YOUR FANBOY

3 0 0
                                    


YOUR FANBOY
written by ₗₑₙₙₒₓ Cₒₗₑ

Masaya ako naglalakad papunta mall habang may ngiting naka paskil sa labi ko. Magbabagong taon na kaya dapat new look ako. Gagayahin ko ang bangs ni Lisa ng Blackpink pagkatapos ay bibili ako ng posters at iba pang K-Pop Merch. Hindi ko mapigilang ma excite kaya karating ko sa Mall ay patakbong pumunta na ako sa Salon kung saan nagtatrabaho ang ninang ko.

Naka ngiti akong pumasok sa Salon, "Hi Ninang!" Bati ko kay Ninang at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti siya sa akin at sinabing maupo muna ako. Nakita kong may customer pa siya kaya tahimik akong naupo.

Nag ningning ang mata ko nang makita ang isang magazine sa salon ni Ninang. Blackpink, BTS, EXO at iba pang mga K-Pop groups ang magazine. 

Binuksan ko iyon at sa unang page ay ang picture ni Lisa. Sa Blackpink ang bias ko si Lisa kaya gagayahin ko ang bangs niya. Sana nga lang ay bumagay sa akin. Hindi ko mapigilan ma excite.

"Rose, halika ka na dito." Dali akong tumayo at umupo na sa harap ng salamin.

"Ano bang gusto mong gupit?" Tanong ni Ninang at pinakita ko sakaniya ang magazine na may mukha ni Lisa. Bumungisngis naman ako nang makita ni Ninang.

"Hmm, mukhang babagay nga sayo iyan." Ani ni Ninang at nag simula na.  Lalong nagningning ang mata ko sa sinabi, "Sana nga po, Ninang." Naka ngiti kong sabi. Hanggang baywang ang buhok ko kaya ginupitan din iyon at sumunod na sa bangs.

Nang makita ang kinalalabasan ay pumapakpak sa Ninang, "Naku, kamukhang kamukha mo na si Lisa ah?" Pang bobola ni Ninang. Tumawa ako at binigay na ang bayad sakaniya ngunit tinanggihan dahil pamasko na rin daw niya sa akin iyon.

Humuling sulyap ako sa salamin at ngumiti bago umalis at nagpa salamat.

"Babye po!" Masaya akong lumabas sa salon at pumunta na sa K-Pop Store.

Karating ay agad akong pumasok. Sa pagkasabik ay may nabangga akong lalaki at napa upo ako sa sahig dahil sa tangkad niya. Napangiwi ako at napa hawak sa pwet ko. Ang sakit!

Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko at naka tingin lamang sa akin at wala yatang balak na tulungan ako, "Ehem, Kuya, baka naman may balak kang tulungan ako?" Sarkastiko kong saad. Mukhang bumalik siya sa realidad at tinulungan akong tumayo. Gwapo sana kaso mukhang nasa ibang planeta ang utak. Kamukha na niya sana si Jungkook ng BTS kung hindi lang shunga. Natawa naman ako sa iniisip ko.

"May nakakatawa ba?" Inirapan ko ang lalaki.

"Wala. Salamat. Sige, babye." Tuloy tuloy kong sabi at pumunta kung saan nandoon ang mga posters.

Isang poster sa BTS. Isang poster rin sa EXO at dalawang poster para sa BLACKPINK. Pumipili ako ng pang huling poster para sa Blackpink at napa ngiti nang makita ang solo pic ni Lisa.

Nasa pinataas iyon kaya pilit kong inaabot ngunit hindi ko kaya. Ba't ba kasi pinanganak akong unano? Inis akong tumatalon ng parang bata doon para lamang maabot iyon.

May naramdaman akong tao sa likod at inabot ang poster na kanina ko pa inaabot. Humarap ako at lalong nanliit sa sarili ko dahil hanggang dibdib lamang ako ng lalaking nabunggo ko kanina. Naamoy ko ang pabango niya dahil sa sobrang lapit sa akin.

Ngumiti siya at lumayo sa akin. Tinignan niya ang poster na kanina ko pa inaabot at ngumiti, "Hmm, si Lisa 'to hindi ba?" Tanong niya. Tumango naman ako at pinalad ang kamay ko para ibigay niya iyon sa'kin.

Kinunot naman niya ang noo niya, "Bakit ka naka palad?"

"Kasi ako ang bibili nyan. Inabot mo iyan para sa akin hindi ba? Saan na at maka alis na 'ko." Hindi ko mapigilang mag taray.

Moon and Stars. (One Shot Stories)Where stories live. Discover now