tawag ko sakaniya dahil mukhang wala na siyang balak bumitaw sa'kin.
"Hmm?" Mahina niyang tugon habang nararamdaman kong inaamoy niya ang buhok ko.

"Yung niluluto mo masusunog na."

"Fuck!" Tinawanan ko siya nang malakas. Ayan kasi, ang harot harot.

Katapos niya sa ginagawa niya lumapit siya sa akin at nagulat ako nang binuhat niya ako at pinaupo sa lababo.

"I don't see my future with any other girls. You know why I love your eyes? Sa mata mo, nakikita ko ang babaeng papakasalan ko."

"Kapag tinitignan ko ang mata mo, nakikita ko ang mukha ng mga magiging anak natin."

"Kapag tinitignan ko yung mata iniisip ko, paano kaya kung biglang mawala ang kinang nyan? Paano kung hindi ka na masaya sa akin tapos iiwan mo na 'ko?"

"What if one day your eyes will not shine for me anymore? I'm scared. That time might come and just by thinking of it makes my heart breaks."

-

"Love?" He looked at me with his cold eyes. Patago kong pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko at tumakbo papunta sakaniya.

Pagkarating ko sa harapan niya ay lumuhod ako para mag lebel kami. Nikayap ko siya mula sakaniyang wheelchair. Hikbi ko ang bumalot sa tahimik na kwarto na ito. Humarap ako sakaniya, nakatitig lamang siya sa akin ng walang ekspresyon, "Love, mag pagaling ka na please? Akala ko ba papakasalanan mo pa ako? Love, miss na miss na kita. Ilang taon ka nang naka upo dyan. Hindi ka pa ba nangangalay? Love, I'm sorry. Pasensya na kasi walang akong magawa para sayo."

Habang umiiyak sa harap mo ay naka tingin ka lang sa akin na parang hindi mo ako kilala.


Naka ngiti ay pinagmamasdan kitang nagluluto. Humarap ka sa akin at kinindatan ako, "I love you."

"I love you..." I said as I burst my tears. I feel my body breaking down infront of your coffin. People are looking at me with pity but I didn't mind them. I can't even see clearly because of my tears. All I see is him. His smile. His laughs. His jokes. "You said you love my eyes, but why are you making me cry?

You said you love how my eyes shines for you, how will you witness its shiness when you're there lying at your coffin?"

Under the moonlight, I can't help but to look at the night sky. I closed my eyes and saw you, smiling at me. I felt the breeze of winds hugging me, "Happy 5th anniversary, Love. I miss you so much."

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now