Beautiful in White

6 1 0
                                    

Tinignan ko ang red silk gown na lagi kong dinadaanan. Kapag umuuwi galing sa school lagi kong nadadaanan 'tong shop na 'to. Lagi ko rin nakikita yung red gown na matagal ko nang gustong bilhin ngunit nasasayangan ako sa pera. Malapit na ang Ball sa school, dalawang araw na lang pero hanggang ngayon wala pa rin akong masusuot.

I smiled when I saw my crush entered the shop. Sila ang may ari nyan, isa sa mga dahilan bakit lagi kong gustong dumaan dito.

Natigilan ako nang mag tama ang tingin namin ni Rence. Still cold yet dashing. Nasilayan ko na siya kaya dali dali na akong umalis doon at umuwi na.

"Thally, bukas na ang ball ready ka na ba?" Tanong ni Bea kaupo ko sa aking upuan.

"Baka hindi ako maka punta, Bea." Ani ko at inumpisahan nang buksan ang libro.

"What?! Why?" Malungkot na ani niya. Tumingin ako sakaniya, "Wala akong masusuot. Pero titignan ko, bahala na." Maghahanap ako sa damitan ni Mama. Sayang din kasi ang additional grades na ibibigay nila.

"THALLY!" Sigaw ni Martin sa'kin habang may bitbit na malaking box. Hinihingal siyang pumunta sa akin at nilapag sa desk ko ang box.

"What's this?" Kunot ang noong tanong ko kay Martin.

"Obviously a box, Thally. May nagbigay sa'kin nyan hindi ko kilala sabi ibigay ko daw sayo." Tumango na lang ako sakaniya at nagpasalamat.

"Oh my, baka bomba iyan Thally!" Sabi ni bea. Silly Bea. Magsasalita pa sana ako nang dumating na ang prof.

Kapasok ng kwarto ay nag bihis muna ako bago ko balikan ang box na nasa kama ko.

"This is for you, Thalia. Wear it tomorrow. See you. " Basa ko sa notes na naka dikit sa labas ng box. Mabilis kong binuksan ang box at napanganga sa nakita ko. It's the red gown! Pumunta ako sa harap ng salamin at tinignan ito. It looks elegant!

Naka ngiti akong umupo muli at tinignan kung may pangalan bang nakalagay kung kanina galing. Tinignan ko rin ang note na naka lagay ngunit wala. Naka ngiti akong humiga sa kama habang yakap ang gown.

Kung sino ka man, maraming salamat. Naka lagay sa notes na 'See you' So probably, pupunta siya. I can't wait for tomorrow.

Ngumiti ako kay Papa nang maihatid niya na ako sa harap ng school. Mahigpit akong niyakap ni papa, "Ang ganda mo anak. Mag ingat ka ah?" Ngumiti ako kay Papa at nagpa salamat.

Bago pumasok ay kumaway muna ako kay papa at tuloy nang pumasok. Kapasok ko ay madaming naka tingin sa akin, ang gaganda ng mga gown nila. Naka taas ang noo ay ngini ngitian ko ang mga kakilala ko.

"THALLY! WAAH, AKALA KO HINDI KA MAKAKAPUNTA!" Napatawa ako nang makita si Bea at ang malaking bunganga niya ang salubong niya sa akin.

"Remember the box yesterday? Yung gown na laging kinukwento ko ang laman. " Nagtitili si Bea.
"Omg! Sinong nagbigay?" Kinikilig na tanong ni Bea.

"No idea. Anyway, kung sino man siya maraming salamat kung hindi dahil sakaniya wala ako ngayon dito sa ball." Naka ngiti kong sabi.

Umupo kami ni Bea sa table at nag umpisa na ang program. Nag sasayaw na ang iba pati na rin si Bea kasama ang partner niya pero nandito pa rin ako sa table nakaupo.

"You look beautiful with your gown, Thalia." Napatingin ako sa likod ko at bumilis ang tibok ng puso nang makita si Rence. Gosh.

"Ahm, thank you." Nahihiya kong banggit sakaniya at hindi makatingin nang diretso.

"Can I dance you?"

"Sure!" Inalok niya ang kamay niya at nahihiya ko namang pinatong ang kamay ko doon. Ngumiti siya sa akin na ginantihan ko naman.

Habang nagsasayaw ay naka tingin lang ako sa  kung saan saan dahil nahihiya akong tumingin sakaniya. Ang gwapo gwapo niya ngayon. Kita ko ang mga tingin nila sa amin kaya lalo lamang akong naiilang.

"Do you love the gown? My mom said na lagi mong tinitignan nyan kapag napapadaan ka sa shop."

"Ikaw nag bigay nito?" Bigla kong sabi sakaniya. Nakita ko ang pag tawa niya at kinurot ang pisngi ko.

"You're so cute. Yeah, I know that's your dream gown. Lagi kitang inaabangan na dumaan sa shop namin."

"Talaga ba?" Biro ko sakaniya at tumawa.

"Yep. Dati hindi naman talaga ako mahilig mag tambay sa shop pero no'ng makita kita dun, biglang gusto ko lagi kang makita. The moment our eyes met, my heart already fell." Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko at pag litaw ng malawak na ngiti sa labi ko.

Hinawak niya ang pisngi ko, "Damn, you're so cute." Sabi niya na lalong nagpaganda sa ngiti ko.

Nag bago ang kanta at napilitan ito ng Beautiful in white.
"So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight."
Pinaglapit ni Rence ang mga noo namin at hinalikan ang noo ko.

"You know what, Thalia? You look so stunning in that red gown."

"But you'll look more beautiful in white." Ramdam na ramdam ko ang pag didiwang ng mga paro paro sa tyan ko at ang pag pula ng pisngi ko.

"With the white gown, you walking in the isle. And me waiting for you. Damn, you really made me crazy for you, do you know that thalia?" Napatawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. He's so cute.

"Hindi mo na ako kailangang paringgan, I'll be Mrs. Monte soon. With or without your approval." I said and sealed it with a kiss.

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now